Chapter 21

113 3 0
                                    

Hannah's POV
"Uy, may dumi ba ko sa mukha?" tanong ko kay Lucas habang iwinawagayway ang kamay ko sa harapan niya.

Napakurap siya ng ilang beses.

"Ha? Ah, wala naman. Ang tagal mo kasi eh. Sabi ko sayo ako na." tugon niya.

"Sorry naman. Ang haba ng pila eh. Ito nga pala yung sukli. Thank you sa libre ah." masayang sabi ko habang inaabot sakanya ang sukli.

"Basta ikaw. So, let's go?"

"Di tayo bibili ng popcorn?"

"Nakabili na ko kanina habang nasa pila ka." sagot niya habang itinataas ang bucket ng popcorn at dalawang soft drink.
~~
We're watching Venom.
(Haha, no spoilers)

"Ang laki naman ng binili mong popcorn." bulong ko sakanya sa kalagitnaan ng movie.

Pano ba naman, nasa gitna na kami ng movie, 1/4 palang nung bucket yung nauubos namin.

Ang hina pa kumain ni Lucas..
sayang kaya. Hehe

"Sorry. Onti lang kinukuha ko kasi baka kulang pa sayo." mapangasar nyang tugon.

Ay, WOW

Hindi nalang ako sumagot para di magalit sakin yung mga tao pero siniko ko sya. Tumawa naman siya nang mahina.

Habang kukuha ako ng popcorn, hindi ko alam na kukuha rin pala siya, kaya nagtama ang mga kamay namin.
(A/N: Sows, cliche!)

Dahilan naman ng pagkatinginan namin.

Grabe nung tumingin ako sakanya, dun ko lang na realize na magkalapit na magkalapit ang aming mga mukha dahil naka patong ang ulo ko sa gilid ng sandalan ng upuan niya.

Pero nagiwas agad ako ng tingin at inalis ang kamay ko.

Hayy. Bakit ba ko na o-awkward?
Syempre dahil sa lahat ng nangyari. Kaya nga may mga taong takot umamin sa kaibigan nila kapag may feelings na sila, diba?

Kasi, kapag umamin ka at ayaw sayo ng tao, mahirap. Magiging awkward. (Usually)

Lalo na pagdating sa gantong bagay.

Ayaw kong isipin nyang ginagawa ko siyang rebound or isipin nyang pinapaasa ko siya.

Dapat umiwas na ko eh.
Pero, ayokong masayang yung friendship namin dahil dun.

Sayang kaya. Simula pagkabata, magkaibigan na kami.

Pwede naman mag-work yun diba?
~~
After nung nangyari, naka-focus nalang kami sa movie. Pero paglabas naman namin ay hindi awkward.

Siguro para sakanya...

Ako medyo iniisip ko parin. Pero hindi na masyado dahil bumalik na si Lucas sa pagiging makulit nya.

"Ang ganda nung movie,no?"  masayang saad ko nung palabas na kami ng sinehan.

"Kasing ganda mo." seryosong tugon nya.

Di agad ako nakaimik kaya tumawa siya.

"Hahaha, ito naman. Naniwala agad!" mapangasar na sabi nya.

Hinampas ko sya sa braso at hindi na sumagot.

"Aray! Nakakadalawa ka na ah."
sabi nya habang hinihimas ang kanyang braso.

Accidentaly Fell in Love with YOUWhere stories live. Discover now