JOIE
Nakadapa ako sa carpeted floor sa sala namin while reading my favorite novel for the nth time. I am not fond of novels or pocketbooks back then pero nagbago iyon no'ng may napanood akong movie na hango sa isang novel. Simula no'n ay nahumaling na ako sa pagbabasa ng mga romance novels. At kaya hindi ko mabitaw-bitawan ang nobelang binabasa ko kahit paulit-ulit ko ng nababasa is that sobra akong na-hook sa kwento.
The story is all about a girl who tried to win back the thing she loved dearly dahil iyon na lang ang nagsisilbing alaala niya sa taong pinakamamahal niya. She thought she was fine. Until one day, dumating sa buhay niya ang lalaking magpapabago sa takbo ng buhay niya. Palagi nitong ipinapamukha sa kanya na kailanman ay hindi na babalik sa dati ang lahat, that all she have to do is to let go and move on. Iyon ang katotohanang pilit niyang itinatanggi kaya naman ganoon na lamang ang galit niya sa lalaki. But as much as she hate the guy, ay ang katotohanan na unti-unti din nitong pinupukaw ang init sa puso niya.
"Haaay... this is what I need bago sumabak sa panibagong trabaho."
"Buti pa iyang pocketbook kinababaliwan mo, pero pagdating sa mga lalaki hindi. Ano ba ang kaibahan ng mga lalaki diyan sa pocketbook kaysa sa mga lalaki sa totoong buhay?"
Ang nanay ko iyon. Kahit kailan talaga ay hindi magawang sakyan ng nanay ko ang mga kabaliwan ko sa buhay. Ang tatay ko naman, kahit wala itong masyadong alam sa binabasa ko, palagi nitong sinasabi na ang bidang lalaki sa nobelang binabasa ko ang siyang kabuuan ng lalaking pinapangarap ko. Pero ewan, hindi ko alam. Oo nga't binuksan ko na ulit ang puso ko, pero ayaw kong mag set ng standards. Isa kasi sa mga natutunan ko these past years, is that one should never set standards when loving someone. Instead, they just have to let their heart act its own accord. Not to give it all away, but getting to know the person by heart.
"Mukhang enjoy na enjoy ka sa binabasa mo, ah."
"Opo, 'nay. Ganda kasi ng batuhan nila ng linya."
"Halata nga, kasi hindi mo man lang magawang lumingon." Tinupi ko muna ang pahina kung nasaang parte na ako ng libro para hindi ako mawala sa binabasa ko. Saka ako tumayo at inakbayan ang nanay ko.
"'Nay, huwag ka na magtampo. Hindi naman por que hindi ko kayo nilingon ay ipagpapalit ko na kayo sa binabasa ko. Kayo kaya ang best nanay ever!" Sabi ko sabay yakap ng mahigpit.
"Oo, at inuuto mo na ako."
"'Nay, hindi pang-uuto ang tawag do'n. 'Di ba nga sabi sa Bible; 'honor thy father and mother.' Kasiraan iyon sa sampung utos ng Diyos 'nay kapag naisipan kong utuin kayo." Natawa na lamang ako ng paluin ako ng nanay ko sa braso. Kahit kailan talaga parang bata pa rin ang turing ng nanay ko sa akin.
"Pati ang salita ng Diyos ginagamit mo sa kalokohan mo, maghunus-dili ka nga bata ka."
"'Nay, naman. Hindi ko po ginagamit sa kalokohan ang salita ng Diyos. Pagpapaliwanag po ang tawag do'n."
"Ah, ewan! Teka, hindi ka ba papasok ngayon?"
"Sabado ngayon, 'nay."
"Oo, alam ko. Kaya nga nagtataka ako kung bakit nandito ka samantalang noon kahit Sabado ay pumapasok ka pa rin sa trabaho."
True. Noon kahit Sabado ay pumapasok ako sa trabaho dahil gusto kong kumita ng malaki at sa promotion na hinahangad ko. But just this week I decided to drop my hopes, dahil kahit anong husay ang ipakita ko sa trabaho, hangga't nakaharang sa daraanan ko ang supervisor kong si MJ, ay hindi ko talaga makukuha ang hinahangad ko. Malakas kasi ang kapit nito sa itaas since kapatid nito ang asawa ng may-ari ng kompanya.
BINABASA MO ANG
I THINK I LOVE YOU
Lãng mạn"How did I manage to get on with those nine years without you being part of it?" Joie used to believe in love. Ngunit nabago ang lahat ng iyon ng makilala niya si Jepoy. Ang natatanging lalaki na pumukaw sa aba niyang puso. Since that was...