Chapter Twelve >>
-------------------------------------------
Nakilala na ni Charlito si Detective Banzon, na kilala natin bilang si Mr. Mystery.. Ano na ang mangyayari?
------------------------------------------
*LABAS NG GUSALI*
Napatingin ako kay Mr. Mystery. Sino daw siya? Si detective Banzon?
Banzon?
Banzon....
Parang narinig ko na ang surname na iyon..
.
.
.
.
.
.
.
"Ako si Moana Dominique Banzon."
Naalala ko ang mala-artemis na mukhang nkangiti sa akin. Si Dominique! Oo parehas silang Banzon. At, at.... Ung music room na may isang organ? Na nasa gitna ng kagubatan?
Shizzz.. Tumatayo ang balahibo ko. Hndi kaya tama si Christian?
*flashback*
CLINIC*
"Pahinga ka na ulit Charlito napagod ka siguro sa paghihintay sa pagimbistiga sayo." Nakangiti parin sinabi sa akin ni Dominique.
Habang nakahiga, at nakapikit. Naramdaman kong lumabas na si Dominique. Napamulat uli ako at napatingin sa bintana.
"Sir, may napapansin po ako kay charlito. Simula nang makita po natin siya doon sa gubat, parang nabaliw na po siya. O kaya nagkaroon ng imaginary friend. Lagi kasi siyang ngumingiti sa gilid niya na parang may tao kahit naman wala. Tapos kanina po habang nagiimbistigahan, nakita ko po siya sa likod. Nasa huling row po siya nakaupo, at may kausap? Opo, promise may kausap po talaga siya. Do-dominique? Nabanggit niya po ang pangalan un." Huh? Ano? Imaginary friend? Napatayo ako sa pagkakahiga ko. Nagmadaling lumapit sa pintuan para masabi kay Christian na hndi imaginary friend si Dominique.
*end of flashback*
Hindi kaya? Multo na siya..o.O
No way >.< hndi , hndi totoo un. Imposible. Wala akong third eye!
"Ahh cge iho maghahanda pa ako ng kakainin nyu ngayong umaga " pagpapaalam sakin ni Mr. Mystery.
Nanatili nmn ako dito sa labas habang nagmumuni-muni. Time check, 5:45. Hndi nko nakatulog bwiset.
"Eli!" Napalingon ako sa likod ko, at nakangiti uli sakin si Dominique. Natulala ako. Nawala sa isip ko ung pinoproblema ko. Anu nga bayun?
"Samahan mo ko dun sa music room may ipapakita ako sayo dali!" Napalitan ng takot sa mukha niya ang ngiti nang simulan niya akong hilain pababa doon sa gubat. Dire-diretso lang kami sa paglalakad at walang umiimik, nang matanaw ko na ang music room naalala ko ung pinoproblema ko kanina.
"Ahh Dominique, kasi kanina nkausp ko si-----" naputol ung pagsasalita ko nang patahimikn niya ako.
"Ssssshhhhhh. Wag kang maingay, may tao dun sa loob ng music room. Tignan mo oh." Pumwesto kami sa labas at sumilip sa bintana. Nakita kong may tao nga doon, hndi ko siya masyadong makilala dahil ntatakpan siya ng organ. Nakita kong pumasok siya sa isang pintuan doon sa loob. At biglang tumakbo. Tumakbo ng mabilis na parang takot na takot. Nang makalabas siya sa music room, nasilayan ko ang mukha niya.....
Si Kim Bitong..
Tatawagin ko sana siya kaso naisip ko kung bakit siya kumaripas ng takbo. Kaya mas pinili kong silipin din kung anung meron doon sa pintuan na pinasok niya.
Malapit na ako sa pintuan na yun... Nang bglang.....
Hinalikan ako ni Dominique sa cheeks?
O.o
Napatingin ako sa kanya.. Natulala na nmn ako. Parati nalang akong natutulala x( bakit ganun!? Kahit kailan hndi ko to naramdaman. Ngayon lang, simula nang makita ko siya, parati nalang akong natutulala.
Naririnig ko ang puso kong mbilis na tumitibok. Damang-dama ko. Nakatayo parin ako sa kinatatayuan ko nang bglang makarinig ako ng tugtog ng organ.
Sino pa ba? Edi si Dominique ang tumugtog... Habang pinakikinggan ko at pinapanood siyang tumutugtog, mukhang nagliliwanag si Dominique. Napakaganda niya. Sobrang napakaganda niya.
*flashback*
*CLASSROOM -3rd yr*
"Aika pano mo nasabing mahal mo na ang isang tao?" Natanong ko kay Aika.
"Simple lang, kapag ung puso mo mabilis na kumakabog. Isang sign un na mahal mo na ang isang tao. Tapos wala ka nang pakielam sa sinasbi ng mga tao sa taong napupusuan mo, ksi mahal mo na sya. Tanggap mo na kung sino siya. Kung anong meron siya. O kung anu-ano pa." Sagot ni Aika.
*end of flashback*
Naalala ko ung mga pingsasabi nilang imaginary friend ko si Dominique, naisip ko n dapat hndi sila ang pakinggan ko. Kundi itong puso ko na ang sinisigaw ay si Dominique. Napatingin ako sa mukha ni Dominique. Hindi naman siya mukhang multo. Kundi isang tao. Nhahawakan ko pa nga siya eh. See? Nahalikan niya pa ako sa cheeks...
Oo. Mahal ko na siya. Mahal na mahal ko na siya. Wala akong pakielam kung sino man siya. Basta alam ko, mahal ko na siya.
.
.
.
.
.
. Mahal na mahal kita Moana Dominique Banzon. Mahal na mahal.
(A/N: ung tinugtog ni Dominique, iplay niyo nalang po nasa side ;) )
BINABASA MO ANG
Comfort Room 2
HorrorAng kwentong ito ay tungkol sa isang transferee sa CCA. Si Charlito Fernandez. 6 years old palang siya nang lumipat sila sa Manila ng bahay. Sa Cavite siya nanggaling. Si Liah Caringal ang naging unang bestfriend niya sa Manila noong grade 6 siya. A...