Chapter 23

192 5 8
                                    

Sorry po, inabot ng 1 linggo bago ako naka update ulit :((
————————————————————

Hannah's POV

Natulala ako sa sinabi nya.
Hindi ko alam kung ano ba ang isasagot ko.

"Everytime na nakikita ko kayong masaya ni Lucas, I can't help but feel like you're already replacing me."  nakayuko parin nyang sabi.

"Totoo bang nakita mo kami kahapon sa mall?"  yun nalang ang naisagot ko.

Alam kong nagkakaganito sya dahil kay Lucas.  Siya na mismo ang nagsabi.

"Yeah. And I'm damn jealous." 
Totoo nga yung sinabi ni Drake kay Sarah. 

"That should've been me." dugtong pa nya.

"Adrian.." panimula ko,
"I'm sorry."

Tumingin sya sakin,
"A-are you b-breaking up with me?" utal nyang tanong.

"No. Sorry dahil nasasaktan kita. Sorry dahil nagkakaganito ka ngayon dahil sakin."

Ngumiti sya ng malungkot.
"It's okay, my princess. You're worth it." mahina nyang saad.

"May pagasa pa bang bumalik tayo sa dati?" tanong nya.

Yumuko nalang ako at nagisip.
Ayoko munang sumagot sa mga katanungan nyang tinatanong ko din sa sarili ko.

Nanatili kaming tahimik ng ilang minuto. Hindi parin tumitila ang ulan.
I started to shiver. Basa ang damit ko at malakas ang hangin.

Malamang kaya walang dumadaang sasakyan ay dahil baha sa ibang daanan.

"Here." sambit ni Adrian. Hinubad nya ang jacket nya at ipinatong ito sa likod ko.

"Pano ka?" tanong ko.

"I'll be fine, princess." nakangiting sagot nya.

Hindi na ko umangal pa at nag-thank you nalang.

Tumagal pa kami dun ng ilang minuto bago kami sunduin ni Mama dala ng kotse.

Marahil ay nagalala siya dahil malakas ang ulan at wala pa ko.

"Anak, halika na!" sigaw nya mula sa loob ng sasakyan.
"Sumabay ka na din, Adrian."
dagdag pa nya.

Si Adrian ang may hawak ng payong habang dala dala ko naman ang jacket nya. Basang-basa na ito.

"Are you guys all right?" alalang tanong ni Mama pagpasok namin sa kotse. Pareho kaming nasa passengers' seat.

"We're fine,Ma." I reassuringly said.

"Okay lang po kami, tita. Salamat po." nakangiting sagot naman ni Adrian.

"Walang anuman, hijo. Dumaan muna tayo sa bahay dahil mas malapit. Para narin makapag bihis kayo." tugon ni Mama at nagsimula nang mag-drive.
~~
Pagkarating namin sa bahay ay agad kaming pumasok.

"Adrian, may dala ka bang pamalit?" tanong ni Mama.

"Opo." matipid na sagot ni Adrian

Accidentaly Fell in Love with YOUWhere stories live. Discover now