HABANG BINABAGTAS ko ang daan papunta sa meeting place naming magkakaibigan ay paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang mga ipinagtapat sa akin ni Matthew. Hindi pumasok kailanman sa isip ko na magtatapat ito sa akin dahil wala naman akong ginagawang espesyal para mapansin niya.
Hello, Joie, ikaw nga dati unang kita mo pa lang kay Jepoy tinamaan ka na, ano pa kaya ang kawawang si Matthew? Usig ng maliit na boses na iyon.
Sa mga nangyayari ngayon napapatanong ako minsan kung pag-ibig na nga ba ang tawag kapag nakaramdam ka ng kakaiba sa kaibuturan ng puso mo. Kung posible ba na magagawa mong magmahal sa napaka-iksing panahon. Kasi nalalabuan ako.
Gaga! E, engot ka pala, e. Ano'ng tawag mo sa naging kabiguan mo noon kay Jepoy? Huwag mong sabihin na nalalabuan ka rin do'n? At puwede ba, hindi naman kailangan na gumawa ka ng mga espesyal na bagay para lang magustuhan ka. Ang kailangan lang ay magpakatotoo ka. Akala ko ba natuto ka na?
Pati ang subconscious mind ko tinatalakan ako. Kapag puso na ang pinag-uusapan, kahit maging logical ka pa, balewala pa rin iyon because what goes with the heart is totally different with what goes in mind.
Sa ikalawang pagkakataon nagpakatanga ako sa nararamdaman ko para kay Jepoy, but with Matthew, it's totally a different thing. Ayokong danasin niya ang dinanas ko noon. Ayoko siyang saktan, pero kahit na pilit mong iwasan na huwag masaktan ang isang tao, masasaktan at masasaktan mo pa rin ito kahit sabihin mong unintentional pa. Lalo na kung espesyal ka para sa taong iyon.
Ang tanga ko talaga. Just when I thought no one would ever love me, here comes a guy who just confessed his true feelings for me. A guy that is every girl's dream and eventually would die for just to have him. If only I am one of those women. Mapakla akong ngumiti.
Minsan talaga may mga pagkakataon sa buhay na kung saan kahit pabor na sayo ang isang sitwasyon, you simply just can't force yourself to push into that situation.
Kung bakit naman kasi nagtapat pa si Matthew sa akin? Now I also have to deal with him. Hay, buhay!
Huwag ka ng magtaka. 'Di ba nga sabi nila love comes in it's most nasty twisted form? Malas mo lang kasi dumating na iyong taong nagmahal sayo ng totoo, but you decided to let him go dahil mas pinili mong magpakatanga. And now, I also have to deal again with my oh so good bloated pea sized brain.
Ilang minuto pa mula sa pagmamaneho ay natatanaw ko na ang restaurant kung saan naging paboritong tambayan na rin naming magbabarkada. Ang restaurant kasi na iyon ay pagmamay-ari ng naging kliyente ni Riri na eventually ay naging suki niya na rin, kaya kapag doon kami kumakain ay malaki ang natitipid namin, all thanks to Riri. Ilang sandali pa at nag park na ako sa parking lot ng naturang establishment. Bumaba na ako sa sasakyan ko ng masiguro kong nakapagpark ako ng maayos at in-auto lock iyon. Habang naglalakad patungo sa entrance ng restaurant, nahagip ng tingin ko ang ilang mga pamilyar na kotse na gamit ng mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
I THINK I LOVE YOU
Romance"How did I manage to get on with those nine years without you being part of it?" Joie used to believe in love. Ngunit nabago ang lahat ng iyon ng makilala niya si Jepoy. Ang natatanging lalaki na pumukaw sa aba niyang puso. Since that was...