Imbisibol
Season 2
AiTenshi
Sept 13, 2016
Part 36
Kasabay ng pag tatapos ng summer ang siyang pag bubukas ng bagong school year sa aming campus. Katulad ng dati ang lahat ay abala sa pag eenrol o kaya ay sa pag aayos ng mga requirments. Ako naman ay excited dahil sa magiging reaksyon ni Gabby kapag nakita niyang isa na akong normal na tao at isang mutant na human dalmatian. Kanina nga pag pasok ko sa gate ng dorm ay agad akong pinuri ng landlord at sinabing umaliwalas ang aking mukha. Syempre abot tenga naman ang aking ngiti dahil napansin nila ito.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko sabay pihit ng doorknob. Pag pasok ko dito ay isang matamis na ngiti ang pinakawalan ko habang si Gabby naman ay napahinto sa kanyang ginagawang pag bubuhat sa mga libro.
Panandalian itong napatitig sa akin na animo naka kita ng multo tapos maya maya ay bigla na lamang itong bumulagta sa kama.
"Oyyy Gabby, gumising ka nga dyan! Anong kaartehan ba iyan?" ang tanong ko habang tinatapik ang pisngi nito.
Maya maya natauhan ito at muling iminulat ang mga mata nya. Ganon pa rin ang kanyang reaksyon na parang naka kita ng multo na noong aktong hihimatayin nanaman ito ay hinampas ko ng unang ang kanya mukha. "Oa kana Gab ha. Noong pumayat ka at nabawasan ng timbang ay hindi naman ganyan ang reaksyon ko." pag mamaktol ko. "Oh uminom ka muna ng tubig."
"Tangina ka Jopet, 3 months lang tayong di nag kita. Tapos bigla kang gumwapo. Saan ka nag paretoke ng mukha ha? Plastic surgery ba iyan? Mag kano iyan?" ang nang hihinang salita nito.
"Gago, kung nag paretoke ako ng mukha sana ay hindi pa ako magaling ngayon. Naalala mo ba yung cream na binili natin sa mall last year? Sinunog non ang balat sa aking mukha tapos ay napalitan ito ng bago. Nang hingi lang ako ng tulong doon sa dermatologist na kaibigan ni papa upang mapabilis yung pag bakbak sa mga natuyong balat sa aking pisngi. Sa maka tuwid ay para lang akong ahas na nag hunos." ang paliwanag ko.
"Gwapo kana Jopet, hindi kana mukhang si Tagpi." ang wika ni Gabby sabay pindot sa pisngi ko. "Ibang klase, para kang nag metamorphosis nyan."
"Masaya ako dahil kahit papa ano ay nakakalakad na ako ng tuwid ngayon ay hindi na ako nag aalala na baka kutyain o pag tawanan ako ng mga tao sa paligid ko. Ayoko namang itanggi ang katotohanan na kaya pinipilit kong ayusin ang aking sarili ay dahil kay Rycen, upang mapansin nya ako kahit paano." tugon ko.
Napabuntong hininga si Gabby. "Sadyang dumarating talaga sa punto na kailangan mong baguhin ang sarili mo, hindi dahil sa gusto mo lang kundi dahil iyon ang kinakailangan. Iyan din ang naramdaman ko noong mga oras na nag babawas ako ng timbang, minsan nangarap din akong mag lakad ng naka taas noo at hindi nakakarinig ng pang lalait mula sa iba. Minsan marerealize mo na binata na pala tayo, at kapag nasa ganoong stage kana ay kailangan mo nang mag ayos ng iyong sarili batay sa pisikal na anyo. Kung hindi ka gwapo atleast sana ay hindi ka nalang masyadong panget." ang wika ni Gabby habang naka tanaw kami sa labas ng bintana.
"Tama ka doon Gab, kaya isinusumpa ko, bukas ay luluhod ang mga tala." ang tugon ko naman.
"Gago, walang tala ngayon dahil tanghaling tapat. Maka hiram ka lang ng line kay shawi eh." ang hirit ni Gabby.
Tawanan kami..
Ramdam ko naman na masayang masaya si Gabby na makitang maayos na ang aking itsura dahil niyakap pa ako nito at nag tatalon kami na parang nanalo sa lotto. Sa buong linya yata ng kwarto sa second floor ay bukod tanging ang silid lang namin ang pinaka maingay sa lahat pero wala kaming paki alam doon.
"Teka nasaan si Rycen?" ang tanong ko habang kumakain ng tanghalian.
"Syempre sa isang linggo pa ang dating non. Ang huling tawag niya sa akin ay nag bakasyon daw sila ng gf nya sa Palawan. Gusto pa ngang dalhin sa Baguio yung babae, hindi nalang ako kumibo." ang kwento ni Gabby.
"Sa palagay mo may nangyayari na sa dalawang iyon?" ang tanong ko naman.
"Natural mayroon. Mag kasama sila sa hotel, isang kama ang higaan nila. Anong gagawin nila doon? Mag lalaro ng Jack Stone? Syempre ay mag aano doon yon! Sa libog ni Rycen na iyon hindi iyon papayag ng hindi maka score!" ang diretsong hirit ni Gabby.
