JOIE
WALA NA KAMING GAANONG ginagawa kaya medyo relax na kami ngayon. Though in my part gumagawa pa rin ako ng mga samples para pag-aralan ng mga empleyado depende sa papel na ginagampanan nila. Araw na lang kasi ang bibilangin at matatapos na ang stint ko dito sa kompanya and after that saka ako magre-resign. Kaya naman naisipan kong gumawa ng isang simulation na kung saan mahahasa ang kaalaman ng mga empleyado sa system na ginagamit ko bago man lang ako umalis. Actually, ito ang unang beses na kung saan ibinabahagi ko sa iba ang mga nalalaman ko, and it's just so funny that I was just fine doing it. Dati kasi sa sobrang selfish ko ay nangingisay na ako kapag gumagawa ako ng kabutihan pagdating sa trabaho. I have to be competitive, and I thought it was fine. Kaya lang nabago ang paniniwala kong iyon simula nga nang pamahalaan ko ang mga tauhan dito sa MIS department.
Ano kaya ang mangyayari sa akin oras na mag resign ako?
Isa sa mga dahilan kung bakit ako magre-resign ay dahil hindi ko na kaya ang politika sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko. And I'm pretty sure na nakarating na sa kapatid ni MJ ang nangyaring sagutan sa aming dalawa, dahil palagin gano'n naman talaga ang nangyayari. At ang pinakamalala sa lahat, kapag ito ang nagsumbong hindi na tugma ang kuwento nito dahil maraming dagdag bawas. Na sa bandang huli ay ito pa rin ang nagmumukhang mas agrabyado. Kaya naman staying in the company would be an unwise decision. It won't make me grow as an employee at lalala lang ang angst sa pagitan naming dalawa. At sa tingin ko lalo pang titindi iyon kapag umabot sa kaalaman nito ang balitang kami na ni Jepoy na hindi naman talaga totoo.
Ano ka ba naman, Joie? Hindi mo na kasalanan kung uto-uto man ang bisugong iyon, 'no. Nasa talampakan kaya ang utak ng isang iyon. Tinawanan ko na lang ang sinabing iyon ng utak ko. Bahala na. I'll just cross the bridge when I get there. Siguro after ng stint ko sa kompanyang ito ay matatapos na rin ang kahibangang pinasok ni Jepoy, and I will be off the hook. Sasamantalahin ko na rin ang pagkakataong iyon upang pagbigyan ang mga magulang ko. Makikipagdate ako sa mga lalaking irereto nila sa akin at kapag wala pa rin akong nagustuhan, then I think may dapat na talaga akong gawin.
Paano na ang pagsinta mong pururot kay, Jepoy? Balewala na lamang ba iyon? Tanong sa akin ng munting tinig na iyon.
Kung ganun lang sana kadali, e 'di sana ginawa ko na. Natural na sa tao ang umiwas sa mga bagay na maaring makapanakit sa kanya, pero ibang usapan na kapag puso mo na ang ayaw magpaawat kahit anong pilit mo. Wala rin iyong ipinagkaiba sa kalagayan ko ngayon dahil pilit akong umiiwas kay Jepoy na kalaunan nga ay ako rin ang sumuko.
Nahinto ako sa pagmumuni-muni ko nang may kumatok sa pinto ng opisina at bumukas iyon. Napuno na naman ng tuksuhan at impit na tilian ang loob ng opisina ng iluwa niyon si Jepoy. At ano pa nga ba ang magagawa ng aba kong puso kundi ang maglamyerda na naman sa kakisigan nito?
Heart, paano ba kita patatahimikin?
Jepoy's smile added to the mushiness of the atmosphere inside the office sabayan mo pa ng tugtog as background na kanina nama'y wala. Ang galing ng timing, ah, syet! At ang puso ko 'eto na naman, wala na namang tigil sa pagpaparamdam.
BINABASA MO ANG
I THINK I LOVE YOU
Romance"How did I manage to get on with those nine years without you being part of it?" Joie used to believe in love. Ngunit nabago ang lahat ng iyon ng makilala niya si Jepoy. Ang natatanging lalaki na pumukaw sa aba niyang puso. Since that was...