PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Imbisibol
Season 2
AiTenshi
Part 44
Maya maya humarap sa akin si Rycen, seryoso ang kanyang mukha at nag salita ito. "Ikaw tol, may gusto ka bang sabihin sa akin?" ang tanong nito na aking kinabigla.
Tila na nabigla ako sa kanyang katanungan, hindi agad ako naka imik at paki wari ko ba ay binusalan ng kung ano ang aking bibig.
"Ano tol, may nais ka bang ipag tapat sa akin?" ang muling tanong nito na siyang nag bigay sa akin ng ibayong kaba.
"Teka paano ba ang gagawin ko? Para naman nya akong kinokorner nalang basta basta. Paano naman niya nakutuban yung mga bagay na nais kong sabihin sa kanya tungkol sa nararamdaman ko? Maaari kayang nag kaka ideya na sya dahil sa pag sagot ko kanina doon sa interview sa akin tungkol sa taong hinahangaan ko?" ang tanong ko sa aking sarili habang binabalot ng kaba.
"Ah e, ano.. Lahat naman ng bagay sa buhay ko ay madalas kong sinasabi sa inyo ni Gabby kaya sa tingin ko ay wala naman." ang naka ngiti kong sagot.
Ngumiti rin si Rycen at ipinatong ang kanyang braso sa aking balikat. "Mabuti naman kung ganoon. Mhirap mabuhay kung may pag sisisi."
"Wala naman bro hehe. Sa ngayon gusto kong sabihin ay maligo na tayo. May balak ka bang palutungin ako sa sikat ng araw? Alam mo namang artipisyal lang itong kulay ng balat ko." ang biro ko kaya naman natawa ito at tumayo para hatakin ako sa tubig.
Tawanan..
Noong mga oras na iyon para kaming mga bata na nag tatampisaw sa dalampasigan. Tila ba nakalimutan namin yung mga tao sa aming paligid. Masayang masaya ako ngunit para bang may namumuong pag kaguilty sa aking kaibuturan dahil nag panggap akong walang nais iparating sa kanya bagamat sa loob loob ko ay pangarap kong sabihin ito. Iyon nga lang ay hindi sa ganitong paraan at pag kakataon. "Teka tol, pumasan ka sa akin para hindi ka lumubog." ang wika ni Rycen noong makitang hanggang dibdib ko na ang tubig.
Agad akong pumasan sa kanya at yumakap sa kanyang katawan. "Sorry naman kasi maliit ako. 5'7 lang ang height ko kumpara naman sa iyo na 6'1. Talagang lulubog ako dito. Doon na tayo sa mas mababaw." ang pag mamaktol ko bagamat kilig na kilig ako at ninanamnam ko ang pag yakap sa kanya.
Natawa ito at lumakad patungo sa parte na hindi ako ilulubog ng alon. "Tingnan mo yung mga tao, naka tingin sila sa atin." ang bulong ni Rycen. "Nagwapuhan lang sila sa iyo. Machong macho ka raw kasi." ang hirit ko naman dahilan para matawa nanaman ito.
Patuloy kami sa paliligo at pag tatampisaw sa tubig noong makita ko si Gabby na sumesenyas na kakain na kaya naman hinatak ko agad si Rycen sa bath room para mag banlaw.
Dala namin ang tuwalya, shampoo at sabon. Agad kaming nag tungo sa palikuran para mag linis ng katawan. Kakagulong ko sa dalampasigan ay halos nag puro buhangin na ang ulo ko at pati na rin ang aking buong katawan.
Pag dating sa loob ay agad akong nag tapis ng tuwalya at ganoon din si Rycen. Pumasok ako sa cubicle at sya naman ay sa kabila. Nag simula akong mag linis ng katawan ng bigla akong may narinig na kalabog sa labas. Hindi ko alam kung ano nang yayari kaya naman muli akong nag tapis ng tuwalya sa bewang at binuksan ang pinto ng cubicle.
BINABASA MO ANG
Imbisibol (BXB RomCom 2016)
RomansaAuthor's note: Ang Kwentong ito ay base sa karanasan ng nakararami. Maaaring pamilyar sayo o naranasan mo na. Ngunit tinitiyak kong kapupulutan mo ito ng aral.