Chapter 1

1.5K 39 1
                                    

1: Arrival

March 28, 2014

[Passengers, welcome to Tokyo, Japan! Please buckle up and turn off your gadgets and we will land shortly.]

Tinanggal ko ang headset ko at pinatay ang cellphone ko. Binaba ko na din ang bintana at inayos ang seatbelt ko katulad ng sinabi ng piloto.

Mayamaya ay nag-landing na ang eroplanong sinasakyan namin.

Kinuha ko ang bagahe ko at naglakad na palabas ng eroplano.

The nostalgic air greeted me as I step out of the plane. Hmmm... This will be the same air I will breathe in for... uhmmm... 10 years? 15? Who knows?

Sumakay ako sa maliit na parang bus na maghahatid sa ‘min sa main airport. Ewan ko kung bus ba yun, basta parang ganun.

Pagkadating sa main airport, kinuha ko na ang iba ko pang baggage saka lumabas at pumara ng taxi.

Sinabihan ko ang driver na ihatid ako papunta sa Ryokan Asakusa Mikawaya Honten—isang hotel dito sa Tokyo na hindi kamahalan ang bayad. Aalis din naman ako agad sa hotel once nakahanap na ako ng condo unit na malilipatan, so why bother staying in a luxury hotel? Yep, sa condo ako titira. Ayokong tumira sa mga rest house namin dito.

Nakarating din kami agad sa destinasyon namin dahil wala namang traffic dito. Binayaran ko na si manong saka pumasok sa hotel.

Nag-check in ako saka umakyat sa 10th floor dahil andun ang kwarto ko. Shete lang, ang taas! Nakakalula, emeged! Pero syempre, nag-elevator ako noh! Alangan naman pahirapan ko pa ang sarili ko sa hagdan. Pinahirapan na nga ni Clark ang puso ko, papahirapan ko pa sarili ko? Ano ako tanga? Tanga lang ako sa sa pag-ibig pero hindi ako tanga sa pamumuhay.

*ting!*

Lumabas na ako agad at hinanap ang room 414.

Shet, ang sakit na ng kamay ko!

Madali kong nahanap ang tutulugan ko. Binuksan ko ito. Inilagay ko sa isang tabi ang mga bagahe ko saka itinapon ang sarili ko sa malambot na kama.

***

Naalimpungatan ako nang tumunog ang ringtone ko. Nakatulog pala ako.

I blindly fished my phone out of my pocket and answered it without opening my eyes. Memoryado ko naman na ang bawat part ng phone ko so, ganern.

“Hello?”

[Leah...]

Napamulat ako nang marinig ang boses niya. Tinignan ko ang caller ID at... siya nga.

“C-Clark...”

Gusto kong i-end ang tawag pero parang ayaw ng kamay ko.

[Leah, I’m sorry.]

Bigla nalang tumulo ang mga luha ko. ‘Yung boses kasi niya... parang... umiiyak.

“Clark, tanggapin ko man o hindi ang sorry mo, walang magbabago. Nasaktan pa din ako.”

[Leah, nasasaktan din ako.]

Right, parehas kaming nasasaktan. Pero, parang hindi kasi talaga kami para sa isa’t isa. But, if ever kami talaga, edi kami. We’ll still end up with each other no matter what if that’s the case.

“Clark, alam ko. Alam kong mahal mo pa din ako. Alam kong hindi mo lang ako naalala agad. Pero kasi, Clark... ang sakit na eh. Sobra na. Clark, mahal pa din kita, but maybe we’re meant to fall for each other, but we’re not meant to be together. Ilang beses na tayong naglapit pero pilit pa din tayong pinaglalayo ng tadhana. Just let us move on, Clark. S-Sayonara.”

The Good BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon