Imbisibol Part 12

7K 307 22
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Imbisibol

AiTenshi

Aug 12, 2016

Part 12

Kumakabog ng malakas ang aking dibdib at nag simulang tumagaktak ang malamig na pawis sa aking noo. Kasabay nito ang pag hinga ko ng malalim. Dito ay iwinaksi ko ang mga katagang pilit kong itinago sa aking puso't isipan. Ang mga katagang tiyak na mag babago ng lahat..

Ngunit noong tangkang sasabihin ko na ito ay bigla na lamang siyang nag salita. "Mahal kita tol, ikaw ang bestfriend ko at parang isang tunay na kapatid na rin ang turing ko sayo. Sana ay huwag kang mag babago." ang naka ngiting pag singit nito sabay tapik sa aking balikat.

Napatingin ako sa kanya at napangiti bagamat nag sisimula nang bumagsak ang metro ng aking kaligayahan at gayon din ang aking luha na hindi makakatwa ang pagiging dissappointed. "Ahh hehehe. Akala ko kung ano na eh!! Hahaha.. Oo naman. Bestfriend tayo at kapatid ang turingan nating dalawa." ang pag uulit ko naman na parang isang lorong nawala sa sarili. Hindi ko maunawaan ngunit biglang bumigat ang aking kalooban.

Hindi ko alam kung tatawa ba ako o iiyak ng malakas dahil sa aming feelings na hindi mutual. Iba yung pag mamahal ko, hindi pang best friend at lalong lalong hindi pang mag kapatid. Paano ko sasabihin sa kanya na ganoon ang nararamdaman ko kung hindi naman ganoon ang pakiramdam nya? Hindi ko alam, ang gusto ko nalang mang yari ay tumayo at lumakad palayo sa kanya upang hindi mahalatang nag daramdam ako.

"Tol, ayos ka lang ba? Bakit biglang natahimik ka?" ang tanong ni Rycen.

"Ah eh, naalala ko nga pala na may tatapusin akong project doon sa Math. Kailangan ko na palang umalis." ang wika ko sabay tayo sa aking kinauupuan.

"Sure ka ba? May mali ba akong nasabi?" ang tanong nito na may tonong pag aalala.

"Wala no, alam mo naman yung si Mr. Espanyol mahilig mag pa project. Baka maya maya ay kagalitan tayo noon kapag hindi tayo nakapag submit on time." sagot ko naman sabay tawang hilaw.

"Teka, ihahatid kita tol." pag habol nito.

"Ano ka ba, hindi naman ako babae para ihatid no." kunwaring pag bibiro ko sabay lakad palayo sa kanya.

Binilisan ko ang pag hakbang dala ang aking mabigat na damdamin.

Tahimik..

Maya maya ay hindi ko inaasahan na hahabulin nya ako at hahawakan sa braso na aking ikinabigla. "Tol teka, sandali lang naman." ang pag pigil nito na tila nangungusap ang mga mata.

"B-bakit? May sasabihin ka pa ba?" tanong ko na bahagyang kumabog ang dibdib.

"Meron tol, kaso nahihiya ako." ang sagot nito.

"A-ano ba iyon? Wala ka naman dapat ikahiya." tugon ko naman na parang mas nakaramdaman ng kakaibang kaba.

Huminga ito ng malalim at nag wika "Tol, baka pwedeng gawan mo na rin ako ng project sa Math. Alam mo namang mahina ako doon."

Basag! Kasi naman hoping pa ako..

"Gago ka talaga Jopet." bulong ko sa aking sarili. "Ah hehehe, sige ba. Madali lang naman iyon." naka ngiti kong tugon sabay talikod.

Ang akala ko ay parang pelikula ang eksenang iyon. Kung saan hahabulin ng kapareha ang bidang tauhan, hahawakan ito sa kanyang braso at mag tatapat ng kanyang tunay na nararamdaman. Tila nawala sa isipan ko na sa mga kwento nga lang nangyayari iyon dahil sa reyalidad ay mag papagawa lang ito ng project sa mathematics at sa huli ay iiwan kang naka NGA NGA.

Imbisibol (BXB RomCom 2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon