Chapter 27

160 6 0
                                    

Hannah's POV

Pagbalik namin sa classroom ay pagod akong umupo sa upuan ko. Bumuntong hininga ako at bumaling sa bakanteng upuan ni Lucas. Mukhang hindi pa sya bumabalik mula sa faculty.

Naalala ko tuloy yung nangyari kanina sa hagdan. Never silang nagkasundo ni Adrian.

Hindi ba nila na r-realize na pareho sila ng ugali?

Maybe they just need to get to know each other better.

Nalipat ang tingin ko kay Adrian. Napansin n'ya atang nakatingin ako sakanya kaya tumingin din s'ya sa'kin.

"Hmm?" sabi nya habang nakataas ang isang kilay.

"Uhm, pwede ba tayong maglunch nang sabay mamaya?" tanong ko.

"Oo naman." nakangiting sagot n'ya. Ibabalik na sana n'ya ang tingin sa librong sinasagutan n'ya nang magsalita uli ako, "Kasama si Lucas."

Agad s'yang tumingin sakin nang nanlalaki ang mata. "What? Why?" gulat na tanong n'ya.

"Gusto ko kasing magkasundo kayo. Para wala na kayong reason na mag-away..." pagpapaliwanag ko.

"Alam mo naman ang reason, 'di ba?"

"Oo, pero I just thought na kapag nakilala mo s'ya nang maayos, you'll know na you have nothing to worry about."

Bumuntong hininga sya at yumuko. Pag-angat n'ya ng ulo n'ya ay tumingin uli s'ya sakin.

"Fine." maikli n'yang sagot.

Though, alam ko naman na hindi na talaga sila magkakasundo, it won't hurt to try, right?

Pagbalik ni Lucas galing sa kung saan, inaya ko s'yang kumain ng lunch kasama kami since palagi s'yang wala. Kumakain ata mag-isa somewhere.

Akala ko ay tatanggi s'ya ngunit hindi. Tumango nalang s'ya at umupo na sa upuan n'ya.

~~

Makalipas ang ilang oras, napasa na namin ang requirements at lunch na.

Nang i- dismiss kami ni Mr. Velasco ay ngumiti ako kay Adrian. Umirap naman s'ya sakin na tila gustong ipahiwatig na ayaw n'ya talaga sa gusto kong mangyari.

Akala ko pa nga ay galit s'ya sakin pero paglabas namin ng classroom ay hinawakan n'ya ang kamay ko na s'yang ikinapayapa ng loob ko.

Bumaba na kami papuntang canteen at umupo sa usual table na kinakainan namin tuwing lunch.

Pag-upo namin ay nagkatinginan ang lahat na para bang walang masabi.

Shit, ang awkward.. >_<

"Bibili na 'ko ng pagkain." usal ni Sarah na s'yang bumasag sa katahimikan.

Nagsitayuan naman ang lahat dahil bibili rin daw.

"Ako na mag o-order para sayo. Anong gusto mo?" nakangiting tanong ni Adrian bago ako makatayo.

"Uhm, chicken sandwich nalang saka orange juice." tugon ko.

Tumango s'ya at umalis na. Sabay pa silang naglakad ni Lucas kaya nagkabungguan sila.

Tinignan ni Adrian si Lucas nang masama habang si Lucas naman ay kalmadong naglakad nalang palayo na para bang wala s'yang nasanggi.

Bumuntong hininga ako at umiling. I knew this wouldn't work out.

Makalipas ang ilang sandali, bumalik na si Sarah.

Accidentaly Fell in Love with YOUWhere stories live. Discover now