Chapter 24

147 4 0
                                    

Hannah's POV

"Sino si Christine?" tanong ko pagbalik nya  galing kusina.

Nanlaki ang mga  mata nya, marahil ay nabigla sa tanong ko. Pagkatapos uminom ng tubig, ay umupo sya sa kama.

"Uhm, ex ko." mahina nyang tugon.
"Bakit?"

"Nag-text si Eric sayo. Bumalik na daw galing UK."  matabang na saad ko. "Bakit nya pa kailangang sabihin sayo kung ex mo nalang pala yun?" dagdag ko.

Kinuha nya ang phone nya at binasa ang mensahe na pinadala ni Eric.

Pagkatapos ay inilapag nya ito sa night stand at tumingin sakin.
"Di ko alam. Matagal na kaming di nag-uusap ni Christine."

"Mmm, okay." tipid kong tugon. Hindi parin ako kumbinsido. Kung matagal na silang di nag-uusap, bakit kailangan pang iparating ni Eric ito sakanya? May tinatago kaya ang dalawang to?

Umiling ako at iwinaksi iyon sa isip ko.
Praning lang siguro ako. Kailangan kong magtiwala kay Adrian. Masyado akong maraming hinala.
Kinuha nya ang kamay ko at hinawakan ito nang mahigpit.

"Hannah, I promise wala lang yun. Maniwala ka sakin, please?"
malambing na sambit nya habang nakatingin sa aking mga mata.

"Naniniwala naman ako e.." mahinang tugon ko.

"Sigurado ka? Kung nagdududa ka sabihin mo sakin."

"Oo.." sagot ko at binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya.
~~
Makalipas ang ilang oras, uminom na si Adrian ng gamot at nagpahinga, kaya umuwi na rin ako. Medyo malalim na ang gabi.

Pero hindi pa rin talaga mawala sa isip ko yung text ni Eric kay Adrian e.
Alam ko kanina pa 'yun pero hindi nyo naman ako masisisi.

Ang weird kaya na kailangan pang ipaalam ni Eric na bumalik na yung ex nya. Friends pa rin ba sila hanggang ngayon?

Naalala ko tuloy yung mga panaginip ko nung mga nakaraang araw.
It felt so real. Para bang sinasabi na ng panaginip ko ang mangyayari.

Hay.. kailangan ko na talagang iwasan manuod ng movies. Ganito na tuloy ako mag-isip. Wala namang  connect yun sa future.

Pagdating ko sa bahay ay umakyat agad ako sa kwarto ko. Nakakain naman na ko ng hapunan kila Adrian.
Gumawa muna ako ng assignments saka nagbihis.

Pag higa ko ng kama ay dinampot ko ang phone ko sa nightstand.
Di ko alam kung bakit pero tinry kong hanapin sa Facebook si Christine.

Siguro na c-curious lang ako..

Tinignan ko sa friends list ni Adrian ngunit walang lumabas. Kaya naman tinignan ko sa friends list ng mga kaibigan nya.

Ayun...friend sya ni Eric.
Christine Fernandez

I'm back!
Yan ang caption sa in-upload nyang litrato 3 days ago habang palabas ng airport.

Hmm.. sya nga siguro ang ex ni Adrian.

Nag scroll pa ko at nakakita ng status posted 5 days ago.

Sana pagbalik ko may lugar pa rin ako sa puso mo...
56 reacts - 32 comments

Si Adrian ba ang tinutukoy nya?
Gano katagal na ba silang break?
Hay.. assuming ko talaga. Pwede naman syang magkaroon ng ibang ex maliban kay Adrian...

Walang pagiisip kong tinignan ang photos nya. I have to admit, maganda sya. Maganda rin ang katawan. Isa siguro yun sa dahilan kung bakit sya nagustuhan ni Adrian.

Accidentaly Fell in Love with YOUWhere stories live. Discover now