Chapter 6-Party

622 28 2
                                    

Hannah's POV 

Dahil dun kami kila Lucas natulog ni Sarah, dun na din kami nag breakfast bago umuwi.Syempre hindi naman papayag si Lucas na umuwi kaming hindi pa nag be breakfast.

Paguwi ko, dahil tapos na ko mag breakfast ay naligo na lang ako at nanood nalang ng TV sa sala.

*ding* nag text si Adrian.

Hannah,pwede ba kitang iinvite sa 15th birthday party ng kapatid ko?Si Kenneth.                          Kakauwi nya lang din kasi galing States.

Okay lang ba? I mean, hindi ko naman siya kilala.

Okay lang yun.Bawat guest naman ay pwedeng mag sama ng isa pa.

Sige.Pero itatanong ko muna kay Mama.Kailan ba yun?At anong oras?

Mamayang gabi.7 'o clock ang start ng party.So, maganda kung pupunta ka ng mga 7:30.

Hindi na ko nag reply at tinext na si Mama.

Ma, pwede ba kong pumunta sa birthday party ng kapatid ng classmate ko?

Sige.Kailan ba yun?

Mamaya.7:30 

Okay.Basta dapat hindi ka aabutin ng midnight.

Sige po.Thanks ma.

Pagkatapos kong i text si Mama ay tinext ko na si Adrian at sinabi sakanyang pupunta ako.

9:00 palang naman ng umaga kaya nanood nalang muna ulit ako ng TV.

Wala namang magandang mapanood kaya nagbukas nalang ako ng  Facebook ko.

Paano ko ba sasabihin sayo na nagugustuhan na kita? 

Yan ang post ni Adrian.Wow.May crush na.hahahah

Sino kaya 'yun?Hahaha chismosa lang eh 'noh.

Nag YouTube nalang ako at nanood ng mga nakakatawang videos sa sala habang nakahiga sa sofa.

---------------------------------------------------------------------------------------------------

Na low batt na yung phone ko kaya natulog nalang ako dahil makakatulog din naman ako dahil sa boring ng shows sa TV.

Nagising na ko ng 11:48.Nagugutom na din ako kaya nag bihis ako at pumunta nalang ng Mcdo dahil tinatamad akong magluto.

Umorder nalang ako ng  Chicken  Fillet ala King , Mcfloat , at medium fries.

Naghanap na ko ng table,at kumain na.

Habang kumakain, nakita ako ni Lucas.Nilapitan nya ko at umupo siya sa upuan sa tapat ko.

"Hey,hulaan ko, nasa work yung Mama mo at tinatamad kang magluto."Natatawa nyang sabi.

"Hahahaha, tama ka.Pano mo nahulaan?" Sabi ko habang kumakain ng fries.

" Wala lang.Feeling ko lang." Sabi nya.

" Oo nga pala, pupunta ako sa party ng kaibigan ko mamaya, gusto mong sumama?" Tanong nya.

" Sorry, Lucas.Sasama na kasi ako kay Adrian sa isang party rin eh." Sabi ko.

" Ahh.Okay lang yun.Next time nalang.Sige, alis na ko.Hinihintay na kasi ng mga kaibigan ko tong pagkain. " Sabi nya at nag lakad na palayo.

Nakauwi ako ng bahay ng 1:42 ng tanghali.

Wala naman akong magagawa kaya nag YouTube nalang  ulit ako.Tapos nanood ng konting movies sa TV. 

Accidentaly Fell in Love with YOUWhere stories live. Discover now