Chapter 17

481 23 5
                                    

Hannah's POV

Nasa school na ko ngayon, actually, nasa room na namin. Nag-aasaran sila Adrian at Sarah pero hindi ko muna sila pinapansin. 

Hay Lucas, hindi ka pa rin ba papasok? Gulong-gulo na ko. 3 araw na kitang hindi nakikita. 

Pag hindi ka pa pumasok ngayon, pupuntahan na kita sa bahay nyo, o kaya, sa condo m---

Bigla akong natigil sa pagiisip sakanya nung dumating siya. Kahit nga sila Adrian natahimik eh.   Umasa ako ng onti na kakausapin nya ko pero hindi. Nilagpasan nya lang ako at umupo na sa tabi ko. 

ANG AWKWARD. 

Kakausapin ko na sana siya pero bigla siyang nag salita. 

"Sarah, pwede bang palit muna tayo ng upuan?"  Seryosong sabi nya.

" Ahh, okay. " 

Kinuha na nilang dalawa yung bag nila at nagpalit na ng upuan, so, si Sarah nasa tabi ko na, at si Lucas, nasa tapat ko. 

Okay, Hannah, kausapin mo na siya, kaya mo 'toh. 

" Ahh, Lucas.." 

" Hannah, please, wag mo muna akong kausapin. Mas lalo lang akong nasasaktan."  Mahinahon nyang sabi pero mararamdaman mo talaga na galit siya. 

Hindi ko nalang siya kinulit pa at tumahimik nalang. Kakausapin ko nalang siya kapag handa na siyang makipag usap.  Siguro, hindi pa sa ngayon, pero kapag hindi na siya nasasaktan pa. 

LUNCH 

As usual, sabay-sabay kaming kumain nila Adrian, Drake, Sarah at JC. 

Pero syempre, wala parin si Lucas. Nakita ko siyang nag order ng cheeseburger saka iced tea, pero sunod nun, hindi ko na siya nakita pa. Siguro umiiwas na nga muna siya. Ganun ba  talaga kapag nasasaktan ang isang tao?

Tinry kong sumabay sa tawanan nila pero si Lucas parin talaga yung iniisip ko. 

"Huy, okay ka lang? Kanina ka pa lutang ah?" Nakangiting tanong sakin ni Adrian.                             Sasabihin ko ba na habang kasama ko siya, si Lucas iniisip ko? " Iniisip mo si Lucas 'noh?" 

Ngumiti ako ng bahagya at tumango. 

"Kailangan nya lang sigurong mag isip tungkol sa mga nangayayari. Kung ano ba dapat gawin nya. Hayaan mo, kakausapin ko siya." 

Alam talaga ng lalaking 'toh kung pano ako mapasaya. 

"Thank you, Adrian." 

" Syempre. Mahal kita eh." 

Ngumiti nalang ako natawa siya.

"Bakit?" 

"Namumula ang prinsesa ko.." sambit nya habang nakangiti ng pangasar. 

Umiwas nalang ako ng tingin at kinain ang lasagna ko. 

Inakbayan nya nalang ako at pinisil ang pisngi ko. 

"Haha, ang cute mo talaga." 

Ay! Pinapakilig mo naman ako eh. 

" Wag ka nga!"

"Sus, kunwari ka pa, kilig na kilig ka naman." 

" Hindi 'noh." 

"Alam mo, para kang dictionary." 

" Ganun ba ko, kakapal?" 

" Haha, sira. Kasi, ikaw nag bibigay ng kahulugan  sa buhay ko." 

Accidentaly Fell in Love with YOUWhere stories live. Discover now