PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
Imbisibol
Season 2
AiTenshi
Part 35
Isa sa pinaka masayang kulay ng panahon ang tag araw at ito ang pinaka paborito ko sa lahat. At dahil nga bakasyon ay wala kaming ibang ginagawa nila mama kundi ang mga swimming o kaya ay mag libot sa mga kamag anak namin sa ibang bayan. Pero kahit puro lakad at pag lilibot ang aking summer ay hindi pa rin nawawala sa akin ang aaral lalo na kapag may bakanteng oras. Bago kasi ako umalis ng campus ay ibinigay lahat sa akin ni Gabby ang kanyang mga notes upang makapag advance reading ako sa mahihirap na topics since ahead naman sila sa akin.
Pero sa kabila ng kaliwat kanang saya ay may lungkot pa rin akong nadarama lalo na kapag sumasagi sa aking isipan si Rycen na palagi kong namimiss. Last week nga lang ay nakita ko ito sa local news sa t.v kung sana inilunsad ang mga bagong modelo ng sikat na clothing line dito sa bansa at isa sya sa nandoon. Hindi rin naman mag papa huli itong si Kerby dahil kinuha itong endorzer ng isang chinese noodles na pasikat pa lamang sa mga merkado.
Syempre proud na proud naman buong school sa kanila at ganoon din yung mga taong kakilala nila ng personal at kasama na ako doon. Ang hindi lang magandang parte ng lahat ng ito ay ang ibinalita sa akin ni Gabby na itong si Rycen ay may bagong gf na model din at halos two weeks silang mag kasama sa beach. At ang hindi ko kinaya ay may picture pa ang dalawang na parehong naka underwear lang.
"Ayoko na talagang isipin iyon dahil nasasaktan lang ako. Bakit ba kasi kailangan mo pa sa akin ipakita iyon?" ang pag mamaktol ko.
"Natural naman, para sa pasukan ay hindi kana mabigla kung sakaling may ibang babae nanaman iyang si Rycen. Sumuko kana kasi, sayang lang ang pag mamahal mo sa kanya." sagot naman ni Gabby sa kabilang linya.
"Alam ko naman na sayang lang ang pag tingin ko sa kanya. Aware naman ako na hindi pa nag sisimula ang laban ay talo na ako agad. Pero anong gagawin ko kung yung nag iisang taong nag papasaya sa akin ay mawawala pa? Dapat bang maging kontento nalang ako sa kalungkutan ko? O magiging masaya pa ako kahit alam kong ito rin ang dahilan para ako ay malungkot?" ang tanong ko.
"Parehong talo yang sinasabi mo. Mas mainam pa kung maging kontento ka nalang na wala si Rycen sa paningin mo. My God Jopet kung may award ang loyalty sa pagiging secret admirer sa isang kaibigan malamang ay grand slam kana! Kahit si Jolina Magdangal ay kinabog mo sa galing mong mag dala, biruin mo high school pala ay si Rycen na, ngayong 3rd year college kana ay siya pa rin. May balak ka bang ilaban iyan ng guinness book of record para sa pinaka mahabang taon ng pag papakatanga?" sagot ni Gabby.
"Hindi ko alam kung bakit humaba ng ganoon. Basta masaya ako kapag mag kasama kami, humihinto ang oras at paligid ko kapag nag uusap kami. Sa tuwing nag sasalita sya sa aking harapan ay parang idinuduyan ako sa alapaap. Alam kong napakaliit lang pag kakataon ngunit para bang lumalaki ang pag asa ko sa tuwing nag papakita siya ng pag papahalaga at pag kalinga sa akin." tugon ko naman.
"Pag kalinga at pag papahalaga? Sure ka ba dyan? O baka naman kaya ganoon lang sya ay dahil nagagamit ka niya. Hay naku ang tawag dyan ay pinaka malaking "assuming" sagad sa buto at to the maximum level!!. Gwapo si Rycen, lalaking lalaki, mahilig sa babaeng malaki ang suso. Sana hiniling mo na lang na gumising ka isang araw na mag karoon ka na rin ng boobs na kasing laki ng papaya o buko para magustuhan ka nya. Sana alam mo kung kailan ka gigive up at hindi. Saka sana ay nag pagwapo ka nalang din para mapansin ka ng ibang tao doon sa campus. Kung di ka man gwapo atleast sana ay hindi ka nalang ganyan kapanget." ang diretsong sagot nito na walang preno at pasintabi.
BINABASA MO ANG
Imbisibol (BXB RomCom 2016)
RomanceAuthor's note: Ang Kwentong ito ay base sa karanasan ng nakararami. Maaaring pamilyar sayo o naranasan mo na. Ngunit tinitiyak kong kapupulutan mo ito ng aral.