Chapter Eleven >>

169 2 0
                                    

Chapter Eleven >>

--------------------------------------

Nahiga muli si Charlito sa higaan doon sa clinic, at sa labas ng pintuan ay narinig niya ang paguusap nina Christian Dela Paz at Sir Justin. Narinig niya na pinagbibintangan si Charlito na baliw, o may imaginary friend.

--------------------------------------

*PINTUAN NG CLINIC*

Time check, 5:30 am.

Nagdesisyon akong maglakad-lakad. Magpahangin sa labas.

*LABAS NG GUSALI*

Ahhhhh..... Ang lamig ng simoy ng hangin. Ang ilaw lamang sa tapat ng main door ang nagbibigay liwanag sa aking kinatatayuan dito sa labas, ganun din ang buwan. Napaupo ako sa malaking bato sa gilid. Napapikit at binabalikan ang mga naganap ngayong gabi.

O gising ka na?" Napalingon ako ng mabilis nang may narinig akong boses mula sa aking likuran. Si Mr. Mystery. "Aalis na kayo mamayang 6:00 am, ayaw mo bang magpahinga iho?"

"Ahh,, hndi na po ako makatulog eh simula pa po kanina." Agad na sagot ko na may matamos na ngiti. "Kayo po? Hindi po ba kayo magpapahinga? Napansin ko po na parang wala pong kwarto na bakante dito na para sa inyo?" Sunod na aking naitanong.

"Hahahahahahahahah." Tunatawa si Mr. Mystery, bakit? Tinitigan ko lang sya hanggang magwakas ang tawa niya. "Pasensya na iho, hndi na kasi ako natutulog kapag may bisita ako dito." Agad n sagot matapos syang tumwa. Pero nakikita kong natatawa parn siya.

"Bakit po ba wala kayong kasama? Hindi po ba kayo nalulungkot?" Natanong ko.

"Nagkakamali ka." Bglang sumeryoso ang mukha ni Mr. Mystery matapos kong itanung iyon, at napatingin sa kawalan. "Hindi ako nalulungkot, dahil kasama ko ang prisensya ng anak ko rito. Kaya hndi ako malulungkot kahit kaylan." Huh? Ano daw?

"6yrs old na ang anak ko. Nangako ako sa kanya na isasama ko siya sa conference namin dito sa Mt. RIP, na kung saan makikita ko ang mga kilalang detective sa buong Pilipinas. Ipinangako ko sa kanya iyon kasama ang mama niya kung matataas na marka ang makukuha niya sa card. At natupad niya yun, pasado lahat ng grades niya sa card. Kaya tinupad ko ang pangako ko sa kanya." Wew.... "December 20 2007, mula sa cavite ay ginamit namin ang sasakyan namin upang makarating dito sa Tarlac. Natutuwa ako ng sobra pag nakikita ko ang anak kong malapad ang ngiti habang nakadungaw sa bintana, minamasdan ang aming dinadaanan. Tapos paulit-ulit pa ng tanong na 'papa, malapit napo tayo?'. Hnhahahahaha. ... 2:00 pm nang makarating kami dito. Magoovernight kami dito kaya nagdala na kami ng aming gamit. Itong gusaling ito ay itinayo para sa mga detectives. Kaya't ang gusaling ito ay ang 'house for detectives' nakakatuwa man isipin dahil sa araw na iyon, ilang minuto, at segundo lang, mabilis na nagbago ang ihip ng hangin. . . . . . Mahimbing nang natutulog ang lahat... Nang bglang makarinig kami ng sunod-sunod na putok ng baril. Ginising ko ang mag-ina ko, sinabay ko sa pagtakbo at paghanap ng malalabasan sa gusaling ito. Halos paikot-ikot kami sa gusali, dahil ngtatago kami sa mga lalaking mga nakaitim. 'Papa. Natatakot na po ako' narinig at nakita kong pagiyak na aking kaisa-isang anak. Ang pamilya ko, idinamay ko pa sa gulong ito na dapat ako lang ang narito. Hindi ko alam kung anung rason ng mga lalaking nakaitim, bsta ang gusto kong mangyari ay mailigtas ang pamilya ko. Habang nakatago kami sa likod ng isang pader, nakita ko ang matalik kong kaybigan na tinawag ako upang makaligtas sa mga bala ng baril. Kaylangan kong mauna dahil makipot lamang ang daang dadaanan namin. Hawak ko ang mag-ina ko sa likod ko nang biglang.... BANG! ...............namatay ang mag-ina ko. Nagtago lang kami ng matalik kong kaybigan sa isang comfort room ng mga lalaki, ngunit umalis ang kaybgan ko at hndi na nakabalik. Nanatili ako sa comfort room. Nang magising ako, sobrang pasasalamat ko sa Diyos na akoy buhay pa. Naisulat ko sa pader doon ang huling sinabi sa akin ng aking anak.. 'I love you papa.'Lumabas ako sa comfort room at nakita ang mga sikat na detective na duguan sa bawat dadaanan ko. Namatay ang lahat. Ako ang natira. Humingi ako ng tulong sa barangay dito sa tarlac, pero walang tumulong sa akin. Nilinis lamang nila ang gusali, ngunit pagkatapos noon ay hndi nila hnanap ang mga hayop na gumawa nito. Nanatili ako dito hanggang sa isang music room ang natagpuan ko sa kalagitnaan ng kagubatang ito. Nakita kong may isang organ sa gitna sa loob ng music room. Isang tao lamang ang naalala ko ang anak ko. Mahusay siyang tumugtog ng organ. Isang araw ngay bglang tumunog ang organ, pero hndi ako natakot, dahil alam ko ang anak ko iyon. Siya lamang iyon. Ang munti kong prinsesa. Simula noon binago ko ang lahat, tinawag ko ang sarili kong Mr. Mystery, tinawag kong Mt. RIP dahil sa nangyari, ginawa kong sarili kong tahanan ito. Inayos ko ang gusaling ito upang madayuhan, kayat hndi ko aakalaing mangyayari ang muling pagpatay sa lugar na ito sa unang beses na mgkaroon ako ng mga bisita, siguro ay sinumpa na ang lugar na ito."

"Teka po, pumunta kayo dito para ganapin ang conference dito sa Mt. RIP para makilala ang mga detective dito sa Pilipinas? Edi detective po kayo?" Natanong ko.

"Oo iho, ako si Detective Banzon."

Comfort Room 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon