Chapter Eight >>
----------------------------
Nalaglag si Charlito sa isang bangin at muntik nang malapa ng lobo ngunit isang mistersyosong babae ang lumitaw at pinatay ang lobo.
----------------------------
*KAGUBATAN*
"Taga-saan ka ba?" tanong ng mistersyong babae sakin habang ginagamot ang mga malalalim kong sugat na natamo. Seryoso, napakaganda niya. Ang kanyang itim na buhok ay kumikinang at tila nagliliwanag kapag nasisinagan ng buwan.
*Flashback*
*BANNNNGGGGGGG* putok ng baril.
Napatay ng misteryosong babaeng to ang lobo na balak na sana akong lapain.
Nakahiga ako sa lupa at nakapikit nang maramdaman kong binuhat ako ng dalawang kamay na nadama ko namang inilapag ang ulo ko sa lap nito.
Sa pagkakataong yon ay iminulat ko na ang aking mga mata. At nakita ko ang misteryosong dilag na nakatingin sa akin at nakangiti.
"Okay na ang lahat. Wag ka nang matakot." sinabi niya iyon na nakangiti sa akin.
Ako ay napanatag at unti-unting tumayo. Naglakad kami. Hindi ko alam kung saan ako dadlhin nang babaeng to, pero sapat nang dahilan ang pagligtas niya sa akin upang ibigay ko ang tiwala ko sa knya.
Nanghihina ako. Feeling ko napakarami nang dugo ng nawala sa akin. Napapikit ako. At ilang segundo pagmulat ko ng aking mga mata, ay may natanaw akong isang maliit na bahay. Luma na ito. Tila 100 yrs old na ang maliit na bahay nayun.
Pumasok kami dito. Puno ng alikabok at mga spider web ang makikita mo. Isang music room. Puno ng mga aklat at mga chords na ang iba'y nakakalat samantalang ang iba'y nakaayos. Mga stand ng lagayan ng mga chords. Mga upuan na nasa gilid. Mga larawan ng mga sikat na musikero noong 19th century. At isang lumang luma na organ. Yung organ na sa mga mayayamang pamilya mo lamang makikita. Yun lamang ang instrumentong makikita mo sa loob ng gusaling ito. Yun lamang na nasa gitna pa ng silid. Ito'y nabibigyan ng liwanag sapagkat mayroon itong napakalaking bintana. Na sa pagsilip mo sa bintana ay matatanaw mo ang bilog na buwan.
"Halika umupo ka dito." binigyan niya ako ng upuan. mukhang luma rin ito ngunit nalinis namn na.
*EndofFlashback*
"A-a--aray. dahan-dahan lang."
"Ay sorry." mahinahon niyang sinabi. Hindi ko lubos maisip na ang isang mahinhin na babae pa ang makakapagligtas sa akin. Isang kakaibang babae na nanatili sa kagubatan nang gantong oras?
"Ano palang pangalan mo?" agad kong natanong na walang pagaalinlangan.
"Dominique." ahhh.. yun pala pangalan niya.
"Ah ako naman si Charlito. Bakit naandito ka? nang ganitong oras Dominique?." hahaha. nagtataka kase talaga ako eh. sorry matanong :P
"Ah, mangangaso ako eh. " sagot niya na mtipid na nakangiti. Dre inlove na ata ako dito sa taong to. Haha. pero teka, mangangaso ng gantong oras? huh? naguguluhan nako!
"Mangangaso? bakit ganito kagabi? Saan kaba nakatira?" sunod sunod kong itinanong, dahil naguguluhan na tlga ako.
"hahaha. Isa isa lang mahina ang kalaban. Ganitong oras kase mas madaling makakita ng hayop. Taga doon ako sa gusali na yun." narinig ko ang mahina niyang pagtawa saka sinabi at itinuro ang gusali na kung saan kami nag-istay. Oo un yun. Huh?o.O tama!
Napatayo ako bigla. "Tara na, bumalik na tayo dun." agad kong hinila siya palabas sa music room na yun at nagmadali sa paglalkad.
"Teka, hindi ko pa natatapos ang paggagamot syo." agad na pagpipigil niya sakin
"Doon may first aid kit sila. Mas effective pa yun kesa dito sa mga dahon na itinatpal mo sa akin." agad na sinabi ko at hinila uli siya.
Hindi na siya nagsalita. Sa kagustuhan kong makabalik doon, halos hndi ko na madama ang hapdi at kirot sa aking katawan. Ang tanging gusto ko lang makabalik doon. Tiniganan ko si Dominique. Nakatingin lamang siya sa dinadaanan namin. Hindi ko alam kung anong naiisip niya at bakit bigla siyang wala nang imik.
"Charlito!"
"Eli!"
"CHARLITO,!"
Ibat ibang boses ng tao ang narinig ko. Hinanap ko kagad ang boses na yun. Hanggang sa may nakita akong flashlight.
"Andito ako! Tulong!" sigaw ko. Nakatigil nalang kami ni Dominique. Napatingin ako sa kanya at ngumiti. Sinuklian niya rin namn to ng matamis na ngiti.
Pagkatutok sakin ng flashlight. Natanaw ko ang mukha nina Sir Justin, Dennie, at Christian. Nadama ko ulit ang sakit ng katawan ko. Napaluhod ako sa lupa, ngumiti.
"Eli!" sigaw ni Dennie. Natanaw ko sa mukha niya ang luha na naging dahilan sa pagkakabasa ng kanyang pisngi.. Lumapit silang tatlo sa akin at inalalayan sa muling pagtayo.
"Salamat. Buti naman nakita niyo ko." nasambit ko na nanghihina na.
" Dahil un sa orasan mo. Nakita namin un. Kaya naisip namin nandito ka." pagkwento ni Christian.
Napangiti nalang ako. Napalingon ako kay Dominique. Habang naglalakad kami nakasunod lamang siya. Sa twing sinisilip ko siya, ngmingiti lamang siya.
Ilang minutong paglalakad, nakaakyat na kami sa daan. Habang patuloy sa paglalakad. Unti unti ko nang natatanaw si Deo at Dariel na nakahiga at labas ang laman loob nito. Nakita ko si Liah. Nakaalalay sa katawan ni Deo. Humahagulgol. Hindi na makahinga. Nawawalan n ng pagasa. Putek. Kasalanan ko ba to? Dahil sa iniwan ko sila? hayss.., ang sakit sa ulo, lalo na sa puso. Napakalaki ng kasalanan ko.
Nang makapasok na kami sa tinutuluyan namin. Tahimik ang lahat. Nakaupo lamang at tulala. oo gising ang lahat. Natatakot.
"Wag niyo na lamang tawagn ang mga magulang ninyo dahil siguradong mag-aalala sila sa inyo, at pupuntahan kayo agad dito. Lulutasan natin ito." sigaw ni Mr. Mystery sa lahat. Habang patuloy parin ang pagalalay sakin hanggang makarating kami sa kwarto na kung saan bakante. Mukhang clinic nga ito eh. Kase may mga panggamot sa mga sugat ko.
"Manatili ka nalang muna dito Charlito. Babalik kami mamaya." sabi ni Sir Justin sa akin sabay akay kina Dennie at Christian palabas. Inikot ko lang ang mata ko. Nang maalala ko si Dominique.
"Domi-----" biglang bumukas ang pintuan. At si Dominique ang nakita kong pumasok.
"Kumusta na pakiramdam mo? Ako nalang maggagamot sa mga sugat mo. Tutal mukhang busy sila." Dirediretso niyang sinabi.
"Okay naman ako Dominique salamat sa tulong mo." nakangiti kong sinabi sa kanya.
Habang ginagamot na uli ako ni Dominique, gamit ang mga panggamot na mkikita dito, napapikit ako. Pero kahit anung pilit ko, hndi ako makatulog.
"Ahmm Dominique. Pwede mo ba akong samahan sa 3rd floor? sa room namin.?" napamulat uli ako.
"Ah sige." agad na tugon ni Dominique, As always nakangiti na nmn siya sken.
Nang makarating kami sa 3rd floor, dahan dahan akong lumapit sa kwarto namin. At nakita ko si Patrick na kalong kalong si Aika sa kanya. Si Aika na wala nang buhay.
Palapit na sana ako kasama si Dominique nang bglang nagsalita si Patrick.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Malaman ko lang kung sino ang may gawa nito, mamamatay ng unti-unti.!"
(A/N: Music room na tinuluyan nina Charlito ung nasa pic. )
BINABASA MO ANG
Comfort Room 2
HorrorAng kwentong ito ay tungkol sa isang transferee sa CCA. Si Charlito Fernandez. 6 years old palang siya nang lumipat sila sa Manila ng bahay. Sa Cavite siya nanggaling. Si Liah Caringal ang naging unang bestfriend niya sa Manila noong grade 6 siya. A...