Chapter 22

128 6 0
                                    

Hannah's POV

Ay nako naman, bat pa nagsabay tong dalawang to.

Okay, alam ko na gagawin ko.

Dumiretso ako sa paglalakad sa gilid ng daan.
Bala kayo dyan, mag k-commute ako magisa.

"Uy, Hannah, san ka pupunta?"
malakas na tanong ni Adrian.

Hindi ako lumingon.
"Bahala kayo dyan."

"Ikaw kasi, pupunta ka dito ng walang pasabi." rinig kong mapanising sabi ni Lucas kay Adrian.

"Pano mo nasabi? Sinabi ko sakanya na araw-araw ko syang susunduin." tugon naman ni Adrian.

"Araw-araw talaga bakit, boyfriend ka parin ba nya?"

Tumigil ako sa paglalakad. Gusto kong marinig ang sagot ni Adrian sa tanong ni Lucas.

"Oo. Galit sya sakin ngayon pero di sya nakipag-break diba? At gagawin ko lahat para di kami mag-break. Kaya pwede ba, lumayo ka na."

Matapos ang sagot nya nagpatuloy na ko sa paglalakad. Bahala na sila mag-away dyan.

Makikita naman sila siguro ni Mama pag nag stay pa sila dun.


Nagsasagutan pa siguro yung dalawang yun. Pasakay na ko ng tricycle wala pa kong nakikitang lumabas ng village.

Hayy.

"Hawkins University po." sabi ko sa tricycle driver.

Habang nasa loob ng tricycle, naisip ko kung ano kayang mangyayari kung hindi bumalik si Lucas sa Pilipinas?

Kung hindi ko nakilala si Adrian?

Tahimik siguro ang buhay ko at walang problema.

Pero hindi rin naman puro gulo ang nangyayari. May masasayang moments din.

At thankful ako na sa dinami-dami ng babae na nakilala nila, nagustuhan nila ako.

Feeling ko tuloy di ko deserve yung attention na binibigay nila sakin ngayon.

Naudlot ang malalim na pagiisip ko nung nag salita yung tricycle driver.

"Nandito na ho tayo."

Nagabot agad ako ng bayad at bumaba na.

Bago ako pumasok sa classroom ay dumaan muna ako sa locker ko para kumuha ng libro.

"Hannah, bat di ka sumabay sakin kanina?" tanong ni Adrian habang nakasandal sa katabing locker.

"Kasi, ang gulo nyo. Hindi nyo naman ako kailangang sunduin eh. Hindi ako bata." pagpapaliwanag ko ibinabalik ang lock sa locker ko.

Ngumuso sya pero hindi na nagsalita pa. Siguro na-gets nya na yung point ko.

~~
LUNCH

Magkakasama kaming kumakain ni Sarah at Lucas ngayon.

Si Adrian kasama sila Drake.

"So, how's the movie?" tanong samin ni Sarah matapos kumain.

>_<
Naalala ko tuloy yung nangyari.

"Maganda yung movie. I had a good time." tugon ni Lucas habang kumakain ng ham sandwich.

"Yeah, me too." matipid kong sagot.

Accidentaly Fell in Love with YOUWhere stories live. Discover now