LUCAS
"CONDOLENCE MAN." Sabi sa akin ng kaibigan kong si Blue na halata namang nang-aasar lang. Ikinuwento ko kasi rito ang nangyari sa photo shoot two weeks ago. That woman is still persistent as ever, lumala pa nga yata. Even after the photo shoot ay palaging nakabuntot sa akin si Lorraine. Kung hindi pa nagkaroon ng emergency ang planta namin sa Bacolod ay hindi pa ako makakatakas sa mga galamay niya.
"Gago. Akala ko ba tutulungan mo ako?" Umiling ito.
"I can't help you. I'm sorry pare."
"What? But why? Ang linaw-linaw ng usapan natin ah."
"Nagbabagong-buhay na kasi ako. Oras na malaman ito ng mahal ko, magagalit sa akin iyon. Alam mo naman ang isang iyon pagdating sa mga kabaro niya." Of all the ruthless men I knew, si Blue ang hindi ko kinakitaan ng potensyal na magmahal ng totoo. Kabi-kabilaan kasi ang mga affairs nito sa kung sinu-sinong mga babae. Nagbago lamang ito ng dumating sa buhay nito ang girlfriend na nito ngayong si Briella. Dati halos sumpain nito ang babae sa lahat ng santong kaya nitong pangalanan hanggang sa bigla na lamang nagbago ang ihip ng hangin.
"Love, just what are you really made of?"
"Kung maghanap ka na lang kaya ng babae na magpapanggap na girlfriend mo?"
Napatingin ako bigla rito. "Baliw ba ito?"
"Don't give me that incredulous look. Tinutulungan kita kaya namnamin mo."
"Seryoso ka ba? Pare, hiring a pretend girlfriend is the least option that I will do."
"Gano'n ba? O, sige may naiisip ka pa bang ibang paraan?"
Speechless.
"Hiring a pretend girlfriend is your only option kung ayaw mong mapikot. Kapag nalaman ni Lorraine na may girlfriend ka na titigilan ka na niyon. "
"At paano mo naman nasabi iyan?"
"Kasi sa napapansin ko sa kanya, she may be a class A bitch pero alam naman niya kung kailan niya kailangang tumigil. She did it before with Kyle Vergara, pero tumigil din siya nang ma-realize niya na wala siyang mahihita rito."
Diskumpiyado man ay wala na akong nagawa. "I have a lists of women na papasa bilang pretend girlfriend ko."
"Uh-uh... What we need is a woman na hindi attracted sayo."
"Bakit? Wala akong maalala na may babaeng hindi attracted sa akin." I watched how Blue twitched his lips into a half smile. Para sa mga lalaki, what I've said is no big deal. Pero kapag mga babae ang nakarinig ng mga tinuran kong iyon, malamang sa malamang hindi lang batikos ang aabutin ko.
"Are you sure, pare?"
"Oo."
"Then how about that girl in our college days? Iyong palagi mong ikinukuwento sa akin kasi napipikon ka."
That caught me. Iisang babae lang naman ang nagbibigay sa akin ng matinding sakit ng ulo habang nag-aaral pa ako noon. Ni hindi ko nga alam kung paano niya nagawang makalapit sa akin at sagot-sagutin ako na para bang isa akong malaking surot para sa kanya.
"Nasaan na kaya iyon siya ngayon? Nagbago na kaya siya?"
"O, natahimik ka yata?"
"Wala naman. Naalala ko lang iyong babaeng tinutukoy mo." Hindi nakaligtas sa akin ang ngiting sumilay sa mga labi nito. I know that look. Behind those smile lies a hypothetical question.
BINABASA MO ANG
I THINK I LOVE YOU
Romance"How did I manage to get on with those nine years without you being part of it?" Joie used to believe in love. Ngunit nabago ang lahat ng iyon ng makilala niya si Jepoy. Ang natatanging lalaki na pumukaw sa aba niyang puso. Since that was...