Chapter 26

126 3 0
                                    

Hannah's POV

Paggising ko ay kinuha ko ang phone ko at chineck ang notification. Another good morning text from Adrian. He really changed. Mas sweet sya nitong mga nakaraang araw.  Nag reply ako at agad na bumangon para magayos. 

Mabilis akong naligo at bumaba para mag-almusal. Wala sila Mama. Nagiwan nalang sila ng breakfast at allowance ko sa lamesa. 

Pagkatapos kumain ay hinugasan ko saglit ang pinagkainan ko at lumabas na para hintayin si Adrian. Makalipas ang ilang segundo ay dumating na s'ya at kumaway saakin. 

Bumaba s'ya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. "Good morning" nakangiti nyang bati sa'kin. 

"Good morning" tugon ko sakan'ya bago pumasok sa kotse. 

Isinara na niya ang pinto saka pumasok at nagsimulang mag drive. 

"Tapos mo na ang requirements mo?" tanong ko sakanya. 

"May kulang pa 'kong isa. Tinamad na kasi ako kahapon. May two days pa naman bago ang clearance signing." sagot nya. 

"Ahh. Sya nga pala, nakita ko si Christine at Amanda kahapon sa mall. Magkakilala pala sila?" 

Napansin kong medyo nabigla sya sa sinabi ko pero agad din s'yang sumagot. 

"Uhm.. oo. Naalala ko magkaibigan na sila bago pa pumuntang US si Christine." pag lalahad nya. 

Tumango nalang ako at nanahimik. Hindi naman big deal yun para magtanong pa ko ng iba. 

--

Pagdating sa school ay dumaan muna kami ng locker at kumuha ng libro na kailangan pang ipa check dahil required para mapirmahan ang  clearance. Binuhat ito ni Adrian para sa'kin hanggang sa makarating kami sa classroom. 

Binati ko sina Lucas at Sarah pagkaupo ko. 

Halos lahat kami ngayong araw, busy. Hinayaan na kami ng mga teacher na tapusin ang requirements namin dahil tapos na rin naman na ang lessons sa mga subjects nila at final exam nalang ang kulang. 

I can't wait for summer >_< 

Inaayos ko ang mga notebooks ko na ipapasa nang matabig ko ang ilang libro ko at nahulog ito sa sahig. Nakita ito ni Lucas at agad itong pinulot. Isa-isa nya itong stinack at inilagay sa lamesa n'ya para hindi na mahulog dahil puno na ang lamesa ko ng gamit. 

"Oh, ingat.. haha" sabi nya pagkalapag ng mga libro. 

"Salamat." nakangiting sabi ko at akmang aalis na dala-dala ang mga  project na ipapasa ko sa mga teacher ko sa faculty. 

Nakita ata ni Lucas na nahihirapan ako sa dami ng dala ko kaya hinarangan nya 'ko sa pinto. 

"Tulungan na kita. Ang dami n'yan oh." aniya

"W-wag na. Kaya ko naman e." pagtanggi ko.

"Nasa 4th floor pa ang faculty. Baka madisgrasya ka pa n'yan sa hagdan, 'di mo na nga makita ang dinadaanan mo e."  pag iinsist nya, "saka may ipapasa rin ako kay Ms. Corporal." dagdag nya sabay angat ng isang libro. 

Hindi na 'ko tumanggi at hinayaan siyang kunin ang ilang folder at libro na dala ko. Ang naiwang hawak ko nalang ay ilang notebook. 

Pagdating namin sa 3rd floor, paakyat na sana kami ng hagdan nang makasalubong namin si Adrian na pababa naman. Medyo nagulat pa ata sya at lumipat ang tingin kay Lucas na naka poker face naman ng tignan ko. 

Bumuntong hininga si Adrian at umusal, "Ako na magdadala n'yan, pre." sabi nya kay Lucas at akmang kukunin ang mga gamit ko mula sakanya ngunit tumanggi si Lucas.

Accidentaly Fell in Love with YOUWhere stories live. Discover now