Chapter 16

474 19 6
                                    

Hannah's POV

Paguwi ko ay agad ko na tinext si Lucas. Baka magalit kasi sakin si Adrian kapag tinext ko siya kanina.

To: Lucas

Hey, galit ka ba sakin? Kay Adrian? Please, kausapin mo naman ako 'oh


Naghintay ako ng matagal pero hindi siya sumagot. Nagui-guilty tuloy ako. Pano kung ano nang ginawa 'nun?

Aish. Wag ka ngang mag-isip ng ganyan, Hannah. Hindi gagawa ng kung ano-ano si Lucas.

Tinry ko nang wag mag alala sakanya at nagbihis. Kakakain lang namin kanina kaya hindi na ko kumain ng dinner. Nagbukas nalang ako ng facebook.

Pinost pala ni JC yung mga picture namin kanina sa Mcdonalds. Nakakatawa nga dahil nai post nya din yung picture na lumalamon si Drake. HAHAHAHA

*buzz*

From: Adrian

Busy ka?

To: Adrian

Hindi naman. Facebook lang.

Bakit, may kailangan ka ba?

From: Adrian

May kailangan agad? Hindi ba pwedeng dahil miss na kita?

To: Adrian

OA mo, uy! Magkasama lang tayo kanina.

From: Adrian

Eh, miss na kita eh. Wala akong magagawa. =)))

To: Adrian

Sus, sige na, papahinga na ko. Ayokong ma late bukas.

From: Adrian

Gusto mo kong makita agad 'noh?

Gwapo ko kasi talaga eh, sige na, good night. Sweet dreams.

To: Adrian

Yabang mo talaga, geh, good night na din.


After that, nilapag ko na yung phone ko sa night stand ko at pinatay na yung ilaw.

--- WEDNESDAY---

Pumunta ako sa school ng masaya na may halong kaba, anong gagawin ko kung nandun si Lucas?

Pano ko kaya siya haharapin, diba?

Alam kong nasaktan siya ng sobra dahil sa ginawa ko sakanya pero para din sakanya yung ginawa ko. Ayaw ko na siyang umasa at masaktan pa. Kaibigan ko parin siya.

Kabadong binuksan ko ang pinto ng room namin, naka hinga ako ng maluwag nung nakita kong wala si Lucas. Pero, sa tingin ko, gusto ko parin siyang makita. Gusto kong mag kaayos pa kami. Hindi naman imposible yun, diba?

" Oh, bakit ang lungkot mo yata?" nakangiting sabi sakin ni Adrian.

" Wala lang. Iniisip ko lang kasi kung papasok ba si Lucas ngayon. "

"Hm, wag ka nang mag alala sakanya." sabi nya sabay ginulo ang buhok ko na nakapag pa ngiti sakin ng kaunti.

-------

Lunch na pero wala parin akong balita tungkol kay Lucas. Kahit kay Sarah hindi siya nag rereply. Siguro ayaw nya talaga akong makita. Pero, mababaliw na ko. Baka kung ano nang gawin 'nun sa sarili nya.

Accidentaly Fell in Love with YOUWhere stories live. Discover now