JOIE
WHAT THE HECK just happened back there? Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang mainit na hininga nito sa punong-tainga ko. At ewan ko ba kung bakit parang tukso iyon na paulit-ulit lang na nagbabalik at napapayanig sa magulong sistema ko.
Erase! Erase! Joie, magfocus ka lang okay? Simpleng katangahan lang iyon at natural lang iyang nararamdaman mo kasi first time mong sinapit ang katangahang iyon. Pero sana naman next time matuto ka na maliwanag ba?
Hindi. Hindi maliwanag sa akin ang lahat dahil nagrambulan na ang mga halo-halong emosyon na nararamdaman ko para kay Jepoy. Kung sa simpleng pang-aakit nito ay ganito na ang epekto nito sa akin, paano pa kaya kapag totohanan na? Wala pa man ay nahuhulaan ko ng ipagkakanulo ako ng sarili ko. I'm doomed.
Nah, relax Joie, it's just pag-ibig.
May pag-ibig bang nangangamoy berde? Mag-isip ka nga. Hay, ang saklap!
"Ma'am, okay lang po ba kayo?" Untag sa akin ni Lynette.
"H-ha? Ahm, okay lang ako huwag mo akong intindihin."
"Namumula kasi kayo ma'am kaya akala ko na nilalagnat kayo. Iba din po kasi ang ikinikilos ninyo ngayon."
Ako namumula? Ganito na ba talaga ako katransparent ngayon? I cleared my throat upang maalis ang sagabal na bumabara sa lalamunan ko at upang pagtakpan na rin ang mga kaguluhan na gumugulo sa akin. "Pasensiya na kung pinag-alala kita. But really I'm fine. Ganito lang talaga kapag kinakabahan." Palusot ko. Natahimik itong bigla at hindi nakapagsalita. At ngayon ko lang din napansin ang pagiging balisa ng mga kasama ko. Lahat sila tahimik lang which is very unusual dahil likas na magulo ang mga ito.
"Oo nga pala, ngayon na po pala iyon hindi ma'am?"
"Ha?"
"Ang presentation for second opinion, ma'am, hindi ba ngayon na iyon?" Paliwanag ni Ricardo.
Oo nga pala muntik ko ng makalimutan. Iyan kasi puro ka na lang Jepoy, Jepoy, Jepoy, pati trabaho mo naaapektuhan na.
Puwede ba mamaya ka na makigulo? Angil ko sa munting boses na iyon. "Bakit ganyan ang hitsura ninyo?" Puna ko.
"Kasi ma'am kanina pagpasok mo kitang-kita namin na may pinoproblema ka halata po kasi sa hitsura ninyo. Tapos sinabi niyo pa na kinakabahan kayo kaya hindi namin maiwasan na baka may problema nga sa project."
Kung ganoon, ako ang dahilan kung bakit mukhang biyernes santo ang hitsura nila? And yet they don't even know the source kung bakit ako nagkakaganito so nag presume ang mga ito na baka may problema sa proyekto? Na-guilty tuloy ako ng wala sa oras. Dahil sa kakaintindi ko sa nararamdaman ko para kay Jepoy ay nakalimutan kong may mga importanteng bagay na nangangailangan ng atensiyon ko at dapat na pagtuunan ng pansin. I suddenly feel that I owe them an explanation and an assurance that everything is okay.
BINABASA MO ANG
I THINK I LOVE YOU
Romance"How did I manage to get on with those nine years without you being part of it?" Joie used to believe in love. Ngunit nabago ang lahat ng iyon ng makilala niya si Jepoy. Ang natatanging lalaki na pumukaw sa aba niyang puso. Since that was...