Chapter 19

141 4 1
                                    

Hannah's POV
After ng ilang oras, ay umuwi na si Sarah. Hindi ko sinabi kila Mama ang nangyari. Malamang magagalit nang sobra si Papa, baka sugurin niya pa si Adrian sa bahay nila, ayoko ng gulo.
Habang nag di-dinner, tahimik lang ako. Pero, tinry kong wag mahalata nila na hindi ako masaya.
"Kamusta naman kayo ni Adrian?" tanong sakin ni Papa.
"Okay naman po kami. "sambit ko na kunwari ay masaya ako.
" Alam namin na sinagot mo na siya kanina, anak." nakangiting sabi sakin ni Mama. Tumayo siya at pumunta sa kitchen. Pagbalik niya ay may dala siyang oreo cheesecake. "So, I made you this oreo cheesecake." dugtong pa niya.
"Pano niyo po nalaman?" gulat na na tanong ko sakanila.
"Pumunta dito si Adrian kaninang umaga. Sinabi niya na tatanungin ka na niya."  paliwanag  ni Papa.
Tumango nalang ako at tinikman yung cheesecake. Tapos naman na ko kumain.
Atleast medyo gumaan yung pakiramdam ko.

Pero, kung hindi lang siguro kami nag-away ni Adrian, baka nandito siya ngayon sa bahay, nagtatawanan at nagkukulitan siguro kami ngayon dito.
Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit niya ginawa 'yun..

"Anak, may problema ba?" seryosong tanong sakin ni Papa.
Bigla yata akong natulala kaka-isip sa nangyari.

"W-wala po, Pa." mahinang sagot ko sakanya. Gusto ko nang sabihin sakanila eh. Pero,pinipigilan ko yung sarili ko. Alam ko na lalaki pa yung gulo pag sinabi ko yung nangyari samin ni Adrian.

"Kilala ka namin. You can tell us, anak. sabi naman ni Mama.
Bigla nalang akong naiyak. Hindi ko na kaya. Tuwing may problema kasi ako, sila agad nilalapitan ko. Kahit nga yung crush ko nung bata ako, alam nila.

Nilapitan ako nila Mama, "What's wrong?" mahinahong sabi ni Papa.

"May nag send po sakin ng video kanina. May kahalikan po si Adrian na babae." sabi ko sakanila.

"Kailan nangyari yung video?"
tanong naman ni Mama.

"Kanina po, bago kami lumabas ng school. "

Nakita ko sa mukha ni Papa na parang gusto niyang magwala. Si Mama naman, kino-comfort ako.

"Kakausapin ko bukas si Adrian." kalmadong sambit ni Papa. Pagkatapos 'nun ay umalis na siya.

"Sige na, anak. Kami na ang bahala dito.Pumunta ka na sa kwarto mo. " sabi sakin ni Mama.
May isang helper naman kami.
~~~
8:30 na, nag ss-scroll nalang ako sa news feed ko. Tinatry kong i-distract yung sarili ko para hindi ko muna maalala yung ginawa ni Adrian.

Maya-maya, may narinig akong nag-doorbell.
Bumaba ako para makita kung sino 'yun. Pag baba ko,si Papa na ang nagbukas sa gate.
O_O
Si Adrian..

"Good evening po, Tito, pwede ko po bang makausap si Hannah?" tanong ni Adrian sakaniya.

" Ang lakas ng loob mo na pumunta dito. Matapos mong saktan ang anak ko?!" galit na sabi ni Papa.
Lumabas din si Mama. Habang ako, nandito lang sa hagdan. Nakatingin sa labas.

"Tito, Tita, please, let me explain. "
Nagulat ako nung biglang sinuntok ni Papa si Adrian. Tinanggap lang ni Adrian ang suntok na iyon. Dumugo ang labi niya pero di niya ito pinansin.
Dun na ko lumabas. Inawat ni Mama si Papa, at ganun din ako.

"Bago mo niligawan si Hannah, diba sabi ko sayo, wag mo siyang sasaktan!"

"Hon, calm down." awat ni Mama kay Papa.

"Sa anak ko ikaw magpaliwanag." mahinahon pero galit na sambit ni Papa at sabay na silang pumasok sa loob ng bahay.
Lumapit sakin si Adrian at hinawakan ang dalawang kamay ko, "Hannah, please, let me explain." nagmamakaawang sabi niya.

Accidentaly Fell in Love with YOUWhere stories live. Discover now