Imbisibol Part 51

7.3K 319 69
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Sept 25, 2016

Part 51

Kinahapunan, natagpuan ko na lamang ang aking sarili na naka upo sa harap ng aking study table habang napupuno ng pang hihinayang ang aking dibdib. Sumagi tuloy sa aking isipan yung mga eksena kanina noong muntik ko nang sabihin sa kanya ang lahat..

FLASH BACK

Nanatili akong nakatingin sa kanya at siya naman ay naka ngiti sa akin. Wala akong nagawa kundi ang huminga ng malalim at dukutin ang sulat sa aking bulsa. "Ah... ano.. Ry, may.." hindi ko naituloy dahil biglang hinila si Rycen ng kanyang mga barkadang kolokoy dahilan para mapurnada ang aking moment. "Tol, wait lang.. ang kulit ng mga ito." ang wika nito habang hinahatak palayo sa akin.

Wala naman akong nagawa kundi ang isauli nalang sa aking bulsa ang sulat na ginawa ko pa noong nakaraang buwan para ipag tapat sa kanya ang aking ikinukubling damdamin. Ngunit tila yata ayaw ng pag kakataon dahil kung kailangan nakapag ipon ng lakas ng loob para sabihin ito ay siya naman pag alis ni Rycen sa akin harapan.

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan habang hawak ko ang lumang sulat na sana ay iaabot ko sa taong labis kong hinahangaan. Ibayong lungkot ang aking nararamdaman sa tuwing sumasagi sa aking isipan ang mga bagay na hindi ko nagawa noong kasama ko pa siya. At lalo lamang akong binabalot ng pang hihinayang habang pinag mamasdan ko ang aming pinaka huling class picture bago mag tapos sa kolehiyo. (Scene from Imbisibol season 1 Part 1)

Nakakatuwa ang aking itsura sa larawang iyon dahil naka tingin ako sa kanya samantalang siya naman ay naka tingin sa iba. Ngunit gayon pa man ay unti unting gumuguhit ang ngiti sa aking mga labi sa tuwing sumasagi sa aking isapan ang mga ala-ala noong kami ay mag kasama pa.

Habang nasa ganoong pag titig ako sa aming larawan ay isang lumilipad na unan ang tumama sa aking mukha dahilan para mapasubsob ako. "Tana para saan iyon?" ang tanong ko naman kay Gabby.

"Para ka kasing baliw. Naka titig ka sa picture at pag katapos ay nakangiti ka. Eh kung hanapin mo na kaya si Rycen at ibigay sa kanya iyang sulat na kanina mo pa dinadasalan edi sana solve ang problema mo. Edi tapos na! Dali naaaaa!! May oras ka pa. Bahala ka dahil kapag umuwi iyon sa Cebu ay mas lalo tayong mahihirapan." ang pag pupursige ni Gabby.

"Teka akala ko ba ay hindi ka pabor na mag tuon pa ko ng pansin kay Rycen? Bakit ngayon naman ay pinupush mo ako?" tanong ko naman. "Eh hindi naman talaga ako pabor no. Ang layunin ko lang ay mawala iyang dinadala mo. Saka suportive akong kaibigan alam ko naman iyan." naka ngising sagot nito.

"Alam mo minsan di kita magets, kontrabida ka pero push ka naman ng push." pag mamaktol ko naman sabay tayo.

"Nag reklamo ka pa e tatayo ka rin naman pala." pang aasar naman nito.

Ayun nga ang set up, dahil sa ginawang pangungumbinsi ni Gabby ay nag pasya akong hanapin si Rycen at doon ay ibigay ang aking sulat. Basta kusang gumalaw ang aking paa at mabilis na tinumbok ang daan palabas ng pinto. "Teka Joppp!! Manonood ako ng concert sa mall mamaya, ilolock ko nalang ang pinto!!" ang sigaw nito pero hindi ko naman pinansin dahil dire-diretso lamang ako sa pag takbo.

Imbisibol (BXB RomCom 2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon