KASALUKUYAN PA rin akong nakahilata sa kama ko kahit na umaga na. Hindi ko magawang utusan ang sarili ko na bumangon dahil pati utak ko ayaw ring gumana.
"Sinasapian na naman ako ni mareng "Katam."" Inaantok pa rin na usal ko. "Katam" is the short term for katamaran.
"Joie, anak, gumising ka na." Ang nanay ko iyon. Kahit malaki na ako, ay tila naging panata na yata ng nanay ko ang gisingin ako sa araw-araw na ginawa ng Diyos.
"Bilisan mong kumilos at lalamig na ang pagkain."
"'Nay, five minutes pa, please?" Pakiusap ko sa kabila ng pag-aagiw ng utak ko.
"Ano ba? Bumangon ka na nga diyan. Ano mang minuto mula ngayon ay dadating na ang boypren mo para sunduin ka."
"'Nay, masyado na kayong nawiwili kay Lucas, ah? May gusto ba kayo sa jowa ko, 'na ---" Hindi ko na naituloy ang linya ko dahil tinampal ako ng nanay ko ng malakas sa pisngi ko.
"Aray naman, 'nay! Ang sakit niyon, ha."
"Masakit ba? O, ano sapat na ba iyon upang maalog iyang lutang mong utak, o gusto mo ng isa pa?"
"'Nay, naman e."
"Bumangon ka na nga kasi diyan sa higaan mo. Kapag hindi ka pa sumunod gagawin kong dalawang daan ang multa mo."
Sa sinabing iyon ng nanay ko, ay tuluyan ng nagising ang aandap-andap kong diwa.
"'Ho? Grabe talaga iyang kuwentada ninyo 'nay pagdating sa pera."
"Para saan pa't naging treasurer ako ng homeowners? Kumilos ka na diyan." Pahabol ng nanay ko bago ito tuluyang lumabas ng kuwarto ko.
Wala na akong nagawa kundi ang bumangon. Kahit na gising na ang diwa ko, malakas pa rin talaga ang hila ng gravitational pull ng kama ko. And then again, all I want is to feel the softness and the coziness of my bed. Kaya lang para namang sirang plaka na naglalaro sa utak ko ang inilatag na multa ng nanay ko dahilan upang pilitin ko ang sarili ko na labanan si mareng "Katam."
"One, three, five, six, nine, ten!" Pinilit kong gisingin ang natutulog kong katinuan sa pamamagitan ng pag e-exercise.
"Tapos na akong mag stretching. Okay, push-ups naman. One, two, four, seven, ten, nine, six, three, one! Wuhuuu, times up!"
Pagkatapos ng ehersisyo kong punong-puno ng pandaraya ay dumiretso na ako sa banyo upang maligo. Hindi ako ganito sa umaga, ngayon lang talaga, at lahat ng iyon ay dahil lang sa dalawang daang piso na multa. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na agad ako at nag ayos ng konti. Mabilisan lang ang ginawa kong pag ligo, at ang natitirang minuto ay ginugugol ko sa pagtunganga. Oo, tanggap ko na, ganito talaga ang ipinanganak na Dyosa, talented.
Napangiti na lang ako sa kabaliwan ko. Pagkatapos ng makabuluhan kong pagtunganga ay bumaba na ako at nagtungo sa hapag-kainan.
"Magandang umaga, 'nay, 'tay."
"O, anak, mukhang tinamad ka na namang gumising, ah."
"Wala 'tay e, ganito nga talaga yata ang ipinanganak na maganda, tulog mantika." Saad ko habang dumadampot ng malasadong itlog, tocino at tuyo. "Puwedeng pakiabot ng sinangag, 'nay?"
"Anak, darating ba ngayon ang boypren mong hilaw?"
"Hindi ho, 'tay. Nagpaalam siya sa akin kagabi saying na hindi niya ako masusundo ngayon."
"Aba'y bakit raw?"
"May promulgation kasi sila ngayon about a certain land dispute, 'nay."
"Ah. Kahit hindi ko naiintindihan tatango na lang ako."
BINABASA MO ANG
I THINK I LOVE YOU
Romantizm"How did I manage to get on with those nine years without you being part of it?" Joie used to believe in love. Ngunit nabago ang lahat ng iyon ng makilala niya si Jepoy. Ang natatanging lalaki na pumukaw sa aba niyang puso. Since that was...