PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Ito ay kwento nating lahat..
Kwento ng mga nag mamahal, humahanga at nasasaktan ng palihim.
Imbisibol
AiTenshi
July 29, 2016
Part 7
"Mr. Rycen Paul Lacsamana!! Natutulog kana naman sa klase ko! Ano ang sagot sa problem dito sa black board?!!!" ang galit na sigaw ng guro namin sa mathematics noong makita itong naka dukdok sa kanyang desk.
Natahimik si Rycen at napakamot ng ulo. Halatang halata na puyat ito ay namumula pa ang mata. Nakaka lungkot lang dahil ang aga aga ay napagalitan na agad siya.
"Sana ay hindi ka na lamang pumasok sa klase ko kung matutulog ka lang sa pansitan." ang galit na dagdag pa nito.
Lalong nahiya si Rycen at napayuko kaya naman nag taas ako ng kamay upang isalba ito.
"Sir alam ko po ang sagot. Ako nalang ang sasagot." ang wika ko dahilan para mapatingin ang guro sa akin. "Of course!!! Alam mo ang sagot John Peter!! Alam na alam mo because this is algebra for elementary!!!" ang galit na sigaw nito kaya natahimik lalo ang lahat.
Halos buong period yatang may regla si sir Espanyol kaya parati itong nag sasalita ng spanish na hindi naman namin maintindihan. "Bakit ba naman kasi mukhang puyat na puyat ka?" tanong ko kay Rycen noong mag kasabay kaming lumalakad sa hallway.
"Eh pano birthday ng ka team mate ko kaya nag happy happy kami. Inom inom lang ng kaunting Gin." naka ngising wika nito.
"Naku.. buti ay hindi kayo nahuli ng landlord natin? Isa pa ay 16 ka pa lang bakit pinapayagang uminom?" ang tanong ko ulit. "Hindi naman kasi mahahalata dahil mga college na yung kasama ko. Ako nga pinaka bata kaya madalas nila akong kinakantiyawan." tugon nito.
"Hayy, sa susunod ay huwag kana iinom dahil baka mapagalitan kana naman ni Mr. Espanyol, may pagka terror pa naman iyon." paalala ko.
"Nakkupp, wala akong paki alam sa Espanyol na yon. Inggit lang siya dahil mas gwapo ako sa kanya." nakatawa salita nito habang ang kamay ay naka unat sa batok na parang nag iinat pa.
"Oh edi ikaw na talaga." biro ko rin.
Tawanan..
"Salamat pala sa pag sama mo sa akin sa practice game tuwing hapon. Buti nalang nandyan ka." naka ngiting wika nito. "Wala iyon, masaya naman ako na kasama ka. Ah eh ang ibig kong sabihin ay masaya ako na panoorin kang nag lalaro. Nag eenjoy ako sa pag sigaw at pag cheer sayo." sagot ko rin na may halong pag kahiya
"Talaga tol? Ummm, salamat ha. Iyon nga lang next week ay magiging busy na kami sa pag ppractice. Tiyak na matatambakan ako ng projects nito. Hindi ko pa nga naisusubmit yung Physics ay mayroon nanamang isa pa. Pambihira talaga." pag mamaktol niya na may halong kaunting lungkot.
Ako naman ay napatingin sa kanya at nakaramdam ng awa, alam ko kung gaano niya pinag bubuti ang pag lalaro ng volley ball dahil sa scholarship na makukuha niya dito. Malaking tulong kasi iyon sa kanyang pag aaral lalo't pumanaw na ang kanyang ama. Kaya naman noong mga sandaling iyon ay nag desisyon na lamang ako na tulungan siya. "Huwag kana malungkot bro. Ako na lamang ang gagawa ng project mo sa Physics at sa English tutal ay nakapag submit naman na ako kanina." naka ngiti kong wika kaya naman napahinto ito sa pag lalakad at napatingin sa akin ng seryoso.
BINABASA MO ANG
Imbisibol (BXB RomCom 2016)
RomanceAuthor's note: Ang Kwentong ito ay base sa karanasan ng nakararami. Maaaring pamilyar sayo o naranasan mo na. Ngunit tinitiyak kong kapupulutan mo ito ng aral.