"Bakit ba kasi nag tanong pa ako." pag mamaktol ko sa aking sarili habang kinakatukan ang aking ulo.
"Ang pinaka magandang gawin mo ay lumakad doon sa campus, tumambay at mag hanap ng panibagong crush yung papatulan ka. Kalimutan mo si Rycen dahil may petchay nang kinakain iyon!" dagdag pa niya.
Hindi naman ako nakapalag kay Gabby, wala akong nagawa kundi ang ibagsak ang aking katawan sa kama at titigan ang kisame. Lumilipad patungo kung saan ang aking isipan ngunit ang nakakatawa ay wala itong eksaktong dereksyon na patutunguhan. Basta nag iisip lang ako, magulo at wala sa ayos.
Alas 6 ng hapon, lumakad kami ni Gabby sa labas upang kumain ng hapunan. Sa hallway palang ng dorm ay pinag titinginan at pinag bubulungan na ako ng mga tao dito. Nakaka praning at nakaka pikon ang kanilang mga reaksyon ngunit gayon pa man ay hinayaan ko nalang dahil wala rin namang mangyayari kung papatulan ko ang kanilang mapanghusgang mata.
"Naku dapat ay masanay kana sa reaksyon ng lahat. Mga na shock lang sila, paano ba naman kasi ay isang summer vacation ka lang nawala tapos pag balik mo ay hindi kana mutant. Ang ibig kong sabihin ay flawless na yang pez mo at hindi mukhang dalmatian na may itim at puti." ang wika ni Gabby habang lumalakad kami sa canteen. "At im sure lahat sa school bukas ay malalaglag ang panga kapag nakita kana nila."
"Eh parang ayaw naman yata nila na makitang maayos ang itsura ko." pag mamaktol nila.
"Wag ka naman ganyan mag isip, syempre halos 1 year ka rin nilang tinatawag na "tagpi" , "bantay" at "snowblack". Tapos all of a sudden biglang KAABOOOM!! Nag bago ang itsura mo. Daig mo pa si Cinderella na minagic ni fairy God Mother. Kaya ayun sad sila dahil wala na silang malait." paliwanag ni Gabby
"Hindi ko naman maramdaman na may nag bago nga sa akin. Basta ang alam ko lang ay mas maayos na ang pakiramdam ko ngayon." ang naka ngiting tugon ko.
"Maging ako nga ay naninibago pa rin sayo. Parang mas maganda pa ring kasama yung human dalmatian na version mo. Ang lakas maka out of this world eh." biro nito.
"Tado.. Pati ikaw bully rin eh." sagot ko sabay batok dito.
Tawanan..
"Sa tingin mo ba ay magugulat si Rycen kapag nakita nya ako?" naka ngisi kong tanong.
"Oo naman. Baka himatayin pa iyon. Pero kahit na sumabay ka sa teorya ng ebolusyon ay hindi pa rin mababago ang katotohanang lalaki pa rin si Rycen at hanggang friends lang kayo. Kay Kerby ka nalang tutal siya naman ang 1st kiss mo." pang aasar nito.
"Panira ka naman talaga no? Saka huwag na natin idamay si Kerby dito dahil sikat na siya doon sa komersyal nya."
"Sino? Si Kerby? Anong kinaganda ng commercial niya? Naka hubad habang kumakain ng chinese noodles at pag tapos ay sisipa na animo martial artist? Naku eh mas marami pa nga yung buhok nya sa kili kili kesa doon sa laman ng noodles sa plastic. Tigilan mo nga ako Jopet." ang naiinis na sagot ni Gabby sabay subo ng pansit. "Huwag mo na nga kainin yang mani, titigyawatin ka pa nya eh." dagdag pa nito.
"Panira ka talaga Gab. Kumain ka na nga lang dyan." sagot ko at iniabot ko pa rito ang kanin.
Hanggang ngayon ay pintasero pa rin ang kaibigan kong ito, pero huwag ka dahil ang lahat ng sinasabi ay may katotohanan naman. Prangka lang talaga siyang mag salita sa mga kaibigang mahal niya at isa ako doon.
Kung tutuusin ay mas malaki ang pag babagong naganap sa kanya (Gabby). Nakita ko naman na ginawa nya ang lahat para mabawasan ang kanyang timbang. Dito ko napag tanto na kapag gusto mo pala talaga ang isang bagay ay mangyayari ito basta pag sikapan mo. Kung gusto mong baguhin ang isang aspeto ng buhay mo ay malaya kang gawin ito basta ang kailangan mo lang ay mag sikap at huwag matakot na subukan ang mga bagay sa iyong paligid.
Ang totoo non, hanggang ngayon nga ay iniisip ko pa rin kung mag papasalamat ba ako dahil nag apply ako ng magic cream na siyang naging dahilan ng pag kasunog ng aking balat. O mag papasalamat nalang ako sa tadhana dahil alam kong ang lahat ay naka takdang mag bago mula ngayon..
itutuloy..
BINABASA MO ANG
Imbisibol (BXB RomCom 2016)
Roman d'amourAuthor's note: Ang Kwentong ito ay base sa karanasan ng nakararami. Maaaring pamilyar sayo o naranasan mo na. Ngunit tinitiyak kong kapupulutan mo ito ng aral.