Chapter 3

983 36 0
                                    

3: I’m Back/The Playgirl

Leah’s Point of View

“Chotto.” (Hey.)

Naalimpungatan ako nang marinig ang pagtawag sa ‘kin ni Kesha habang marahan niyang tinatapik ang braso ko. But, I didn’t open my eyes. Gusto ko kasing maasar siya. Pano kasi, excited siyang makarating sa Pilipinas.

“Wake up now, Leah. We’re in the Philippines already.”

Saka ko lang napansing nakahinto na nga ang private plane ko. Pero, hindi pa din ako nagmumulat ng mata. Oh, how I wish to see her annoyed face right now.

“OH, FOR GOD’S SAKE, LEAH, JUST FVCKING OPEN THOSE DAMN EYES ALREADY!”

Pigil na pigil ang tawa ko ngayon. Pano naman kasi, napamura pa siya ng malulutong dahil sa exciteness niya. Pero, hindi ko napigilan at napa-laugh out loud ako. Hahaha!

She glared at me, DEADLY! Kaya naman napatikom ang bibig ko.

“Fine, fine. Let’s go.”

Kinuha ko na ang mga bagahe ko at naglakad papunta sa labas ng eroplano. Pagkalabas ko pa lang, natanaw ko na agad ang mga kaibigan at pamilya ko.

Gosh! I missed them so much!

Patakbo akong bumaba sa hagdan. Pagkababa ko, yinakap ko agad si mom.

“I missed you, baby!”

“Me too, mom!”

At lumabas na ang mga luha ko. I didn’t expect I would cry today. But, it just came out.

Naghiwalay kami ni mom at sunod ko naman yinakap si Marie—na ngayo’y 8 months pregnant. Kasal na sila ni Maurice. At ako ang maid of honor. Medyo awkward nga eh. Like, ako ang mas unang minahal kesa sa bride. But, that’s just in the past, anyway. Tapos, gawd! Ang best man si Clark! Do you know what I wanna say?

“Ninang ka nito ha?” natatawa naman niyang sabi.

“Sabi mo eh.”

Next in line si Rhea. She is also married to the other guy who once liked me, Patrick. They have a 7-month old twins! Si Princess Nathalie at Prince Lance.

Binuhat ko si Prince. He’s so cute! Nakakainggit tuloy ‘yung mga baby nila.

“Meet your future godchildren.” ngiting-ngiting sabi ni Rhea.

Musta naman daw ‘yun? Tatlo na future inaanak ko!

“Wow Leah. Ang laki na ng pinagbago mo!”

“Should I take that as a compliment or insult?”

“Both.” natatawa niyang sagot. “Pero congrats ha? In demand ka na hanggang America bilang model.”

“Ikaw naman pyschologist na.”

“KYAAAAAAAAAA!!!!”

Napatigil kami sa pagkekwentuhan nang makarinig kami ng matitinis na mga tili at nang makaramdam kami ng malakas na hangin. Napatingin kami sa direksyon nun at isang batallion ng fangirls ang nakita namin, and they’re heading to a helicopter. At sa helicopter na iyon, bumaba ang pitong lalaki, The Lucky 7.

“Waaah! I love you Clark Sanford! Please marry me!”

“OMG! No, he’ll marry me!”

“Basta akin lang si Patrick!”

“Akin na ‘yung iba!”

Ghaad! Those stupid fangirls are getting on my nerves!

The Good BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon