Chapter 10- Stares

652 25 9
                                    

MONDAY 

Lucas' POV 

Hanggang ngayon, hindi ko parin  alam kung pano ko sasabihin ang feelings ko kay Hannah.                        I mean, matagal ko na siyang kilala.Simula dati, 1 crush palang ang meron siya.At bata pa siya nun.Hindi kasi siya masyadong nakikihalubilo sa mga lalaki.Hindi rin kasi sya ganun.

Kaya natatakot ako.Baka i reject nya ako.Alam kong 4th year highschool palang kami pero matagal ko nang kinikimkim to.At ayaw kong maagaw pa siya ng iba.Lalo na't alam ko na may gusto rin si Adrian sakanya.Ramdam ko yun.

Yung mga tingin nya,pangaasar na na parang nagpapapansin siya.Alam ko yun.

Pero pano kung may gusto na rin pala si Hannah sakanya?

Pero hindi ko naman nakikita na kinakausap nya masyado si Adrian kaya hindi ako masyadong kabado.

Hannah's POV 

Kahit na nag sorry na si Adrian,  medyo galit parin ako sakanya.

First kiss ko yun eh. Pero hindi nya nasabi yung dahilan dahil dumating na si Mama at Lucas.

Pero dahil nag effort naman siya, medyo napatawad ko na din sya ng onti.

Paulit -ulit pa siyang nag sorry sa text nung isang araw pag uwi nya.

Kaya ngayon, medyo nag uusap na kami.Nag aasaran na kami ng onti rin.

Malapit nang matapos ang subject bago mag lunch nang sabay mag salita ang dalawa.

( Si Lucas at Adrian) 

" Hannah, pwede bang sabay tayong mag lunch?" Sabay nilang tanong.

Si Sarah naman, narinig ko na natawa.

" Sige,sabay -sabay na tayo mag lunch." Sabi ko sakanila.

" Hannah, hindi nga pala ako makakasabay sainyo mamayang lunch.May pupuntahan kasi ako eh." Sabi bigla ni Sarah.

Hay, alam ko iniisip nito.Pero hindi ko naman siya mapipigilan.

Sabay kaming pumunta sa canteen.

" Ang swerte naman nung girl."

"Oo nga.Sino ba yan?" 

" Ang alam ko Hannah daw name nyan.Kahit nga sa classroom nila, magkakatabi sila." 

"Wow, ang swerte pala talaga niya." 

Yan ang sabi ng mga babaeng nag kwe kwentuhan sa isang table.Hindi ko na narinig ang mga sinasabi pa nila kasi medyo nakalayo na kami.

Ako naman, nahiya kaya yumuko nalang ako at pumunta sa table namin.

"Ako na mag oorder.Anong gusto nyo?" Sabi ko sakanila.

" Samahan na kita, Hannah.Para matulungan kita sa pagbubuhat ng tray." Sabi ni Lucas.

" Bakit hindi nalang kaya ikaw?" Sagot naman ni Adrian.

" Ikaw nalang pare.Kaya mo na yan magisa." Sagot ni Lucas sakanya.

Mukhang nagkakainitan sila kaya nagsalita na ko.

" Okay, ako na.Magisa.Kaya ko na to." Sabi ko sakanila.

Hindi nalang sila umangal at sinabi na nila ang order nila.Wala naman silang magagawa.Hehehe

Bumalik na ko.Hindi sila nag uusap. Sabagay, hindi naman sila close.

" Oh, ito na ang order nyo." Sabi ko sakanila at nilapag na ang tray.

Accidentaly Fell in Love with YOUWhere stories live. Discover now