PAUNAWA
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Imbisibol
Season 2
AiTenshi
Part 22
Lumipas pa ang ilang buwan, unti unting naka recover ang aking katawan hanggang sa tuluyan na ngang maging maayos ang aking kondisyon. Madalas akong dinadalaw ni Gabby pati na rin ang mama at papa nya dito sa aming probinsya kaya naman halos napabilis ang aking tuluyang pag galing. Kung gaano nila ako kadalas puntahan ay kaibahan naman kay Rycen na hindi na ako naalala. Ni hindi ko na nakita ang anino nito mag buhat noong graduation day. Ang sabi ni Gab busy daw ito sa pag lalaro sa varsity at sa pag momodelo. Hindi naman ako nalulungkot na wala siyang paki alam. Ang iniisip ko lamang ay baka hindi na nya ako naaalala pa at tuluyan na akong nabura sa kanyang isipan.
"Abril na anak, sa Hunyo ay maaari ka nang bumalik sa pag aaral. Saan ka bang Universidad mag papatuloy ng kolehiyo? Maganda sa Wesleyan University, maganda rin sa Araullo Univerity o kaya ay sa Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST). Mahuhusay ang kolehiyo dito sa Cabanatuan." ang wika ni papa.
"Doon ako sa Siyudad mag aaral papa. Babalik ako sa St. Vincent para kumuha ng kursong Civil Engineer katulad ni Gabby at Rycen. Sana po ay pag bigyan nyo ako ulit. Isa pa ay sayang ang scholarship ko doon."
Napatingin si papa kay mama at tila na uusap sila sa mata. Muling bumakas sa kanilang mukha ang pag aalala.
"Ma, pa.. Hindi na mauulit yung malagim na trahedya sa buhay ko. Paki usap.." saad ko pa habang nangungusap ang mga mata.
Tumango si papa at hinawakan ang kamay ni mama. "Kung saan ka liligaya anak. Bumalik ka sa dating paaralan mo at kunin ang kurso na nais mo. Nasa likod mo lang kami." wika nito sabay yakap sa akin.
"Mag palakas ng katawan para bumalik ang dati mong sigla. Huwag kang mag alala dahil iyong talino ay hindi lumilipas. Maaaring nag hinto ka ng isang taon pero ang kagalingan ng iyong utak ay nandyan pa rin. Hindi ito nawawala." wika ni mama habang hinahalikan ang aking noo.
Noong mga sandaling iyon ay halos mapaluha ako sa suportang ibinibigay ng aking mga magulang. Para sa akin, sila ang pinaka the best na parents sa buong mundo. At sila ang inspirasyon ko para tapusin ang kolehiyo. "Salamat po mama, papa. Pangako, iingatan ko ang aking sarili. Ayoko na makitang lumuluha at nasasaktan kayo dahil sa akin. Mahal na mahal ko po kayo, ma.. pa.. Ipinapangako ko pag iigihan ko ang aking pag aaral at magiging rehistradong inhinyero katulad ng pinangarap nyo para sa akin. Para sa inyo ito." ang wika ko habang napapaluha.
"At mahal ka rin namin anak. Kahit anong maging desisyon mo sa iyong buhay ay nasa likod mo lang kami. Naka suporta." wika ni mama at habang pinapahiran ang luha sa aking pisngi.
Babalik ako sa aking dating paaralan dahil nais kong tapusin ang aking sinimulan. At isa pa ay nais kong makita ang aking mga kaibigan at makasama muli sila katulad ng dati. Hanggang ngayon ay hinahanap hanap pa rin ng aking puso't isipan ang saya at lungkot na idinulot sa akin ng pag mamahal. Siguro naman ngayon ay natuto na rin ako sa aking pag kakamali. Isang taon ang ahead nina Rycen at Gabby, paniguradong hindi ko sila magiging kaklase pero ayos lang iyon. Kailangan ko ring gumawa ng pag babago sa sarili ko at ang pag babagong iyon ay magaganap sa oras na tumapak ako sa tarangkahan ng campus para sa kolehiyo.
JUNE 7, 1997
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan habang papasok sa campus. Ang bawat hakbang na aking ginagawa ay may kalakip na pangakong pag bubutihan ko ang aking pag aaral at mag tatapos ng may karangalan. Gagawa akong pag babago sa aking sarili at magiging mas mabuting tao sa aking paligid. Iyan ang mga pangakong binitiwan ko bago ako mag enrol sa paaralang ito.
BINABASA MO ANG
Imbisibol (BXB RomCom 2016)
RomanceAuthor's note: Ang Kwentong ito ay base sa karanasan ng nakararami. Maaaring pamilyar sayo o naranasan mo na. Ngunit tinitiyak kong kapupulutan mo ito ng aral.