CHAPTER ELEVEN

51 4 2
                                    

JOIE

NAKAPANGALUMBABA lang ako habang walang kabuhay-buhay na nakikinig sa pinag-uusapan ng mga kaibigan ko. Panaka-naka din akong tumitingin sa labas ng restaurant na walang kagana-ganang pinapanood ang mga kaganapan sa labas. And for the nth time napabuntong-hininga na naman ako. It seems to me that all of a sudden everything around me turned to be so dull; from the office, the things that I do, down to the shortest details na napapansin ko. Tapos andiyan pa ang nanay ko think about, na walang kasawa-sawang ipinapaalala sa akin ang tungkol sa 'manliligaw' ko kuno na nagbigay sa akin ng mga bulaklak.

Ano kayang magiging reaksiyon ng nanay ko kapag sinabi kong ang lalaking nagbigay sa akin ng bulaklak ay siyang lalaki rin na siyang dahilan ng pagngawa ko noon na ikinagalit ng nanay ko dahil hirap itong makatulog gabi-gabi. Idagdag mo pa ang bwisit na Jepoy na iyon at sa sitwasyong kinasadlakan ko. Weh, kunwari ka pa e, 'di ba nga inamin mo ng gusto mo rin ang nangyayari ngayon? 'Wag kang denial 'teh, masama sa kalusugan iyan. Komento ng malanding munting tinig na iyon sa isip ko.

"Tumahimik ka. Sinusubukan kong magpakatino kaya dapat ikaw rin."

Buong araw akong hindi binulabog nito, pati na ang mga pagpapadala nito ng bulaklak ay natigil din. Dahil sa hindi nito pagpaparamdam ay parang nagtampo ang puso ko, needless to say sobrang boring din ng araw ko.

"Kaya ba boring kasi hindi siya nagparamdam buong araw? O, kaya boring kasi namimiss mo siya at wala siya para pasiglahin ang araw mo?"

Both. Anong magagawa ko? Kahit anong pigil ko sa sarili ko, hindi na niyon maitatanggi kung gaano katindi ang epekto nito sa akin. Na kahit anong pilit ang pagpipigil ko sa sarili ko huwag lang akong tuluyang maipagkanulo, ay nababalewala din iyon kapag ngumingiti ito. Kung paanong sa isang ngiti lang nito ay nagagawa nitong pasunurin ang kabaliwan ng puso ko. O, e 'di gusto mo nga siya.

"Inamin ko na nga 'di ba? Kailangan ba paulit-ulit?"

Sa kabila ng pag-amin ko na mahal ko ulit ito, ay hindi pa rin naaalis sa akin ang mga tanong at takot. Gusto kong itanong kung bakit humantong sa puntong sinabi nito sa lolo nito na girlfriend niya ako. Magpapaka-ipokrita ako kung sasabihin kong hindi ako natuwa sa sinabi nitong iyon, because God knows how much I've been wanting to hear it from him. Ang sabihin nitong mahal niya rin ako with so much love in his eyes. Anong mahal? Girlfriend po ang sinabi ni Jepoy. Wala siyang sinabi na mahal ka niya ipinapaalala ko lang.

Kitams? Pati sarili ko tinatama ako sa kahibangan ko. Even if I want to submit myself to my true feelings for him, I simply can't. I just can't. Hindi ko kaya. Sapat na sigurong inamin ko sa sarili ko na mahal ko ulit siya, hindi na iyon kailangan pang makarating sa kinauukulan. Natatakot kasi ako na baka kapag ipinagpatuloy ko itong nararamdaman ko maulit lang ang nangyari sa akin noon. At sa mga nangyayari ngayon na pinalabas ni Jepoy na girlfriend niya ako, lalo lang naging komplikado ang lahat lalo na sa parte ko. Nakakaasar na kasi iyong araw-araw na lang akong nagtatanong sa sarili ko kung ano ang motibo nito sa pakikipaglapit sa akin. Kasi sa ginagawa nito ako ang nahihirapan. Nakakapagod mag pigil ng damdamin lalo na't wala namang kasiguraduhan ang lahat. Iyong para kang tanga na natatakot ka sa isang bagay na alam mo mismong malabong mangyari. Kung may kakayahan lang sana akong makabasa sa nilalaman ng puso at isipan ng isang tao ginawa ko na para wala akong ganitong drama ngayon. But on the other hand, having that kind of ability would just hinder the hearts ability to beat for itself and discover its wonderful ability to love truly. Just as the song goes, you will never know the ways of love. But I guess, the moment you will know it's ways is when you let your heart take its course and cherish it as long as you can keep it. Ang hindi ko lang alam ay  kung kasama ba doon ang masaktan ng paulit-ulit.

I THINK I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon