PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Imbisibol
Season 2
AiTenshi
Sept 2, 2016
Part 28
"Congrats Jopet, ang husay mo talaga. Dean's Lister 1.40 GPA at ikaw lang ang nakapasok sa engineering department. Hanep. Halimaw ka talaga!" ang natutuwang wika ni Kerby habang naka akbay sa akin.
"Tsamba lang iyan. Alam mo naman na dumaan tayo sa maraming pag subok noong nakaraan dalawang sem." ang wika ko naman habang naka ngiti.
"At salamat din sayo dahil hindi na ako babalik doon kay Mr. Kulapu! Wala na akong back subject sa first year! Ayos!!" tugon nya na hindi maitago ang labis na saya.
Kasabay ng tag ulan ang siya namang pag bubukas pasukan para sa panibagong school year. Ngayon ay 2nd year college na ako, sina Gabby, Rycen at Kerby naman ay nasa 3rd year na. Sadyang mabilis lang ang panahon, hindi ko na mamalayan ang pag daloy nito. Ang pinaka mahirap lang na parte sa pag kuha ng kurso inhinyero ay ang mga summer class na inaabot ng hating gabi upang maka bawas sa limang taong pag aaral mo.
Sa lumipas na mga buwan ay naging matibay pa ang samahan naming mag kakaibigan. Syempre hindi pa rin mawawala yung pasiklabang Rycen at Kerby na pati p.e subject ay nag lalaban at nakaka pikunan. Minsan nag sisimula sila sa payabangan tungkol sa mga babaeng naikama nila tapos maya maya ay mag aaway na ang dalawang ito. Parang aso at pusa. Mabuti na lamang daw dahil nandoon si Gabby upang awatin sila.
"Sasakbak nanaman sa collegiate meet ang volleyball at basketball team natin. Tiyak na magiging busy nanaman niyan si Rycen at si Kerby." wika ni Gabby habang naka tanaw sa bulletin board ng mga announcement.
"Sa central gym ang venue? Bakit doon? Bakit hindi dito sa atin?" ang pag tataka ko.
"Syempre doon lahat magaganap ang sagupaan ng iba't ibang school dito sa siyudad. Iyon ang pinaka sikat at pinaka malaking gym dito." paliwanag ni Gabby.
"Kaya pala laging pass si Rycen sa mga lakad natin nitong mga nakakaraang araw. Naka focus pala siya doon sa laro." puna ko naman.
"Syempre. Malaking tulong kay Rycen ang varsity dahil halos 75% scholarship din ito. Alam mo naman na wala na siyang tatay kaya't kumakayod ito ng doble. Mabuti na lang dahil may kinikita siya sa pag momodelo kaya kahit papaano ay naging maayos ang buhay niya." tugon ni Gabby
"Kung ganoon ay suportahan natin si Rycen sa mga laban nya." mungkahi ko naman.
"Syempre naman. Mas matutuwa si Rycen kung nandoon tayo. Eh teka paano pag nag kasabay ang game nina Rycen at Kerby? Saan ka manonood?" tanong nito na may halong pangamba.
"Nakup oo, paano iyan?" tanong ko rin na tila nakaramdam ng kung ano.
Tumingin sa akin si Gabby at ngumisi ito. "Edi sabay natin panonoorin. Mag kaisa lang kaya ang gym nila. Syempre kung saan lamang doon tayo sisigaw."
"Loko, nag tanong ka pa e alam mo naman pala ang sagot." pag mamaktol ko.
"Binigyan lang kita ng kaunting confusion. Baka kasi masyado kang lumulutang sa cloud 9." pang aasar nito.
Tawanan..
Dalawang linggo ang lumipas, nag simula na ang collegiate meet. Sa opening ceremony ay umatend lahat ng mga mag aaral ng St. Vincent para suportahan ang aming kuponan. At katulad ng napag usapan sa central gymnasuim ginanap ito. 16 na paaralan ang deligates at kami lamang ang all boys kaya naman noong naka upo kami sa bleacher ay halos mamangha kami sa dami ng mga babae nanonood. Talaga namang hindi ito mahulugang karayom.
BINABASA MO ANG
Imbisibol (BXB RomCom 2016)
RomanceAuthor's note: Ang Kwentong ito ay base sa karanasan ng nakararami. Maaaring pamilyar sayo o naranasan mo na. Ngunit tinitiyak kong kapupulutan mo ito ng aral.