Chapter 7

672 27 0
                                    

7: Dazed and Confused

Leah’s Point of View

Bakit? Bakit grabe ang pag-aalala ko kanina? Wala naman na akong nararamdaman para sa kanya. Wait—pano nasingit ‘yan?

Aah, basta! Hindi ko na siya mahal, okay? Naka-move on na ako sa kanya. Haay! Hindi ko na nga ba talaga siya mahal? Wait! What?! What am I saying? Gosh!

I went back to reality when my phone rang. I sat up and reach for my phone on my bedside table.

Calling Manager Lee

Tumatawag si Manager? Bakit, anong meron? Sana project! I missed projects na!

Tumayo ako sa kama at humarap sa may bintana. Saka ko sinagot ang tawag.

[Hello, Leah! How’s life? Are you enjoying there?]

“Yeah, somehow.”

[Ohh... But, anyway, pupunta ako diyan sa Pilipinas. May client tayo at gusto nila diyan mag-photoshoot.]

Yes naman! Hooh! Photoshoot!

Pero bigla akong natigilan nang may makita akong lalaking naka-all black na nakatingin sa direksyon ko. He looks suspicious.

Huminga ako ng malalim habang nakapikit. Pero, nang muli kong tinignan ang pwesto ng lalaki, wala na siya. Nagtaasan ang mga balahibo ko kasabay ng paglakas ng tibok ng puso ko.

[Leah, are you still there?]

I shake the thought away. Kalma, Eya. You’re just overthinking it.

“Y-Yeah. Kailan pala ang photoshoot?”

[Sa Friday na. O sige, I’ll hang up.]

Pero, hindi ko pa nailalapag ang cellphone ko, nakatanggap nanaman ako ng tawag. Mula ito kay Rhea. Sinagot ko ang tawag.

[Eya, we’re sorry.]

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Sorry? Para saan?

[Leah, about Grey and Clark.]

Oh? So, dahil pala duon. Keh.

“What about them?” painosente kong sabi.

[Eya, sorry. I know you’re just worried about him. But, you know he’s just worried about you, too.]

Alam ko naman eh. Nag-aalala lang din naman ako sa kanya. But, don’t get the wrong idea.

“Rhea, psychologist ka diba?”

[Oo. Bakit?]

“Pwede mo ba akong i-counsel?”

***

“Okay, Eya. Ready?”

Tumango ako nang marahan.

“For you, what is love?”

I breathed deeply first before answering. “Love is an unconditional feeling wherein you care more than your companion than yourself. It is also a 4-letter word that makes you feel almost all the feelings.”

My answer is based on my experience. Nuong minahal ko si Clark, mas may pake ako sa nararamdaman niya kesa sa ‘kin. At, naramdaman ko halos lahat lahat ng feelings na nage-exist, naramdaman ko dahil sa pesteng love na ‘yan.

“Wow ha? Hugot! Okay. Next, what is exactly your reason why you became a playgirl? Is it because of Clark or your heart?”

“It’s because of my heart. I wanted to freeze my heart.”

Marahang tumango-tango si Rhea na para bang iniintindi ng todo ang sagot ko.

“So, bakit ka babalik sa dati? Is it because of someone?”

Unang pumasok sa isip ko si Clark. Siya ang kumonsensiya sa akin. Siya ang primary reason ko. At kahit pagbalik-baliktarin ko pa ang mundo, hindi mababago ‘yon.

“Yes. It’s because of Clark.”

Tila nagulat si Rhea at nanlaki pa ang mata niya. Pero, inaasahan ko naman na ang reaksyon na ganun.

“H-How come?”

“Kinonsensiya niya ako. Dahil sa mga sinabi niya sa akin dati, nagpasya akong bumalik sa dati.”

Unti-unting pumorma ng ngiti ang kanyang labi. “I see.” sabi niya pa.

“Do you like someone by now?”

Umiling ako. Wala akong nagugustuhan. At, ewan ko kung bakit. Andami namang naglipanang pogi sa paligid.

“Do you... still love Clark?”

Natigilan ako. Hindi ako makapagsalita. Bumilis ang tibok ng puso ko. Ewan ko kung bakit pero, parang may pumipigil sa akin magsabi ng “No.” Kapag ibubuka ko ang bibig ko, sinasara ko din ito agad. Ghad! Simpleng no lang hindi ko pa masabi! Pero, hindi na nga ba? Wait—what?!

“I think I already know your answer.”

“You still do love him.”

What?! O.O

***

Mahal ko pa siya?! Weh? Psychologist na ang nagsabi! Eh kasi naman eh, that’s unbelievable! Hindi ko na siya mahal! Wala na akong feelings for him, promise!

“OMG! Si Leah Rodriguez, andito!”

“Kyaaa! Pa-picture tayo!”

By the way, andito nga pala ako mall, at pinagkakaguluhan ako ng girls. ‘Yung mga boys naman pasulyap-sulyap sa akin.

Yas, I know I’m a headturner but guys, don’t turn yours heads so much just to glance at me. Geez. Pati ‘yung iba dinedeadma ang mga shota nila para lang masundan ako ng tingin. Nakakatempt tuloy manlandi. Ahihihi! Bitch please! Hahaha

So, as I was saying nasa mall ako. Walking, walking lang ang peg. Gusto ko sanang magshopping kaso andami nang nakatambak na damit sa closet ko.

Pumasok ako sa isang tea house at bumili ng frappe. Palabas na din ako nang may makabangga akong lalaking nakaitim. Black from head to feet. Maputi siya. ‘Yung pormahang Healer sa Korean novella na The Healer. Siguro naiisip niyo mukha ni Healer ngayon (kung kilala niyo man siya). Pero hindi ganun ang mukha niya. Mas pogi si Healer. Pero papasa na ‘to. Hmmm... sampolan ko kaya siya ng flirting skills ko? Joke! Good girl na ‘to!

Naglakad na ako ulit. Magsisine na lang ako. Loner na kung loner at least maganda ako. Hahaha, aneng konek?

So, ayun nga napadpad ako sa fourth floor kung saan mahahanap ang cinemas, arcades etc.

Pumila ako sa may Camp Sawi. Oo, Camp Sawi talaga! Eh sa sawi nga kasi ako, bakit ba? Habang bumibili ako ng ticket, may na-sense akong kakaiba. Parang may nag-oobserve sa ‘kin.

Lumingon ako para tignan ang mga tao. Pero wala namang nakatingin sa ‘kin nang suspicious. Mapapatingin lang sila sa akin kasi nga head turner ako tapos maglalakad na ulit sila. Pero, nakita ko ulit si “Healer look-a-like” Hmmm... siya na kaya ang forever ko? Charing! Landi ko!

Pumasok na ako sa cinema. Hanggang dito ramdam ko pa din na may nagmamanman sa akin. Creepy.

Nagsimula na ang movie. Pero, hindi pa din ako mapakali. Hindi ako kumportable sa lagay ko. May nagmamanman sa akin. Positive!

Hindi ako maka-focus sa panunood at hindi ko namalayan na natapos na pala ang movie.

Pumunta na ako sa may parking lot. Ayoko na mag-stay pa dito. Mamaya kung mapano pa ako.

Author’s Note:

Sorry sa late UD! But, I got two updates for you guys

The Good BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon