Chapter Ten >>

198 2 0
  • Dedicated kay Vincent James Santos
                                    

Chapter Ten >> 

----------------------------------------- 

Namatay na si Liah Caringal, ang bestfriend ni Charlito. Samantalang naalala naman ni Dominique si Charlito na kababata niya pala noon. Ano nang mangyayari sa buong III Luke? Sino pa ang susunod? Maalala kaya ni Charlito si Dominique? 

------------------------------------------

*CLINIC*

"Ako si Moana Dominique Banzon."

"Ako si Moana Dominique Banzon."

"Ako si Moana Dominique Banzon."

"Ako si Moana Dominique Banzon."

"Ako si Moana Dominique Banzon."

Paulit-ulit na nagsasalita si Dominique sa utak ko. Iniisip ko parin ung sinabi niyang yon sa akin. Siya daw ang aking superganda at ako naman si superchubzzz ? At nangako ako na siya ang magiging reyna ko? At nangako naman siyang ako ang magiging hari niya? Ano ang ibig sabihin nun? Hindi ko maalala. Wala akong maalalang ganun. Dahil sa buong buhay ko, si Liah lang ang nakilala kong espesyal na kaibigan kong babae maliban pa sa aking ina. Wala nang iba. Haysss...

*knock, knock*

"pasok" banggit ko.

"Uhmmm eli?" Nakita kong si Katheleen ang nagsalita. At nang tuluyan na siyang nakapasok, nakita ko naman si Aldgen na kasama niya.

"Yess?" Nakangiti kong sagot.

"Pumunta daw lahat sa labas. Mag-aanounce ang Principal." Sagot naman ni Kathleen.

"Ah sige susunod na ako."

At lumabas na silang dalawa. Naiwan akong nagiisa sa clinic. Bago ako tumayo sa pagkakahiga ko, tinignan ko muna ang orasan sa clinic. 4:00 am. Onting oras nalang tuluyan nang lalabas ang haring araw.

Kinuha ko na ang saklay na nasa tabi ko. Binigay sa akin to ni Sir Justin kani-kanina lang. 

Nagsimula na akong maglakad papunta sa labas.

Nang makarating ako, narinig kong nag-aanounce ang Principal namin.

"Ipagpapatuloy ba natin itong retreat na ito, o nais ninyo na lamang umuwi pagpatak ng 6:00 ng umaga?" Tanong ng principal sa lahat.

"Umuwi nalang po tayo! Baka mamaya may sumunod pang mamatay!" Sigaw ni Kuya Vincent. 4th yr student.

"Oo nga po!" Narinig kong pag-aagree ng lahat.

"Hindi! Tatapusin po natin to. Hindi po pwedeng wakasan nalang natin ito nang ganito. Ano yun? Hahayaan nalang natin ang pangyayaring ito?kakalimutan? Ganun po ba yun? Kailangang malaman nating lahat kung sino ang may pakana ng lahat ng ito! Kung sino ang pumatay sa kapwa kamag-aral natin. Dahil sa oras na lisanin natin ang lugar na ito, hindi na natin malalaman kung sino talaga ang pumapatay." ...... Napatingin ang lahat sa taong tumayo sa kalagitnaan ng maraming tao at nagsalita. Oo. Ibang-iba na talaga ngayon ang pananalita niya, ang buong pananaw niya. Naging seryoso siya. Hindi tulad ng dati kong kilalang Patrick, maloko, tila walang problema sa mundo. Isang tao lang naman ang sineseryoso niya ng sobra, si Aika. Kaya siguro naging ganyan siya dahil sa, sa, sa, wala na si Aika.

"Sang-ayon ako sa sinabi niya." Isang tao na naman ang tumayo. Ang taong kinatatakutan ko. Oo, si Loran. "Kelangan nating imbistigahan lugar na to. .. Malamang maraming clue dyan na naiwan. Maraming patunay na nakatago. Pano ko nasabi? Dahil karanasan ko yan. Baka nakakalimutan niyon nkapatay na ako. Kaya alam ko ang diskarte ng isang mamatay tao."

O.o 

O.o 

O.o 

O.o 

O.o

Natakot ang lahat sa sinabi niya. Malamang. Bakit kasi kelangan niyang magsalita nang ganun. Ako mismo, malapit na siyang pagbintangan na siya na naman ang pumatay. Pero malabo yun.dahil ang killer ay nananahimik lang at hindi dapat magsalita nang ganun sa harap ng maraming tao.

"Maghanap nalang tayo ng imbistigador at umalis na tayo dito!" Sigaw ni Gide.

"Shonga ka ba? Eh kung magpapaimbistiga tayo, maaring mismong nasa killer lang ang mga sangkap niya sa pagpatay. Eh kung mgpapatawag pa tayo ng magiimbistiga, matatagalan pa tayo, kaya tayo tayo nalang ang magimbistiga. Tama ba? Ngayon mismo." Owwww.. May point sya dun..

"Okay walang aalis sa kinauupuan. Iimbistigahan namin kayo isa-isa." Sigaw ng principal.

Habang nagsisimula ang pagiimbistiga sa bawat isa, nakita ko si Dominique sa main door ng gusaling ito. Nakingiti sa akin. Tinwag ko siya at pinaupo ko sa tabi ko. Nasa dulo ako ng row kaya marami pang bakanteng upuan.

"Saan ka na namn nanggaling?" Tanong ko sa kanya.

"Sa labas lang nag pahangin." Nakangiti parin niyang sagot sa tanong ko.

"Uhmmm, Dominique. Pasensya na, pero hndi talaga kita maalala. Wala akong maalalang Moana. Wala akong malalang superchubzzz at superganda. Pero pipilitn kong alalahanin ang lahat." Nalulungkot na banggit ko sa kanya.

"Okay lang" nakangiti parin siya.grabe bilib nako sa kanya.

Napangiti narin ako sa kanya.

---------------

*CLINIC*

"Pahinga ka na ulit Charlito napagod ka siguro sa paghihintay sa pagimbistiga sayo." Nakangiti parin sinabi sa akin ni Dominique.

Habang nakahiga, at nakapikit. Naramdaman kong lumabas na si Dominique. Napamulat uli ako at napatingin sa bintana.

"Sir, may napapansin po ako kay charlito. Simula nang makita po natin siya doon sa gubat, parang nabaliw na po siya. O kaya nagkaroon ng imaginary friend. Lagi kasi siyang ngumingiti sa gilid niya na parang may tao kahit naman wala. Tapos kanina po habang nagiimbistigahan, nakita ko po siya sa likod. Nasa huling row po siya nakaupo, at may kausap? Opo, promise may kausap po talaga siya. Do-dominique? Nabanggit niya po ang pangalan un." Huh? Ano? Imaginary friend? Napatayo ako sa pagkakahiga ko. Nagmadaling lumapit sa pintuan para masabi kay Christian na hndi imaginary friend si Dominique.

"Hindi ima-----------------------"

Pagbukas ko ng pintuan, wala na si Christian at Sir Justin. Si Christian lang ang may ganung boses kaya nakilala ko kagad.

Imaginary friend? Hindi totoo yan..

(A/N: Si Kuya Vincent Santos po ung nasa pic. ;) )

Comfort Room 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon