Chapter 20

146 4 4
                                    

Hannah's POV
6:25. Nakabihis na ko. Pinatungan ko lang ng gray na hoodie ang puti kong T-shirt at shorts naman ang pangibaba. Nasa loob lang naman ng subdivision ang park.

"Ma, aalis muna po ako. Balik po ako nang mga 8." sabi ko habang pababa ng hagdan. Nasa sala kasi siya, nanonood sa TV.

Inalis niya ang tingin nya sa TV at tumingin sakin.
"Sige, pero san ka pupunta?" tanong niya.

"Uhm, makikipagkita po kay Adrian." mahinang sagot ko.

"At bakit ka makikipagkita sa lalaking 'yon?"sabat ni Papa. Kauuwi niya lang galing trabaho.

"Gusto nya daw pong makipagusap."

"Hindi kita pipigilan pero sana naman gamitin mo ang utak mo sa pag d-desisyon. Hindi puro puso, anak. At kung magkakaayos man kayo, wag syang umasa na babalik ang dating pakikitungo ko sakanya." matigas na sabi Papa bago umakyat sa hagdan.

"Opo, pa." mahina kong tugon.

"Sangayon ako sa Papa mo, Hannah. Pero kung san ka masaya, dun ako."

"Thanks,ma." nakangiting sagot ko, at humalik sa pisngi niya bago lumabas ng bahay.
~~
Eksaktong 7 nakarating na ko sa park. Nakita ko si Adrian na nakaupo sa isang swing.
Nakayuko at may hawak na mga bulaklak.

Nilapitan ko siya at agad naman siyang tumingala.

Tumayo siya at inabot sakin ang bulaklak. Hindi ko iyon tinanggap.

"Di ko kailangan ng bulaklak. Kailangan ko ng explanation." walang tono kong sambit.

Inilapag niya ang mga bulaklak sa katabing swing at nag salita nang mahina.

"Hannah, my princess, I'm sorry. Hindi ko sinabi sayo ang tungkol dun pero, promise hindi kita niloloko."

"Kung hindi mo naman pala ako niloloko, bat mo tinago?"

"Kasi ayokong magalit ka. It was such a perfect day at ayokong masira yun ng isang babaeng hindi ko naman kakilala."

"So, kung walang nag send sakin nung video, never ko malalaman ang tungkol 'dun?" inis na sabi ko.

Ano, wala siyang balak sabihin 'yun?

Hindi siya makaimik. Diba, wala nga siyang balak.

"Oh, bat di ka makaimik ngayon?"

Napayuko siya.

"I'm sorry." yun lang ang tanging nasabi niya.

"Sorry? Ganun nalang yun? I'm supposed to forgive you dahil lang nag-sorry ka?" medyo galit na sabi ko.
Hindi lahat ng bagay nagagamot ng sorry.

Iniangat niya ang tingin nya at tumingin sa mga mata ko.

"No. I'll prove to you na seryoso talaga ako. Mahal kita at papatunayan ko 'yun. Kahit araw-araw kitang ligawan at araw-araw mo kong saktan tatanggapin ko. Kasi mahal kita. Ikaw lang, wala nang iba."

" Mahal kita. 2 salitang sa panahon ngayon kung sabihin ng mga tao parang 'hi' lang. Madali 'yang sabihin pero mahirap panindigan."

Accidentaly Fell in Love with YOUWhere stories live. Discover now