CHAPTER FIVE

74 7 0
                                    

JOIE

"O, ano sawa ka na naman sa buhay mo 'no?" That was my friend, Ada.

"Kung bakit naman kasi ayaw mong magtrabaho? Kung may trabaho ka, e 'di sana hindi ka nabuburyong ng ganyan at hindi mo kami naiistorbo." "Amen to that, Riri."

"Tama si, Riri. It's about time you face the reality at ng may mai-contribute ka naman sa ekonomiya ng bansa. Ang tanda-tanda mo na wala ka pa ring trabaho, nakakahiya ka." "Aray ko!"

Kahit kailan ang sakit talaga magsalita ni Kim, well, halos lahat naman. Bihira na lang kami kung magkita-kita na magbabarkada dahil abala kami sa trabaho, maliban nga lang kay Nadja. At kung meron mang hindi nagbago ay ang tabas ng dila ng bawat isa.

"Aray ha! Ang sakit mong magsalita."

"Masakit ba? Kulang pa iyan."

"Ikaw Joie, ano'ng masasabi mo sa napakakulay na buhay nitong kaibigan natin?" Tanong sa akin ni Ruby.

"Isa lang ang masasabi ko, pahinging pagkain." Isinalin ni Kim sa plato ko ang pagkain nito ganoon din ang ginawa nina Riri at Ada. "Ikaw Ruby, hindi mo ba ibibigay sa akin iyang pagkain mo?"

"Ayaw. Gutom ako."

"Konting pino naman sa pagkain, Joie. Saang lupalop ng mundo ka ba nagsususuot at kinukulang ka sa pagkain?"

"Work. At iyan ang salitang hindi mo maiintindihan friend dahil wala ka namang trabaho."

"Gusto mo ikaw ang pagbayarin ko nitong mga kinain natin?" Naaasar na tanong ni Nadja.

"Ikaw talaga, Nadja 'di na mabiro. Huwag mo na kasi akong tinatanong Ruby at baka kung ano pa masabi ko."

"Bakit? Para nagtatanong lang, ah."

"Iyon na nga, huwag mo na akong tanungin lalo na sa mga ganitong pagkakataon sayang ang grasya."

It's a Wednesday night. Pauwi na ako ng magyaya si Nadja na mag dinner out kasama ang buong barkada. Pumayag na ako since months na rin yata ng huli kaming lumabas na magbabarkada, at para na rin makapag-unwind dulot ng sobrang stress sa trabaho. I became friends with them noong sabay-sabay kaming nakulong --detained actually. Hindi ko alam ang kuwento sa likod ng kanilang pagkaka-detain, pero iyong nangyari sa akin ang hinding-hindi ko makakalimutan. Sa sobrang pagmamadali ko kasi noon dahil sa ipina-rush na revision ay may nabunggo akong sasakyan. Handa naman akong bayaran ang danyos kaso ayaw magpa-areglo ng complainant. Dahil sa nangyaring iyon ay kamuntikan akong mawalan ng trabaho, buti na lang at naging considerate ang kompanya sa akin noon. Kaya naman ipinangako ko sa sarili ko na hindi na madadagdagan ang record ko.

"Sandali nga, huwag nga muna kayong magulo. Nadja, bakit mo ba kasi kami ipinatawag? Umayos ka ng sagot kung ayaw mong singilin ka namin sa pang-iistorbo mo sa amin."

"E, kasi pinagalitan ako ni dad --"

"Ako na. Pinagalitan ka ng tatay mo, nagalit ka, nag away kayo. At ang  dahilan mo ay ang walang kamatayan na, kesyo hindi mo alam kung ano ang gusto mo. End of story."

Literal na napa-palakpak kaming lahat na nakikinig kay Ada.

"Wow, Ada. That's just so wow."

"Boplaks ka ba? Sawang-sawa na ako sa kawalan mo ng direksiyon mo sa buhay. May tinapos ka naman pero ayaw mong gamitin para magbanat ng buto. Buti pa iyong iba diyan kahit walang-wala kumakayod pa rin mabuhay lang. Pati iyong mga batang nasa murang edad dinaig ka pa. Hindi ka ba nahihiya?"

"Uh-oh... mother superior, Ada strikes again. Mukhang wala siya sa mood ngayon, o mas tamang sabihin na badtrip yata ito ngayon."

I THINK I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon