CHAPTER EIGHT

61 5 0
                                    

"How do you heal a broken heart that feels like it will never beat this much again, oh no... I just can't let go

How do you heal a broken heart that feels like it will never love this much again, oh no... tonight I'll hold what could be right, tomorrow I'll pretend to let you go..."

"Grabe sobrang tagos naman sa puso ng kantang iyan."

Napatingin ako kay Lynette. It was a sad love song all right and everybody seems to relate. Kahit ang mga brusko dito sa opisina ninanamnam ang mensahe ng naturang kanta.

"Nakaka-relate ka?"

"Opo ma'am. Minsan na rin po kasi akong nabigo kaya damang-dama ko iyong kanta."

"Pero hindi ka tumigil na magmahal uli?"

"Naku ma'am hindi. Noong una medyo nag lie-low ako. Pero no'ng ramdam ko ng handa na akong sumubok ulit, sumubok ako. Katwiran ko hindi lang ako ang taong nabigo at nasaktan sa mundong ibabaw so wala akong karapatang magluksa ng pagkatagal-tagal. "Aray ha!"

"Kayo ma'am, nabigo na rin ba kayo?"

I wasn't expecting that kind of question. Pero siguro kailangan ko ng masanay na pag-usapan ang mga sensitibong bagay kung gusto kong umusad at gumaan-gaan ang bigat sa dibdib ko, tulad ngayon. I just smiled to Lynette's question and answered yes.

"Niloko kayo ma'am?"

Sa tuwing nabibigo o nasasaktan ang isang babae palaging nagiging rason ang salitang "niloko." Yes, for some oo niloko sila, but mine is different. He never cheated on me neither do I, because there has never been an us in the first place. Again, I smiled and answered no.

"Ano pala ang nangyari ma'am? Paano kayo nagkakilala."

"So this is it? Magbabalik-tanaw tayo?" Jepoy and I met in a very... let's say in an awkward way. Ang totoo noon pa man napapansin ko na siya dahil nga guwapo siya. But there's something in him that really stood out for me --magaling siyang mag gitara. That time abala ako sa pagso-solve sa isang problem set na ipinagawa sa akin in exchange for one hundred peso bill. That's how I'm able to survive my college days --taga-gawa ng assignment sa math, part time tutor, at Avon and Natasha dealer.

Nasa students lounge ako noon nagso-solve ng problem set when I hear a beautiful music coming from a guitar and that was the first time I ever heard such beautiful melody in a guitar instrument. Nang mag-angat ako ng tingin upang sundan kung saan nanggaling ang tugtog, I was dazzed and dumbfounded thanking God for this wonderful, beautiful creation right in front my eyes. Iyon ang unang pagkakataon na nakita ko siya. At kung nakakalasing lang ang kaguwapuhan malamang kanina pa ako nawala sa huwisyo. Nawala na ako sa focus at itinuon na lang ang sarili ko sa panunuod rito. I guess I have fallen in love first with his magnificent talent before I fell for him. And when he started singing that was when I knew what I feel for him isn't just a hopeless crush case. I mean, what the heck! Talo-talo na 'to. And just like any other teenage girls na sobrang nababaliw sa crush nila, gumawa rin ako ng paraan para mapalapit sa kanya.

Kinapalan ko ang mukha ko para lang makalapit. Inalok ko sa kanya at sa mga kaibigan niya ang mga dala kong paninda. Even men's underwear ay sinales talk ko para lang humaba-haba ang moment naming dalawa, kung moment nga ba ang maitatawag do'n. That was the very first time I ever got a reaction from him and it's not so very good. Pero ewan ko ba, instead na ma-discourage ay sumige pa rin ako kahit palagi niya akong itinutulak palayo. Pero sadyang makulit ako, e kaya siguro napagod na rin ito at hindi niya na ako sinasaway at hinayaang makalapit sa kanya. And I think good thing rin dahil nahuli ko ang loob ng mga kaibigan nito kaya hindi ako gaanong nahirapan. And that's the start of our love story. Our love story na ako lamang ang bumuo at nakakaalam. And just like any other love story, it didn't ended happily.

I THINK I LOVE YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon