KUNG SAAN-SAAN LANG KAMI nakakarating sa paglalakad namin ni Jepoy, though I'm not complaining dahil nagkakaroon din ako ng pagkakataon upang pagsawaan ang kaguwapuhan at kakisigan nito. At tingin ko pagbaliktarin man ang sitwasyon, ay hindi pa rin niyon maitatanggi na kahit kailan ay wala na itong pag-asang pumangit sa paningin ko.
While walking ay hindi ko maiwasang hindi ito sulyapan from time to time. For me, everything seems surreal and I'm afraid I might wake up dreaming. Pero ang init na hatid ng kamay nito habang magkahugpong ang mga kamay namin ay siyang patunay na hindi panaginip ang lahat. And if this is a dream, this is the kind of dream I wanted to keep on dreaming as long as I am able to dream for the both of us.
Wow, hanep ah. Ganito pala talaga ang true love, dakila.
Oh, well, true love or not, I don't know. True love is always consistent, and so does my heart. At isa sa mga natutunan ko ay ang huwag magmadali. Because if love is true, then you needn't have to be in a hurry. Love moves in it's own course and we just have to go with it, but we also have to look back and learn from our past mistakes, para kapag nagmahal tayo ulit ay ay alam na natin kung ano ang gagawin.
And now I am able to contemplate over things I never thought I could do. Wow.
"Girlfriend, anu-ano ang mga activities ngayon dito sa inyo?"
"Ha? Hindi ko alam. Pero nabanggit sa akin ni nanay kanina na may parada raw ng mga banda."
"Parada? Puwede ba akong makisaya? You know, manonood lang ako habang nagkakasiyahan ang lahat."
Hearing those words from him, asking me if he could join the celebration, somehow, it made me realize that I am lucky to be brought up in a middle class strata, because I am able to experience the simplicity of life that some people did not experience, katulad na lang ni Jepoy. Ito iyong mga pagkakataon sa buhay na kung saan being brought up in a middle class is much better than being rich. You are to experience everything what you wanted without higher expectations.
"Oo, puwede kang makisaya. Kung gusto mo samahan mo pa ng mga lobo para mas lalong sumaya. O, kung mas trip mo, samahan mo na rin ng catering."
"Can I?"
"What?"
"Send in caterings. Pati na rin mga lobo para sa mga bata."
Hindi na ito nagpatumpik-tumpik pa at kinuha nito ang cellphone nito sa bulsa ng pantalon nito at may kung sinong tinawagan.
"Hello, Mylene, may alam ka bang catering services at party organizers na nagpo-provide ng mga ---"
Hindi ko na ito pinatapos dahil kinuha ko ang cellphone nito at in-off iyon.
Tinitigan lang ako nito with his knotted forehead, but there is no denying that I saw amusement in his eyes. "Bakit mo ginawa iyon?"
"Dahil para kang engot naniniwala ka kaagad sa mga sinasabi ko."
"Ano'ng mali ro'n? I wanted to join, that's all. Hindi naman masama kung may mai-contribute man lang ako hindi ba?"
Oo, nga naman, ano nga ba naman ang masama ro'n?" Panggagatong ng maliit na boses na iyon.
"Kung gusto mo talagang maki-join, at kung tutulong ka, mano-mano dapat. That's what the residents always do kapag fiesta dito sa amin."
Patay! Bakit ko ba sinabi iyon?
BINABASA MO ANG
I THINK I LOVE YOU
Romansa"How did I manage to get on with those nine years without you being part of it?" Joie used to believe in love. Ngunit nabago ang lahat ng iyon ng makilala niya si Jepoy. Ang natatanging lalaki na pumukaw sa aba niyang puso. Since that was...