Chapter 25

128 4 0
                                    

Hannah's POV

"Dinadaan mo nanaman ako sa pagpapakilig mo..."  umiiling na usal ko. 

"Hindi ko naman sinasadyang magpakilig e haha" 

"Sus, hindi daw.. if I know, ilang oras mo yang pinagisipan hahaha" 

"Grabe ka sakin, kilig ka lang e...yieee kilig sya." 

Lihim akong ngumiti at nagiwas ng tingin sakanya. Hindi na ko sumagot  at itinuon nalang ang atensyon sa labas. 

"Oh, natahimik ka? Yieee kinikilig nga" patuloy sya sa pangaasar pagkatapos ay tatawa.

Ganto ba s'ya kapag nalalasing? Nagiging childish at mapangasar? Hahaha 

"Lasing ka na talaga. Ang kulit mo e." sabi ko, pagiiba ng topic. 

"Aminin mo nalang kasi..." 

"Oo na. Happy?"

Ngumiti nalang s'ya at hindi na tumugon. Kaya naman bumaling na ako uli sa bintana. 

~~

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nakaramdam ako ng labi na dumampi sa aking pisngi dahilan ng pagmulat ko ng mata. Nasa labas na s'ya ng kotse at binuksan na nya ang pinto. 

"Time to wake up, Sleeping Beauty" nakangiti n'yang usal habang naka crouch nang kaunti palapit sa'kin. 

Ngumit ako pabalik at tinanggal ang seat belt ko. Inalalayan n'ya 'kong tumayo at hinatid ako hanggang sa harap ng pintuan namin. 

"Good night, ingat ka sa pag d-drive." sabi ko. 

Ngumuso s'ya at umusal, "Wala bang good night kiss?" 

"Kailangan ba meron?" pangaasar ko sakanya. 

"Sabi ko nga hindi..." kunwaring malungkot nyang sabi. "Sige, good night. Sweet dreams." 

Tumawa nalang ako at inilapit ang mukha ko sakanya upang halikan sya nang bahagya. 

"Mukhang 'di na ata ako lasing haha" aniya 

Umiling ako at nagwika, "Sige na, bago lalo kang ma late umuwi. I love you." 

"I love you more." 

Pagkatapos no'n ay lumabas na sya ng gate at pumasok sa kotse nya. Kumaway sya mula sa loob saka nagsimulang mag drive paalis. 

Hinintay ko munang mawala ang sasakyan ni Adrian sa paningin ko bago ako pumasok sa loob. 

Napasandal ako sa pintuan dahil sa pagod. Halo-halong emosyon ang naramdaman ko ngayong araw. At dahil 'yon kay Adrian... 

Uminom muna ako ng tubig sa kusina pagkatapos ay umakyat na ko sa kwarto ko. 

Pagkatapos magpalit ng damit ay humiga na ko sa kama ko at kinuha ang phone ko sa shoulder bag na dala ko kanina. 

1 message received 

Binuksan ko ito, galing ang text kay Adrian. 

From: Adrian

Kauuwi ko lang po. Good night

--

Napangiti ako at agad na nagreply. 

To: Adrian 

That's good. Good night.

--

At dahil nga pasado alas dose na ay napagpasiyahan ko nang matulog. 

Accidentaly Fell in Love with YOUWhere stories live. Discover now