IT WAS A FINE SATURDAY MORNING. And since walang pasok napagpasyahan kong maging batugan tutal nasa akin ang lahat ng karapatan dahil nagbabayad ako ng tamang buwis.
Ano'ng connect niyon? Tanong sa akin ng maliit na boses na iyon.
Wala naman. Pansin kong umeepal ka na naman.
Hay. Palabo ng palabo ang mga bagay-bagay pero wala na yatang mas lalabo pa sa aming dalawa ni Jepoy. We acted like a real couple and no matter how much better it gets, the truth keeps on popping up. Pero agad ko ring isinasantabi iyon dahil mas gusto kong sulitin ang panahon na mahalin ito. Bagay na gustong-gustong gawin ng puso ko. Everyday seemed to be so perfect dahil ginagawa nitong mas espesyal ang araw ko, except for this day and maybe tomorrow as well. Nagpaalam kasi ito sa akin na meron itong importanteng aasikasuhin at ayoko namang makasagabal sa trabaho nito.
Dahil hindi ko na magawang bumalik sa pagtulog, bumangon na ako at nagtuloy-tuloy sa banyo upang maligo. Ilang minuto din ang ginugol ko bago ako natapos sa paliligo. Hindi ko na pinagkaabalahang suklayin ang buhok ko dahil hinahayaan ko lang iyong matuyo ng kusa. Nagbihis lang ako at nag lagay ng konting pulbo saka bumaba.
Anong oras na kaya?
Pansin kong mataas na ang sikat ng araw sa labas dahil na rin sa sinag ng araw na tumatagos mula sa bintana ng sala namin. Kaagad akong dumiretso sa kusina at naghalungkat ng makakain. Wala sa mga nakahaing pagkain sa mesa ang gusto kong kainin kaya dumampot na lang ako ng tinapay at iyon ang nilantakan ko.
"O, mabuti at gising ka na."
Napakunot ang noo ko dahil posturang-postura ngayon ang nanay ko. Gano'n din ang reaksiyon ko ng nakita kong pumasok ang tatay ko.
Teka, saan ang punta ng mga ito?
"'Nay, saan ang lakad n'yo?"
"May date kami ng tatay mo."
"Date?!"
"Oo, anak. Matagal na rin kasi kaming hindi nakakalabas ng nanay mo."
"Iiwan niyo ako?"
"Alangan namang isama ka namin? Paano kami makakapagsolo ng tatay mo kung nandiyan ka nakabuntot?"
Napangiwi ako sa sinabing iyon ng nanay ko. Ang pangit ng connotation niyon sa akin.
"'Nay, puwede ba konting pino naman sa pananalita ninyo? Ang sagwang pakinggan, e."
"Walang masagwa sa sinabi ko. Sadyang marumi lang talaga ang takbo ng utak mo."
Napasimangot na lang ako dahil wala din naman akong panama sa nanay ko.
"Kung aalis kayo 'nay paano na ako? Ano'ng kakainin ko? Paano ako kakain? Sino ang mag-aalaga sa akin?" Marahas akong napasinghap dahil sa kurot na iyon ng nanay ko.
"Nababaliw ka na naman! Nagtataka tuloy ako kung ano ang pinakain mo kay Lucas at sinusuyo ka ng poging binatang iyon, e wala naman siyang mapapala sayo kundi konsumisyon. Kung kami ngang mga magulang mo hindi ka matagalan, ano pa kaya ang batang iyon."
"'Nay, sadyang maganda lang ho talaga ako kaya hindi niya magawang lumayo. Ayaw niyang maulila sa taglay kong kagandahan, 'nay at hindi ako gano'n kasama upang ipagkait iyon sa kanya."
"Alam mo anak, parang gusto kong pagsisihan kung bakit kinonsente kitang lumaking ganyan. Para kasing kahit sinong tao ang makatabi mo ay walang karapatang mabuhay at huminga sa hangin na nilalanghap mo. Pero kung gagawin ko iyon para ko na ring tinikis na huwag ibahagi sa mundo kung gaano kaganda ang lahi natin. At sa nakikita ko mukhang hindi ka naman papipigil kaya sige ipagpatuloy mo lang iyan. O, ano mama, handa ka na?"
BINABASA MO ANG
I THINK I LOVE YOU
Romance"How did I manage to get on with those nine years without you being part of it?" Joie used to believe in love. Ngunit nabago ang lahat ng iyon ng makilala niya si Jepoy. Ang natatanging lalaki na pumukaw sa aba niyang puso. Since that was...