Imbisibol Part 32

6.6K 305 17
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Author's note: Kung nakaka kita man kayo ng mga error at maling spelling sa mga ginawa kong kwento ay hayaan nyo nalang dahil hindi naman ito nakaka apekto sa daloy ng kwento. Wala namang perpektong manunulat. Ang mahalaga ay nauunawaan ng lahat ang nais ipabatid ng tauhan sa akda. Basta huwag na kayong maarte hehehe.. salamat J

Thank you AiTenshi for sharing your stories!!

*******************

Imbisibol

Season 2

AiTenshi

Part 32

Ibayong sakit ng ulo ang aking naramdaman noong mga sandaling imulat ko ang aking mga mata. Nakaka silaw ang sinag ng araw na nag mumula sa labas ng bintana kaya naman wala akong nagawa kundi ang muling pumikit at takpan ng kumot ng aking mukha. Masyadong makirot ang aking ulo kaya't hindi ko napag tuunan ng pansin ang mga bagay na gumugulo sa akin isipan. Basta nahihilo ako, period. "Hoy Jopet, tanghali na! Bumangon kana dyan." ang wika ni Gabby sabay balibag ng unan sa aking kinalalagyan.

"Ummm anong oras na ba?" ang tanong ko naman.

"Alas 10 na, bangon na!" sagot nito.

"Nakuuup late na tayo sa klase. Bakit di mo ko ginising kanina?" pag mamaktol ko sabay balikwas ng bangon mula sa higaan.

"Sabado ngayon gago! Natatandaan mo ba yung nangyari kagabi doon sa inuman?" ang tanong ni Gabby at doon nga ay biglang sumagi sa aking isipan ang eksenang pag halik ni Kerby sa akin.

FLASH BACK

"Ganoon ba? Virgin pa pala! Ayos! Ako na! Mga pare ako mag aalis ng virgin neto. Manonood kayo! Hik!" ang wika nito sabay hawak sa aking pisngi at mabilis na sinunggaban ang aking labi na siyang ikinagulat ng lahat..

Namalayan ko nalang na magkasugpong na ang aming mga nguso at nalalasahan ko ang pait ng kanyang laway.

Pinilit kong ialis ang kanyang mukha sa aking harapan ngunit malakas ito at talagang matindi ang kanyang ginagawang pag kagat sa aking labi. Ramdam na ramdam ko rin ang kanyang dila na ginagalugad ang aking bibig.

Nag hihiyawan ang lahat at yung iba naman ay nag tatawanan..

Tumagal ng ilang minuto ang halikan namin ni Kerby bago ito bumitaw at uminom ng alak.

"HA? Anong nangyari kagabi? Wala akong maalala." ang pag dedeny ko bagamat malinaw na malinaw sa aking isipan ang lahat.

"Hinalikan ka ni Kerby kagabi. At hindi lang basta halik dahil torrid talaga ang ginawa nya sayo. Daig pa namin ang nanonood ng porn sa tindi ng pag supsop nya sa bibig mo. Sa maka tuwid ay hindi na virgin yang labi mo! At si Tuazon ang naka una sayo." ang wika ni Gabby

"Ganoon ba? Pinag katuwaan nila yung first kiss ko. Binaboy nila yung unang halik na sana ay romantiko at para sa taong mahal ko. Pinag samantahalan ni Kerby yung kalasingan ko." ang tugon ko naman na may halong inis.

"Gaga, ano ka rape victim? Hayaan mo na iyon. Pag katapos ng eksenang halikan nyo ay tumumba ka nalang na parang hinimatay sa kalasingan. Mabuti nalang nandoon si Rycen, binuhat ka nya para iuwi sa dorm pero pinigil sya ni Kerby.

FLASH BACK

"Pare mamaya mo na iuwi yang si Bantay, knock out yan sa halikan namin! Hik! Tiyak na hindi na makakabangon iyang si Tagpi! Sayang yung alak ubusin na natin." ang wika ni Kerby habang gumagapang sa kalasingan.

Imbisibol (BXB RomCom 2016)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon