CHAPTER SIXTEEN

78 4 0
                                    

JOIE

TINANGHALI NA AKO NG GISING. Kung papasok pa ako ngayon sa opisina gano'n pa rin naman, male-late lang ako. Tinawagan ko na lang si Lynette at sinabing absent ako ngayong araw dahil masama ang pakiramdam ko, kahit hindi naman talaga. Tutal naman wala ng gaanong gagawin sa opisina dahil naghihintay na nga lang kami for final presentation.

Nagpasya akong bumangon na sa higaan at bumaba upang makapag-agahan na. Pagkababa ko, pansin ko ang pamilyar na pagkakalansingan ng mga kaldero sa kusina at nakita ko nga si nanay na naghuhugas ng mga kaldero sa lababo.

Teka, bakit ang lalaki yata ng mga kaldero? Lumapit ako sa kusina at nakiusisa sa paghuhugas ni nanay.

"'Nay, aanhin mo ang mga kalderong iyan?"

"O, gising ka na pala. Teka, hindi ka ba papasok ngayon? Male-late ka na."

"Hindi muna, 'nay, pagod ako."

"Ha? Kailan pa pumasok sa kukote mo ang salitang pagod?"

"Kagabi lang, 'nay." Umalis na ako sa kusina at pumunta sa refrigerator upang kumuha ng fresh milk. "'Nay, ano ang meron at nililinis mo ang mga  kaldero?"

"Hay, nakalimutan mo na ba? Fiesta ngayon dito sa atin. Buti na lang nagising ka bago ang parada dahil kung mamaya ka pa nagising at ang gumising pa sayo ay tugtog ng banda, tiyak na magwawala ka."

"Grabe kayo sa akin, 'nay ha. Anu-ano po ba ang mga programa na binuo ninyo together with your constituents? May naglakas-loob ho bang magpa-extreme contest, 'nay? Iyong kakain ng bubog? O, kakain ng buhay na manok?"

"None of the above. Pero kung ako lang ang masusunod, magpapa-contest ako, iyong contest na kung saan magpapatalbugan ang mga babae dito sa barangay natin sa pagiging single at ang premyo ay isang one night stand sa isang lalaki. O, di ba ang ganda ng naisip ko? At siyempre kasali ka ro'n, anak, walang exemption, walang immunity. At dahil sa ako ang nakaisip, sasabotahin ko na rin ang contest para ikaw ang manalo. O, ano nagustuhan mo ang plano ko?"

Alam ko na nagbibiro lang ang nanay ko, pero siyempre mas mabuti na rin ang nag-iingat lalo na't hindi na maganda ang mood ng nanay ko. Baka magising na lang ako isang araw may katabi na akong lalaki. Sa halip na sagutin ang mga sinabi ng nanay ko ay iniba ko na lang ang usapan.

"'Nay, bakit walang pagkain? Naghihirap na po ba tayo?" Kumakalam na kasi ang sikmura ko at nakita kong walang mga nakatakip na pagkain sa mesa tulad ng nakasanayan ko. Pati rin ang ref walang palatandaan na leftover.

"Pasensiya na kung hindi na ako nakapagluto anak kasi abala ako para sa programa mamaya."

"Ah, okay lang, 'nay. Ang tatay ho?"

"Hayun, tumutulong sa pag le-litson ng baboy."

"Tama ba ang narinig ko, 'nay? May lechon? Bah, payaman tayo ng payaman, 'nay ah. Dati pansit lang ang niluluto ninyo ngayon may pa-lechon-lechon na kayong nalalaman."

"Tumahimik ka nga diyan. Baka marinig ka ng mga kapit-bahay natin isipin pa ng mga iyon na garapal akong tao."

"Sus, ano naman ang masama r'on 'nay? At least nare-recognize ng mga tao ang papel ninyo."

"Baka gusto mo ring i-recognize itong kawali kapag pinadapo ko ito sa mukha mo? Magsabi ka lang."

"Alam niyo, 'nay, minsan napapatanong ako sa sarili ko kung anak niyo nga ba ako."

"Huwag kang mag-alala, madalas ko ring itanong sa sarili ko kung anak nga ba kita, kaya quits lang."

Ang makipagtalo sa nanay ko ay isang napakalaking kalokohan, kaya nga isa rin akong malaking engot dahil pinapatulan ko ang kabaliwan ng nanay ko, though, naniniwala rin ako na minsan sa buhay kailangan mo ring gumawa ng mga walang katuturang bagay para...

I THINK I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon