CHAPTER SIX

86 4 3
                                    

JOIE

"Teka sandali! Anu-ano nga ulit iyong mga adjectives na ginamit ko?" Parang gusto kong  lumubog sa kinatatayuan ko. "Joie, naman! Bakit mo pinuri ang timawang iyan? Nababaliw ka na ba?" 

"Joie?"

Gulat akong napatingin rito. "Naaalala niya ako?"

"Joie, is that really you? Oh, my look at you ang liit-liit mo pa rin."

Hindi ko alam kung natutuwa ba talaga itong makita ako, o nanti-trip lang. Sa gulat ko ay niyakap ako nito.

"Ano ba? Totoo ba talaga itong nakikita ko, o isang malaking bangungot? Joie, kumilos ka! Nilalapastangan ng timawang iyan ang katangahan mo!"

Sa kabila ng suot nitong three-piece business suit, ay ramdam ko ang init na nagmumula sa katawan nito. Ramdam ko kung gaano katibay ang pangangatawan nito pero naroon pa rin ang  pag-iingat upang hindi ako masaktan. "Que barbaridad! Joie, sinaktan ka ng timawang iyan ng ilang beses ipinapaalala ko lang kaya kumilos ka!"

Bigla akong nagising sa katotohanan. Pinilit kong makawala mula sa pagkakayapos nito pero hindi man lang ito natinag. "Syet ang bango niya. Putek, ano ba itong pinagsasabi ko?" Mariin akong pumikit at ipinilig ang ulo ko upang hindi matuon ang pansin ko sa kakisigan at kaguwapuhan nito.

"Ano ba?! Lumayo-layo ka nga sa akin!"

"Sobrang namiss kita. Saang lupalop ng mundo ka ba nagtatago?"

"Tama ba ang narinig ko? Hindi kaya halusinasyon lang ang lahat ng ito?"

"Hindi ka nag ha-hallucinate. Si Jepoy talaga ang nasa harap mo. At hindi por que sinabi niyang namimiss ka niya, e maniniwala ka na agad, kuha mo? Utuin ka pa naman."

"Ahem... Lucas, bakit hindi mo muna paupuin si, Joie."

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang ngiti na naglalaro sa mga labi nito. Iyong klase ng ngiti na  maraming nais ipakahulugan.

"I didn't know na magkakilala pala kayo."

"And I also didn't know that the Joie you are talking about, 'lo is the same Joie I met nine years ago."

"Nine years ago?"

"Yes, 'lo. We went to the same university."

"Bakit siya nagkukuwento as if  kahapon lang nangyari ang lahat? Joie, gumawa ka ng paraan."

I THINK I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon