Imbisibol Part 50

6.7K 302 26
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Sept 25, 2016

Part 50

"Congrats John Peter. Cum laude! I know you can do it. Hindi ako nag kamali sayo." ang wika ni Sir Espanyol noong ibigay nya sa akin ang program para sa graduation na gaganapin bukas.

"Salamat po sir. Sa wakas malapit ko na rin maabot ang pangarap kong maging ganap na inhinyero." ang naka ngiting sagot ko naman.

"You really deserved it Mr. Guzman. Sayang nga lang dahil hindi sa ating department nag mula ang Magna Cum laude ngayong taon kundi sa Criminology. Gusto ko pa naman marinig ang speech mo. Pero anyway maririnig ko naman ang boses mo sa pag awit ng farewell song para sa batch nyo." ang wika nito sabay tapik sa aking balikat.

Bukod pa roon ay inabot rin nya sa akin ang aming pinaka huling class picture namin kung saan bigla akong napalingon kay Rycen noong kinukuhanan ito. Kaya ayun, ang resulta ay naka tingin ako sa kanya habang siya naman naka harap sa camera at naka ngiti.

Natawa tuloy ako bagamat tila may kirot sa aking dibdib..

Noong mga oras na iyon ay hindi ko alam kung anong emosyon ang dapat mangibabaw sa aking pag katao. Gusto kong sumigaw sa sobrang tuwa ngunit sa kabilang banda ay gusto ko ring umiyak sa sobrang lungkot. Masaya ako na mag tatapos na ang lahat bukas pero anong masaya doon kung mag tatapos na nga lahat?

"Minsan nga ay naguguluhan ako sa mga tao, ang lahat ay nag nanais ng "happy ending" ngunit bakit magiging masaya sila kung tapos na ang lahat?" ang tanong ko sa aking sarili habang naka upo sa botanical garden na madalas ko ring tambayan. Hindi ko napapansin na lumilipas ang oras, paunti unting nag babago paligid ko. Katulad nalang nitong garden, dati ay maayos ito ngayon ay kupas na ang mga pintura at ganoon din ang mga bakod at tarangkahang may kalawang. Isang patunay lang na niluluma ng panahon ang bawat bagay dito sa mundo. Eh yung nararamdam ko kaya para sa isang espeyal na tao? Kaya rin kaya itong lumain ng oras?

Tahimik..

Wala tuloy akong magawa kundi ang mapa buntong hininga.

Noong araw na iyon ay hindi ko na rin nakita si Rycen, marahil ay abala na ito sa pag hahanda para sa graduation. Nasabi nya kasi sa akin kahapon na ngayon ang dating ng kanyang mama galing sa Cebu at doon lamang daw sila sa hotel mananatili hanggang sa dumating oras ng pag tatapos.

Marami akong masalimuot at magandang ala-ala sa paaralang ito. Dito ako natuto ng iba't ibang aral sa buhay, may pag kakataon na lumuha ako at may pag kakataon rin naman na ngumingiti ako. Dito ko napag tanto na ang pag aaral pala ay hindi lang basta pagiging honor student, popular o mahusay sa klase, dahil ang pag aaral ay pag harap din sa iyong takot, pakikipag kapwa at pag gawa ng kabutihan para sa iba. Dahil sa huli ang mga bagay na ito ang siyang mag iiwan saiyo ng ibayong saya at ganoon din sa ibang tao na naka aalala sa iyo.

"Maagang emote iyan ah." boses ni Gab.

"Hindi naman, namamahinga lang ako. Ang layo kasi ng inalakad ko." palusot ko naman.

"Naku, maaari mong lokohin ang lahat ng tao, pero ako? Hindi no.. Bestfriend tayo kaya't ramdam ko rin kapag nalulungkot ka."

Natahimik naman ako at nag bitiw lang ng simpleng ngiti sa kanyang harapan. Muli ko rin itong binawi at itinuon sa kalayuan ang aking tingin.

Imbisibol (BXB RomCom 2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon