Chapter 2- Helpful Adrian

1K 44 2
                                    

Hannah's POV

After namin mag lunch, ay bumalik na kami sa kanya-kanya naming classroom dahil mag kaiba kami ni Sarah. Pag upo ko sa upuan ko ay nakita ko si Adrian na nag aaral.

"Wow.May sakit ka yata.Okay ka lang ba?"Tanong ko sakanya.

"Bakit?Mukha ba kong may sakit?"Tanong din nya.

"Hindi naman.Nag aaral ka kasi imbis na mang asar eh." Pang aasar ko.

"Kaya lang naman ako nag aral kasi may long quiz tayo ngayon.Hayaan mo, pag katapos ng quiz, aasarin kita."Sagot nya habang nag babasa.

"Hala! May quiz nga pala tayo ngayon.Nakalimutan ko." Pagaalalang sabi ko.

"Lagot ka.Bakit mo kasi kinalimutan.Alam mo naman siguro kung anong gagawin kapag bagsak ang score,diba?Tanong nya na may halong pangaasar.

" Alam ko. " Simpleng sagot ko habang kumukuha ng libro.

Kapag kasi bagsak sa quiz, sasama sa cleaners ng classroom ngayon.Eh sa Friday pa yung sched ng row namin eh.

Halos dalawang page palang yung na rereview ko nang biglang bumukas ang pinto.

"Good afternoon,class.Sana nag review kayo. Dahil ang dumi pa naman ng classroom nyo ngayon.Mahihirapan ang mga mag lilinis..." Sabi ni Mr. del Rosario.

Nako lagot na ko.Kapag pinaglilinis panaman kami ng classroom, eh dapat malinis talaga.Hayss..

"Okay,Itago nyo na lahat ng libro nyo.Wala akong makikitang nasa upuan nyo maliban sa 1/2 lengthwise na papel.Pag may nakita akong iba pa, automatic, minus 10." Seyosong sabi nya.

Pagkatapos kumuha ng lahat ng papel ay nag start na si Mr. del Rosario na magtanong.

After 30 questions, natapos na rin ang long quiz..Kabado talaga ako. At nag start ng mangolekta si Mr. Del Rosario ng mga papel at nag start nang check-an ito.

Pagkatapos ng madaming tao na tinawag nya, next na ko kay Adrian..

"Mr. Santiago, 23/30.Good job." Pag announce ni Mr.Del Rosario.

"Yes! Nakapasa ako." Masayang sabi ni Adrian.

"Next, Ms.Montenegro, 12/30. Mag review ka next time para makabawi." Sabi ni Mr. Del Rosario.

"Yes, sir." Malungkot na sabi ko dahil bumagsak ako sa long quiz..At dahil mag lilinis ako mamaya.

---------------------------------------------------------------------------------------------

Pagkatapos ng apat pang subject, uwian na.Syempre dahil bagsak ako kanina, sasama ako sa mga cleaners today.

"Kukuha lang ako ng walis at dust pan ah."Sabi ko sakanila.

"Sige.Hintayin ka namin dito habang nag bubura ng nakasulat sa whiteboard at nag aayos ng mga upuan." Sagot ng isa kong classmate.

Lumabas na ko para kumuha ng apat na walis at apat na dust pan.Hay, dapat hindi ko nalang nakalimutan yung long quiz ngayon.Ang masaklap, yung pinag lalagyan ng mga gamit, nasa ground floor.Ang classroom namin, nasa 3rd floor.

Pag ka kuha ko ng mga walis at dust pan, pag balik ko sa classroom namin ay...

WALA NA SILA!! Loko loko talaga yung mga yun! Iniwan ba naman ako.Hay, bahala na nga.Pag nilinis ko naman to ay sila lang ang mapapagalitan.Pero ang kalat kalat!

Pero wala akong magagawa.Its either lilinisin ko to or mapapagalitan ako lalo.Kaya mag lilinis nalang din ako.Wala naman akong choice.Kinuha ko na yung walis at nag start ng walisan yung mga kalat ng biglang bumukas ang pinto.Si Adrian .

Accidentaly Fell in Love with YOUWhere stories live. Discover now