CHAPTER ONE

209 10 4
                                        

JOIE

CLOCK TICKING. Seven minutes before midnight. Ibig sabihin pitong minuto na lang ang nalalabi at mag be-beinte siete na ako. At habang hinihintay ang oras ng eksaktong pagpatak ng alas dose, here I am, prenteng-prenteng nakahilata sa kama ko habang nakatitig sa dalawang butiki na naghaharutan sa kisame.

"Mga imoral! Hindi niyo ba alam na bawal ang magharutan sa harap ng isang babaeng no-boyfriend-since birth? Lalo na iyong babaeng hindi pa nagkakaroon ng first kiss? Konting respeto naman."

 Oo, totoo iyon. Masakit mang aminin pero iyon ang totoo. Hindi naman sa walang nanliligaw sa akin. May mga manliligaw ako, ang problema lang ni isa sa kanila ay wala akong magustuhan. Don't get me wrong, they were a bunch of nice guy pero may iilan din namang mala-buhawi ang kahanginan sa katawan. But in totality, ay okay naman sila. Sadyang pihikan nga lang siguro ako dahil hindi ko magawang pilitin ang sarili ko na magkagusto isa man lang sa kanila. I don't want to give them false hopes. It is very unfair on their part because no one deserves to have that anyway. And maybe because I know so well that I could not give them more than what they deserve. It is better that way para walang bolahan.

"Hoy, babae, kailan ka ba magkaka-boyfriend? In a few minutes twenty-seven ka na, meaning isang taon na naman ang madadagdag sa pagiging single mo. Hindi ka pa ba nagsasawa?" 

Argh! 'Ayun na naman ang munting tinig na iyon. Ito ba ang resulta ng kawalan ng lovelife? Iyong pati sarili mo ipinapamukha sayo ang kawalan mo ng boylet? "Syet, malala na 'to." Okay, fine! Dati wala akong pakialam kung wala man akong boyfriend dahil abala ako sa pagpapayaman, at tanging pera lang ang nakakapukaw ng interes ko. But now that I'm in my late twenties, at sa araw-araw na ginawa ng Diyos na pagpapamukha sa akin ng mga magulang ko ang kawalan ko ng lovelife, paminsan-minsan ay sumasagi sa isip ko ang tungkol sa pagkakaroon ng boyfriend.

Everytime na napapadaan ako sa ilang mga business establishments at nakakakita ng magkasintahan na naglalambingan, napapahinto ako at napapaisip kung ano ang nakita nila sa isa't isa kasi malamang sa malamang iyon ang wala ako.

"Ang pagiging bokya ko ba sa lovelife ang kabayaran ng pagiging isang diyosa? Naman, ang saklap!" Bumangon ako sa higaan at nag jumping-jack. Isa ito sa mga ka-weirduhan ko sa buhay, ang dini-distract ang sarili ko sa paraang mahihirapan ako –ang pag e-exercise. Hindi pa ako nakontento sa pagpaparusa ko sa sarili ko pati pag pu-push up ay pinatos ko na rin. Habol ang hininga, tumayo ako upang kahit konti ay maibsan ang hingal at pagod na nararamdaman ko.

"Putek, Joie! Sa dinami-rami ba naman ng puwede mong gawin pag e-exercise pa talaga ang pinili mo. Hayan, magdusa ka." Restless, I walked and faced myself right in front of the full-length mirror. Pinakatitigan ko ng husto ang sarili ko. I'm not ugly. Despite of my age, hindi mahahalatang nasa late twenties na ako. A heart-shaped face, a small and upturned nose, smooth and rosy lips and cheeks, creamy white skin, an upturned eyes na nababagayan ng malalantik na pilik-mata which made people say that I have a soulful eyes that speaks of something but couldn't figure out. I am a pretty sight. But what I saw is a woman grown successful and yet empty. A woman who is successful in every aspect of her life maliban sa isa –lovelife.

"May tatlong taon pa ako bago mawala ang edad ko sa kalendaryo, meaning may tatlong taon pa para hanapin ko ang missing-in-action kong Mr. Right. Ano kaya kung subukan ko iyong sinasabi nila na "Bloody Mary?"" Sabi nila, when the clock strikes twelve at nakatayo ka sa harap ng salamin ay ipapakita nito sayo ang lalaking nakatadhana para sayo.

"But those are just mere heresays. Kapag ginawa mo iyan baka tuluyan ng mausog at hindi na magtagpo ng tuluyan ang landas ninyo ng missing-in-action mong Mr. Right. E 'di kawawa ka." Point taken. Mahirap nga naman na iasa ang lovelife sa mga paniniwalang walang basehan. I need to get moving kung gusto kong magkaroon ng lovelife ng tuluyan. Kailangan kong planuhin ang lahat. I walked towards my study table para kunin ang planner ko, when I took a glimpse of my alarm clock na nasa bedside table ko. It is past twelve midnight. Birthday ko na. I closed my eyes and utter a silent prayer.

I THINK I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon