CHAPTER TWENTY TWO

28 3 0
                                    

TAPOS NA AKONG MAKAPAGPAALAM sa mga taong naging malapit sa akin sa loob ng dalawang buwan. All in all, hindi man madali at least natapos na at ang kailangan ko na lang gawin ngayon ay ibalik sa dati ang takbo ng buhay ko. Back to the time that what mattered to me was only money.

What about, Jepoy? He's the one that mattered to you these days and maybe from the day you separate ways. Anas ng maliit na boses na iyon.

Shit! Akala ko ba okay na? I agreed already that I am the biggest fool ever so spare me those tiny little things that could make me think about Jepoy because he will never be mine! Makipag-cooperate ka naman, please lang.

Kung isinatinig ko lang ang mga sinabi ko sa isip ko at nagkataon na maraming tao akong nakasalubong they would probably think that I am going out of my mind. Now that I am back to square one hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin kahit paulit-ulit ko ng sinasabi sa isip ko na ganito dapat ang gawin ko, na ganyan dapat, whatsoever. In the end wala pa ring silbi iyon kasi napapatulala na lang ako sa isang tabi doing nothing and then out of nowhere si Jepoy na ang nagiging laman ng isip ko  hanggang sa natatagpuan ko na lang ang sarili ko na inaalo ang sarili ko.

"Ganito na ba talaga ang kalakaran sa mundo ng pag-ibig ngayon? Ikaw na nga itong nagmagandang-loob na mahalin ang taong nangangailangan niyon sasaktan ka pa ng bonggang-bongga. Husay, ah! Walang-utang na loob." Hindi ko mapigilang himutok ko. Kahit sinong babae na nasa katayuan ko ay maiintindihan ako sa drama kong ito. Sino nga naman kasing matinong babae ang gugustuhing masaktan?

Ikaw. Aware ka noong una pa lang na malaki ang posibilidad na masaktan ka pero ipinagpatuloy mo pa rin. O, nasaan na ang talino mo?

That caught me. Lahat ng mga sinabi ng maliit na boses na iyon ay pawang totoo. What I failed to realize back then was the fact that reality comes in all forms that I didn't seem to recognize that fate has a twisted sense of humor that goes beyond what I've expected. Minsan tuloy napapatanong ako kung bakit ba kailangang masaktan ang mga taong wala namang ibang ginawa kundi ang magmahal ng totoo. Dapat ang sinasaktan ay iyong mga taong wala ng ibang ginawa kundi ang manakit ng damdamin ng may damdamin, e. Abnormal talaga. Kapag minahal ka ng isang tao dapat mahalin mo rin, hindi iyong minahal ka na nga sasaktan mo pa. Dapat talaga magpanukala na ng batas ang pamahalaan na nagsasaad na sa bawat taong nagmahal, nasaktan, niloko, at nabigo ay may karampatang danyos na makukuha. At ang danyos na iyon ay pahirapan ng husto ang taong nagdulot sa kanya ng mga pasakit na pinagdaanan niya. But will it compensate the damage that has been done? I think not.

Hay, buhay! Dapat talaga hindi ko na kinonsente itong naglulumandi kong puso. Sakit lang tuloy ang inani ko.

Narating ko na ang lugar kung saan naka-park ang kotse ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang drama ko ngayon —nakatayo lang as if isang malaking pagkakamali ang gagawin ko oras na umalis ako sa lugar na ito.

"You're tough. That's the thing I first saw in you. But that doesn't mean you're not vulnerable. Whoever that guy is, I think you should thank him for the pain he gave you, because you wouldn't know that you're that strong if he didn't hurt you in the first place."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I THINK I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon