Chapter 28

299 8 4
                                    

Hannah's POV 

Binitawan ako ni Adrian at sabay kaming napaharap kay Sarah. 

"Panira ka naman ng moment." iritang saad ni Adrian.  "Dun ka na nga kay Drake, okay na kami rito e." dagdag pa n'ya. 

Tumawa nalang ako at umiling sa inasal n'ya. Para s'yang batang hindi napagbigyan ang gusto. 

"Aba, nakaharang kaya kayo sa daan. Ikaw, masyado kang madikit sa best friend ko ah." tugon naman ni Sarah. 

"Inggit ka lang e." 

"Bakit naman ako maiinggit aber? Ang sweet kaya ng Drakey ko."  depensa ni Sarah sa sinabi ni Adrian. 

Sakto namang dumating si Drake at umakbay kay Sarah. 

"Ba't narinig ko ang pangalan ko?" 

"Andito ka na pala, Drakey. Panira 'yang girlfriend mo." mapangasar na sambit ni Adrian. 

~~

Matapos ang ilang oras ay pinauwi na kami. Maaga ang uwian namin ngayon dahil requirements day lang naman. So, buong week kaming maaga ang uwian ^_^ 

Hinatid na 'ko ni Adrian pauwi and as usual, dumiretso ako sa kwarto ko at nagpahinga. 

Pagkatapos ng ilang oras ay bumaba na 'ko para maghapunan at since tapos na 'ko sa requirements ay chill nalang ako habang hinihintay ang clearance signing,which is samakalawa. Kaya  nanood nalang ako ng YouTube videos hanggang sa dalawin ng antok bandang alas-onse.

~~

Nagising ako sa sound ng alarm ko sa phone. Dahan-dahan akong nagmulat at kinusot ang mga mata bago ito patayin. 

Oh shoot. 

Napasarap ata masyado ang tulog ko dahil 7:58 na...! 

8:20 ang pasok ko ngayon. Hindi pa naman ako susunduin ni Adrian >_< 

Madali akong bumangon at dumiretso na sa banyo para maligo at magayos. Hindi na 'ko kakain ng breakfast. Normally, hindi na 'ko magmamadali dahil wala namang gagawin ngayon, pero may ipapasa pa kasi akong project kay Ms. Ansale. Baka hindi ko s'ya maabutan dahil hanggang 8:40 lang s'ya. Tatanggapin n'ya lang ang mga projects ngayong araw. 

Pagkatapos magbihis ay bumaba agad ako at dumiretso sa labas. 

~~

Pagdating kong HU ay tumakbo na 'ko papasok, pinagalitan pa 'ko ng guard.

Kuya, nakasalalay dito ang pag m-moving up ko -.-

Time check: 8:30 

Hindi na 'ko pumunta sa room para ibaba ang bag ko, madali na 'kong umakyat papuntang faculty habang dala-dala ang project ko. 

Sa pagmamadali ko ay hindi ko napansin ang isang babaeng nakayukong naglalakad sa hallway, kaya nagkabanggaan kami.  Nag-angat sya ng tingin at nakita ko ang mukha n'ya. 

T-teka, parang pamilyar ang babaeng 'to. 

Humingi s'ya ng dispensa at agad na umalis. 

At dahil nagmamadali ako, hindi ko na muna pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad.  

Pagkatapos  'kong magpasa, ay sumagi sa isip ko yung babae kanina. Tsk, sa'n ko nga ba nakita yung babaeng 'yon? Parang nakita ko na talaga s'ya e. May utang ba 'ko? 

Nagpatuloy ang pagiisip ko hanggang sa makarating sa classroom.

Tahimik akong umupo dahil iniisip ko pa rin ang babae. Tinapik ni Adrian ang balikat ko. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 21, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Accidentaly Fell in Love with YOUWhere stories live. Discover now