Chapter 9- Awkward

702 28 3
                                    

FRIDAY 

Hannah's POV 

Ilang araw na ang nakakalipas, hindi parin kami nag uusap ni Adrian.

Hindi parin naman siya pormal na  nag aapologize eh kaya hindi ko rin sya kakausapin.

Nakikinig lang ako sa dini discuss ni Mr.Del Rosario nang nag vibrate ang phone ko.

Hannah, pwede ba tayong mag usap after school?

Text sakin ni Adrian.

Para saan?

Gusto ko lang maayos yung pagkakaibigan natin.

Maayos?Sa tingin mo, after mo ko halikan, ganun ganun nalang yon?Mababalik agad agad sa dati?

Kaya nga kailangan nating mag usap ng maayos eh.

Ayoko muna.Ang awkward parin kasi ng feeling ko around you.

Hindi na siya nag reply at tinago na ang phone.

Kung nagtataka kayo kung bakit nya pa ko tinetext kahit magkatabi lang kami, dahil bawal mag usap habang may dini discuss ang teacher.

Kahit nga ngayon, patago kong ginagamit ang phone ko.

Nung alam ko nang hindi na sya mag rereply, tinago ko na ang phone ko, baka mapagalitan pa ko kapag nakita ako ng teacher.

Sarah's POV 

Ilang araw ko nang napapansin na something's bothering Hannah.

Kaya nung lunch, tinanong ko siya.

" Hannah, bakit ba parang may tinatago ka sakin?Come on, you can tell me.We've been friends for years." Sabi ko sakanya habang kumakain kami.Wala pa kasi si Lucas.May project na ginagawa sila ng group nila.Na submit na kasi namin yung samin kaya hindi kami gumagawa ngayon.

" Kasi si Adrian," Sabi nya sakin habang kumukuha ng fries.

" Anong nangyari? Sinaktan ka ba nya?" Tanong ko ulit sakanya.

" Hindi.He..He kissed me." Sabi nya na para bang hiyang hiya.

" Ginusto mo ba?" Tanong ko ulit. Hahaha ang daming tanong.

" Hindi.He stole it from me." Sabi nya.Tinanong ko kung pano nangyari  yun, inexplain na nya yung nangyari.Nag sinungaling pala siya nung Tuesday samin.

Hindi ko na siya kinulit at kumain nalang ulit at bumalik na sa classroom namin.

---------------------------------------------------------------------------------------------

Dismissal

Nauna nang umuwi si Hannah.Sinundo kasi siya ng mama nya.Maaga kasi ang uwi ng mama nya.

Nakasalubong ko naman si Adrian.

" Sarah, kumbinsihin mo naman si Hannah na makipag usap sakin oh, please?" Sabi nya sakin habang nag lalakad ako, syempre sinabayan nya din akong lumakad.

Napatigil ako sa sinabi nya at tinignan siya.

" Ang kapal din ng mukha mo eh 'noh? Hahalikan mo yung best friend ko ng walang dahilan tapos ngayon gusto mong tulungan kita para kausapin ka nya ulit?Bahala ka sa buhay mo." Sabi ko sakanya at nagpatuloy na sa paglalakad.

" Sarah! Please naman oh.Kailangan ko ng tulong mo! " Sigaw nya dahil naka layo  na ko pero hindi ko paran siya pinapansin.

" Bahala ka sa buhay mo, mag sisisigaw ka dyan." Bulong ko sa sarili.

Accidentaly Fell in Love with YOUWhere stories live. Discover now