Chapter 18

761 20 12
                                    

Guys! Sorry dahil hindi ako nakapag update for a long time.Kaya naman, medyo hahabaan ko tong chapter na to. Maraming salamat sa mga naghintay xD

-----------------------------------------------------------------------------------

Hannah's POV

Well, hindi parin ako kinakausap ni Lucas.
Nag palipat din siya ng upuan, siguro para hindi ko na siya magulo pa. Pero, hindi nya ba maintindihan, ginagawa ko lang ito para sakanya. Alam kong gusto ko na si Adrian kaya hindi ko na siya hinayaang ligawan 'nya ko. 
Naging kaibigan ko din siya kaya mahalaga siya sakin. Pero kung hindi nya maintindihan 'yun, siguro nga dapat iwasan ko na siya.  I mean, nag sorry na ko sakanya, kinukulit ko siya para kausapin ako pero, wala. Ayaw na nya talaga. 
Pero, kung bumalik man siya sa dati, sana makahanap na siya ng taong kaya siyang mahalin pabalik...
" Bakit mukhang malalim ang iniisip ng prinsesa ko?" tanong sakin ni Adrian.
" Ah, wala. Kulang lang siguro ako sa tulog. " Ayoko nang magaalala pa siya dahil ilang araw na ko ganito. Kakaisip kay Lucas.
"Hay, sigurado ka? Baka naman iniisip mo parin si Lucas? " Edi ikaw na yung mind-reader...haha
"Oo, pero. Titigilan ko na siya, kung yun talaga yung gusto nya, hahayaan ko na siya."
"Tama. Andito naman ako." Pabirong sabi nya.
"Wag ka nga. Ayusin mo nalang yang pag re-review mo. Pag ikaw talaga, bumagsak sa long quiz mamaya..."
"Anong gagawin mo pag binagsak ko yung quiz?"
"Hindi kita sasagutin" Matapang na sabi ko. Pero, joke lang 'yun. Haha
"Sige, pero, kapag naka perfect ako sa quiz, sagutin mo na ko."
Nagisip akong malalim, bago ako sumagot, hmm, ,Mahirap naman yung quiz. 50 items.
At, kung ma perfect nya,siguro pwede ko na siyang masagot? haha bahala na si Batman..
"Sige."
"Talaga? Oh, sabi mo yan ah. Pag na 100 ko talaga tong quiz na 'toh, girlfriend na kita?" Masayang tanong niya na parang batang bibilhan ng ice cream.
"Oo."
Hindi na siya sumagot at nag review nalang. Maya-maya, dumating na si Mr.Del Rosario. Feeling ko talaga, familliar yung mukha niya. Kilala ko na ba siya bago pa ko dumating sa school na toh?
---after the quiz---
"Okay, pass your papers now." Pormal niyang sabi.
Nakasagot kaya ng maayos si Adrian?
"Kamusta yung quiz?" Tanong ko kay Adrian.
"Hmm, okay lang. " Tamad niyang sagot.
Hindi nalang ako umimik at hinintay nalang na matapos sa pag che check ng papel si Mr.del Rosario. Teka nga, ngayon ko lang napansin na ang tahimik ni Sarah.
"Sis, may problema ba? Ang tahimik mo ngayon." nag aalalang tanong ko sakanya.
"Nag away kasi kami ni Drake eh. " malungkot na sagot niya.
"Bakit, anong nangyari?" gulat na tanong ko. Kahapon kasi ang sweet nila tapos ngayon, magkaaway sila...
"Nagselos ako. Pano, nakita ko siyang nakikipag text sa classmate niyang babae. Naka ngiti pa siya ah." Pagkukwento niya.
"Malay mo naman, kaibigan nya." pag eexplain ko sakanya.
"Siguro, pero tama ba na makipag text ka sa kaibigan mong babae habang kasama mo yung girlfriend mo?" sagot niya. Well, may point siya pero dapat pakinggan nya din muna yung side ni Drake.
" Pagusapan nyo yan, baka mag break agad kayo." may halong biro yung pagkakasabi ko, pero, wala siyang reaksyon.
"Sige, kausapin ko siya mamaya."  Hindi na ko naka imik dahil tapos na daw mag check ng papers si Mr. del Rosario. Gusto ko kasi marinig yung result nung quiz ni Adrian eh.
Isa-isa na nya sinabi yung scores. Ganun talaga, kaya kapag mababa nakuha mo, mapapahiya  ka.
"Ms. Montenegro got 47/50... Mr. Santiago got 49/50. " pagkatapos ay nagpaalam na siya at umalis sa room.
Sayang, isa nalang ang kailangan ni Adrian, perfect na siya eh..
"Sayang." pabirong sabi ko sakanya.
"Ano ba yan, 1 nalang talaga eh." Natawa ako, Kinikilig at the same time, pursigido talaga siyang mapasagot ako eh noh?
"Better luck next time."
"Meron pa bang ibang quiz ngayong araw?" tanong nya sakin.
"Hmm, wala na yata. Bukas meron."
"Ahh." sabi nya, na medyo...natatawa?
-----LUNCH----
Sa wakas!

Accidentaly Fell in Love with YOUWhere stories live. Discover now