Chapter 3-Jealous

842 38 2
                                    

Hannah's POV

Nagising ako sa tunog ng alarm clock.

Hala! 7:29 na pala! 8:00 ang pasok ko. Bakit hindi man lang ako ginising ni Mama?

Kaya na ligo muna ako at nagbihis bago bumaba para mag breakfast.May naka lagay na note sa may fridge,

Anak,

Maaga ang pasok ko kaya hindi kita mahahatid.Mag commute ka nalang.

Ingat ka ha.Love you.

Ano ba yan, na late na nga ako ng gising hindi pa ko masusundo ni Mama.

Kaya umalis na ko ng bahay at naglakad palabas ng village.

Pumara na ko ng jeep nang may sumigaw sakin.

"Hannah! Sabay ka na sakin." Sigaw ni Adrian.

"Thanks.Late ka din?" Tanong ko habang pinagbubuksan nya ako ng pintuan.

"Oo.Pero buti na nga lang na late ako ng gising."Sabi nya habang sinasabihan yung driver na umandar na.

"Bakit naman?Edi mapapagalitan ka." Sabi ko.

"Okay lang.Atleast nakasabay kita." Sabi nya habang kinakalikot yung phone nya.

Hindi nalang ako umimik at naghintay nalang na dumating kami sa school.

-------------------------------------------------------------------------------------

After like, 10 minutes nandun na kami.

"Thank you ha." Sabi ko habang kinukuha yung bag ko.

"Wala yun.Ako na."Sabi nya habang binubuhat yung bag ko.

"Hindi kaya ko na.Hindi naman mabigat.Baka kung ano pa isipin nila." Sabi ko.

" Okay.Ikaw bahala." Sabi nya at naglakad na papasok.

Pag dating namin sa classroom, si Sarah, katapat ng upuan ko.

"Wow.Pinalipat ka dito?" Excited na tanong ko.

"Oo.And may isa pa kong good news." Sabi nya na mukhang excited din.

"Ano?Sinagot ka na ng nililigawan mo?" Pang aasar ko.Tumawa naman ng konti si Adrian.

"Ay, grabe siya.Hindi ako nanliligaw 'noh." Sagot nya.

"Oh, ano nga yung sasabihin mo?" Tanong ko ulit.

" Naalala mo pa si Lucas?" Tanong nya.

"Lucas....?" Tanong ko pabalik.Wala kasi akong matandaan eh.

" Si Lucas Garcia! Yung kaibigan natin nung 5 years old pa tayo.Naging magkakaibigan tayo for, 4 years pero umalis siya kasi pinag aral siya ng parents nya sa States." Pag e explain nya.

"Ahh, si Lucas.Anong meron sa kanya?"

"Bumalik na sya dito! Nakabangga ko kasi sya kahapon sa mall, kakadating nya lang daw nung isang araw.And sabi nya, mag eenroll daw siya dito."

" Wow.Ang tagal din nyang nawala."Sabi ko." Ano nang itsura nya ngayon?" dag dag ko.

"Mamaya na para ma surprise ka." Sabi nya.

Si Lucas kasi, medyo mataba siya nung mga bata pa kami.

Mataba parin kaya siya?

Habang iniisip ko kung anong itsura nya, biglang bumukas yung pinto.

Pumasok ang principal tapos kasunod nya si.....Lucas!

Grabe, hindi na siya mataba. My ghad, ang gwapo nya.Hahahaha

Accidentaly Fell in Love with YOUWhere stories live. Discover now